chapter:10

6 0 0
                                    

"Mag usap tayo Liz"

"Bakit ba Sir?"

Pinaiwan niya ako. Pagtapos ng Klase namin sa kanya

"Kausapin mo ako" Sabi niya.

"As far as i know wala akong dapat sabihin sayo!"

"Ipaliwanag mo. Alam kong may dahilan kung bakit nagta-trabaho ka sa ganun. Tell me? Hindi bilang Professor mo. Kundi bilang Kaibigan mo Liz!"

"Hindi ko kailangan mag Explain o gumawa ng mga excuses sayo. Madumi akong Babae. Di ba? Pabayaan mo nalang"

"Wag ka nang pumunta sa Bar na yon. Wag ka nang Mag Trabaho"

"Wala kang karapatan paki-alaman ako. Buhay ko to!"

Hinawakan niya ako sa dalawng balikat.

"Liz, Wag mong sirain ang buhay mo. Sabihin mo sakin, anong problema? Tutulungan kita. Kung kailangan mo ng Pera susustentuhan kita"

"Bitawan mo ko . Ano ba?"

Buong Lakas ko siyang Tinulak.

"Hindi Kita Kaibigan, Hindi kita Kapatid. Hindi kita Nanay at Lalong Hindi kita Tatay. Wala tayong ugnayan na kahit ano sa isat isa. Hindi rin kita kakilala. Ang Tanging Papel mo lang sa buhay ko ay maging Professor ko lang.

Wala kang karapatan panghimasukan ang buhay ko. Dahil wala kang Alam!"

Ayoko nang Dumagdag ka pa sa Magulong Buhay ko Harvey.

Kaya Tanggapin mo nalang nang Tanggapin ang mga masasakit na salita galing sa akin.

***

"WHAT? Anong sinasabi niyo Mam"

"May Client ka. Pupu nta ka sa BH Hotel. Dun mo gawin ang trabaho mo ngayon"

"Anong sinasabi niyo?"

"Wag kang magtanga-Tangahan Flower. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko"

Inutusan niya yung Bouncer. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso

"Malaki ang kapalit mo Flower. Kaya wag ka nang mag inarte"

"Pakawalan niyo ko. Mga Hayop!"

"Wag ka nang mag matigas. Masasanay ka din naman. Mas kikita pa tayo ng malaki. Mapera si Mr. Lim. Siguradong maibibigay niya ang Luho mo Flower pagtapos ng gabing ito"

Si Mr. Lim? Yung matandang Makulit na gustong gusto akong ilabas. Pero hindi ako pumayag. Tang ina nya!! Gusto niya lang angkinin ang lahat sakin.

Ngayon Dinadaan ako sa Dahas. Mga Hayop!

"Bitawan niyo ko. Ayoko!! Mam. Nagkasundo po tayo. Ayoko!!" Halos magmakaawa na ako sa Boss namin.

Nagtawanan yung mga kasamahan kong mga Maldita.

"Dalhin niyo na yan sa BH hotel. Room 006. Sa Private room"

Pinagsuot muna ako ng Jacket. Since kaakit akit ang suot kong Damit.

Anong gagawin ko? Hindi ako makakatakas! Hindi din naman ako pwedeng tumawag ng police. Siguradong tatawanan lang ako. At wala kong takas sa dalawang kapre na to

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon