Untitled Part 19

3 0 0
                                    

Kinabahan naman ako. Nako! Baka nahalata niya na nagpapanggap lang kami. Baka naririnig niya yung mga bulungan namin. Para kasi kaming laging nagtatalo. Pero very sweet naman si Bryce. Ako naman sinisikap ko maging Sweet.

Nakikisakay ako kay Bryce sa mga sweet nothings niya. O baka dahil nalaman niya na nag aaral pa ako? Paktay! Mas Okay. Atleast Tapos agad tong pag papanggap na to

"May Problema po ba? Pasensya na po kung di niyo po ako nagustuhan."

"Ano ka ba. Hindi yon. Gusto ko lang magpasalamat sayo. The truth is.. Kahit ngayon palang tayo nagkakilala. Gustong gusto na kita para sa Anak ko. Sa totoo lang hindi siya dumadalaw dito sa bahay. Huling punta niya dito 5 months ago na. Nagkakausap lang kami sa telepono o kaya kapag pinupuntahan ko siya sa office. Madami kong napansin na bago sa kanya dahil sayo Liz. Hindi yan tumutulong sa kusina. Hindi siya nagli-lead ng Prayer. Kaya sobrang saya ko sa mga nakikita ko para sa anak ko. Napakagaling mo dahil napatino mo ang anak ko. Ngayon mukhang araw araw pa namin siyang makakasama dahil sayo. Thankyou Liz"

Niyakap ako ni Tita Brina. Kung alam lang niya na pagpapakitang tao lang ang Lahat.

Nakaka-konsensya tuloy. Bwisit ka talagang Bryce ka!

Bakit ganyan ka sa Family mo. Nako!!

"Hindi po ako ang Dahilan Tita. Baka gusto nadin po niya na mag Bago. Salamat po sa Pagtanggap niyo po sakin"

Niyakap ko din siya. Para tuloy naramdaman ko ang pagkakaroon ng Nanay.

"Sana makilala ka din agad ni Rodolfo. Ang Dad ni Bryce. Siguradong magugustuhan ka din niya!"

"Im glad po kung makikilala ko din po siya. Maraming salamat po"

"Ang sweet niyo ng Anak ko. Sa susunod bumisita ka ulit dito" Nagbeso beso kaming dalawa

Paglabas namin ng StudyArea nasa Labas lang si Bryce at mukhang inip na inip na naghihintay.

"Ang tagal niyo mag usap. Anong pinag usapan niyo Hon?" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Holding Hands.

"Wala ka na don. Tsismoso mo!'

"Ikaw talaga" Hinalikan niya ako sa Noo.

"Tara na. Ihahatid na kita!"

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon