Never Let You Go - Chapter 36.

2.1K 28 18
                                    

<--- :)

Parang gusto kong bawiin yung last update ko. </3 Oh well. LIFE GOES ON. :(

---------------------------------------------------------------------------------------------

[Eli's POV]

"Thank you talaga Vots." 

"Sus. Wala yuuun! Ikaw pa, lakas lakas mo sakin eh." Ginulo niya yung buhok ko.

Naglalakad kami ngayon pauwi ng bahay ni Ash, galing kami dun sa playground. Ihahatid na raw niya ako, para makapagpahinga at makalimot sa stress and everything. Andami nyang alam. Di pa rin nagbago.

"Uy kwek-kwek!! Gutom na ako Poooots! Tara bili tayoooo!!!!" Masaya niyang sinabi sakin.

Kwek-kwek.

"Ayoko. Sige ikaw na lang." Sabi ko sa kanya.

Biglang nag-iba yung mukha niya. Parang nagtaka bigla. "Himala? Tumatanggi ka sa kwek-kwek? Paborito mo yan ah."

"Basta ayoko. May naalala lang ako.. sige na, bili ka na. Hihintayin kita." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

Tumango na lang siya at tumakbo papunta dun sa mamang nagbebenta ng kwek-kwek sa kabilang kalsada. 

Kwek-kwek. Kulay kwek-kwek. Tss. 

Matagal-tagal din bago siya nakabalik. Basta ako nakaupo lng ako dun sa bench tapos nagbabasa ng pocketbook. Wala siyang dala except yung bag niya.

Malamang dun na niya kinain yung kwek-kwek. Sakim. Hahaha. Gusto ko rin talaga. Actually miss na miss ko na ang kwek-kwek. Kaso nga.. Uggh.

MASAKIT EH. AYOKONG ALALAHANIN. MASAKIT. KAHIT SIMPLENG BAGAY LANG NA MAKITA KO NA MAY CONNECT SKNYA, MASAKIT.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kwentuhan lang kami ni Ash. Madaldal pa rin siya.

Di talaga nagbago!

At, napansin kong mas naging cheerful pa siya gaya ng dati. Parang puro ngiti na lang nakikita ko sa kanya. Ang cute nga niya eh. With the dimple.

"Nacucute-an ka sakin nooooh?" Pang-aasar niya.

Wow. Nabasa niya isip ko? 

"Bat mo nasabi? Asa ka pa." Sabi ko.

Tumigil siya sa paglalakad tapos nilagay niya yung dalawa niyang kamay sa bewang niya. Alam niyo yung mukha nung nanay na nanenermon? Parang ganun. Katuwa. "Kanina ka pa nakatitig sakin oh. Ni hindi ka nga ata nakikinig sa akin." Nagpout pa.

"Eh kasi distraction yang dimple mo kanina pa yan. Alisin mo nga yan.." Sabi ko. Haha inggit ako wala ako nun eh. </3  "DIBALE MAS CUTE PALA AKO SA'YO. HAHAHAHAHAHA" Tapos tumakbo ako. 

As expected hahabulin ako nung kasama ko kaya binilisan ko pa. 

Tawa lang ako ng tawa habang tumatakbo. Excuse me ako ng excuse me sa mga taong nadadaanan ko. Baka iniisip nila hinahabol ako ng pulis. 

Ang sayaaaaaaaaaaaaaaaaa. :) Sana ganito na lang palagi! Ang sarap nung ganitong feeling... yung iisipin mo na may humahabol sayong tao tas kailangan mong bilisan at wala ka ng iisipin pang iba. Gets niyo yun?

Yun bang di mo maiisip na may homework ka pa palang gagawin. Na may lalabhan ka pa pala. Na may research pa palang ipapasa.

Na may siraulong nanakit sayo ng sobra.

Never Let You Go (Book 1 - Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon