Never Let You Go - Chapter 8.

2.8K 50 20
                                    

<-- VOTE.

PANGALAWANG UPDATE KO TO NGAYON AH. =_______=

SANA MAY MAGBASA PA. TT____TT

I-ADD NIO NGA PALA CHARACTERS NG STORY. PUNTA KAYONG CHAPTER 5. ANDUN MGA EMAILS NILA.

AKO NA RIN. IADD NIO AKO, Eiaia ZeroThree Wattpad. ISASALI KO KAYO SA GROUP NG NEVER LET YOU GO. SABIHAN NIO LANG AKO KNG GSTO NIO.

YUN LANG. GE.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Eli's POV]

Bumaba na ako, to have breakfast. Grabe lang. Bored ako. BV na rin. Ewan ko ba. Naddissapoint ako sa mga ngyayari sa buhay ko.

Wala naman akong ginagawang masama. Hindi naman ako nananakit. Tas bat ganto ngyayari? Tss.

"O anak gising ka na pala. Tumawag yung kaibigan mo dito kanina ha." Bati ni Mama sakin.

Umupo na ako at kumuha na ng pagkain. Napipikit pikit pa ako. Ewan ko ba. Feeling ko ayokong bumangon ngayong araw na to. Gusto ko nakahiga lang, natutulog. Para di na pumasok sa isip ko ang mga di kagandahang nangyari these past few days.

"HUY! Narinig mo ba ako, anak? Wala ka ata sa wisyo." Tinapik ako ni Mama.

"Pagod lang po. Sinong kaibigan?" Marami akong kaibigan. Though ayoko nang makipag-argue pa. Tinatamad akong makipag usap.

As I've said. BV ako at masama ang gising ko. Amp.

"Yung ah.. Tina? Tani? Trisha?--"

"Baka po si Tammy." Sabi ko naman. Hindi magaling si Mama sa pagkakabisado ng names. Buti nga tanda pa nia pangalan ko e.

"Ah. Hehe. Yun nga. Ang sabi nia e magkita daw kayong barkada."

Kumagat ako sa pandesal na nilagyan ko ng peanut butter. "Tatawagan ko nalang po ulit."

Malamang si Kuya nasa dorm na nia. Tss. Ppnta lang naman yun dito kung may kailangan cia o namimiss nia kami. Pero pag sembreak nila, dito cia tumitira.

Si Papa naman, well.. ano pa nga ba? Ilang linggo nang di nauwi yun e. Pero tumatawag naman cia araw araw dito, nangangamusta.

*TELEPHONE RINGING*

"O anak .. baka yung Trisha na yan." Sabi ni Mama.

Tumayo ako at hinawakan na yun phone. "Ma, its Tammy."

Never Let You Go (Book 1 - Complete!)Onde histórias criam vida. Descubra agora