Untitled Part 23

1 0 0
                                    


***

Papunta ako sa Wardrobe nang marinig ko ang pangalan ko.

"Dr. Loresca, Dr. Montillano and Dr. Landrito.. Bakit niyo sinasabi na Girlfriend ni Dr. Esteban si Girl na yun. Eh Girlfriend ni Dr. Sandoval yun. Hala kayo pag narinig ni Doc yan. Kalat na kalat na kaya yun sa Station natin na yun yung Jowa ni Dr. Sandoval. Kayo nalang ata ang hindi nakakaalam" Say ni Nurse Kim.

Kumunot ang Noo ko. What the heck is this? Who is She? Ganon? So kalat na kalat na pala.

"Hindi naman namin alam" Dr. Montillano

"Nasaan na yung Gf ni Doc? Baka hanapin ni Dr. Sandoval eh" Mariin lang akong nakikinig sa usapan nila.

"Magkasama sila ni Dr. Esteban sa Cafeteria" Dr. Loresca

Agad akong pumunta sa Cafeteria.

***

Nakaupo na kami sa Table ni Dr. Esteban at may nakahain na.

Hindi ko alam pero may Iilan na Nurses ang naktingin samin. Nakakailang tuloy.

Umalis na kaya ako?

Kapag umalis ako. Nakakahiya kay Doc.

"Anong problema?" Tanong sakin ni Doc

"Wala naman!"

Nagsimula na kaming kumain.

"Di ba Yan yung Girlfriend ni Dr. Sandoval" Nurse 1.

Napakunot ang Noo ko. Yun yung mga Nurses na kanina pa nakatingin ng Wagas samin. Anong sinasabi nila?

"Oo nga eh. Bakit kaya si Dr. Esteban ang kasama niya?" N2

"Halata naman na Malandi eh. Kahit sinong Doctor na Gwapo Papatusin nyan. Baka Bukas kahit Doctor na may Asawa na. Patulan niya" N3

Muntikan na akong mabulunan sa narinig ko.

"Boyfriend mo si Dr. Sandoval?" Tanong sakin ni Dr. Esteban.

Hindi pa ako nakakasagot nang may naramdaman nalang ako na may humawak sakin sa Braso at sapilitan akong pinatayo. Si Zedrick pala.

Hinila niya ako bigla at kinaladkad palabas ng Cafeteria.

Sobrang higpit ng pagkakapit niya kaya nasasaktan ako.

Tsaka niya binitawan ang kamay ko ng pabalang. Hinimas ko yung braso na hinawakan niya. Sobrang pulang pula at kulang nalang magkaroon ng pasa. Baka mamaya maya lang meron nang pasa.

"What are you doing? Kailangan ba pati mga Katrabaho ko. Maipailalim sa mga kamay mo? Wala ka na ba talagang kahihiyan sa katawan mo? Alam mo ba talaga kung Nasaan ka? You are in the Hospital Not in the Club"

Nanlilisik na yung Mata niya. Galit na Galit. Kulang nalang saktan niya ako.

"Miss Bargirl.. Girlfriend na pala kita? At Kalat na kalat na sa mga kasamahan ko. Wag kang gumawa ng Kwento. At wag ka nang babalik dito kahit Kailan. Please Mahiya ka!! Kahit sa sarili mo nalang"

"Wala akong pinagkakalat na may relasyon tayo. Wala din akong balak sa mga kasamahan mo. Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Wag kang Magmalinis. Ilan na ba ang Boyfriend mo? Ilan na ba ang mga Lalaking nakahawak sayo. Nakakasulasak ang mga babaeng kagaya mo!"

"I'll go A head Doc Sandoval"

Parang Wala lang na tinalikuran ko si Zedrick. Pero napaiyak na ako pagtalikod ko.

Sumusobra na siya sa pagsasalita niya. Perfectionist siya eh!!

Ayoko nang salubungin ang galit niya. Baka kung ano pang masabi ko na hindi maganda!

Pinunasan ko yung Luha ko.

"Hay Grabe siya magsalita. Isa Akong Bar Girl, Table Girl, Maduming Babae. Ano pa ba? Mang-aakit. Malandi..Lahat na."

First Expression Last. Ano pang saysay nang pagpapaliwanag ko? Wala. Wala. Wala!! Hindi rin siya makikinig. Sarado ang Utak niya.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon