"Okey!"

Tipid na sagot ni Kahlan. Magkasabay silang pumasok sa loob ng restaurant ni Mark. At bawat waitress at waiters na nakakakita kay Mark ay binabati siya ng mga ito.

Agad na inakay ni Mark sa isang pandalawahang mesa si Kahlan. At agad naman silang naupo doon.

"Anong gusto mong kainin?" Maya ay tanong ni Mark sa kasama.

"I don't know?" Kibit balikat nitong sagot. "Ikaw na lang mag-order, tutal sa'yo naman itong restaurant at ikaw rin itong  nagyaya sa'kin dito." Dagdag nitong may katarayan ang pagkakasabi kay Mark.

"Okey! as you wish my lady." Saad dito ni Mark na nakingiti.

"Tst! Para kang iwan, kanina ang sungit mo. Ngayon naman ay hindi ko maexplain." Naisatinig ni Kahlan na naiiling. "Can you please excuse me, pupunta lang ako ng ladies room." Anito sabay tayo.

"Yeah! sure, pero yung nasa opisina ko na lang ang gamitin mo." Saad dito ni Mark sabay tawag sa isa sa mga waiters niya.

"Yes! Sir?" Tanong agad ng tinawag niyang waiter gamit lang ang kamay.

"Pakidala si ma'am Kahlan niyo in my office." Utos niya dito.

"Sige po, Sir. This way po ma'am." Magalang na anang waiter at dinala nga niya si Kahlan sa opisina ni Mark at tinuro narin nito sa dalaga kung saan makikita ang CR sa opisina ni Mark.

"Thanks."

Tipid nitong aniya sa waiter.

"Your welcome po Ma'am." Sagot nito. "Uhm! Pwedi po magtanong sa inyo Ma'am Kahlan, pasensya na po kasi curious lang ako." Anitong kinatingin dito ni Kahlan. At alam agad ni Kahlan na binabae ang kaharap.

"Yeah! sure, ano yun?" Tanong niya dito.

"Eh! kasi po, never pang nagpapasok dito si Sir Mark ng babae sa opisina niya kahit marami na siyang fling girlfriend. Hanggang labas lang ang mga ito. Kaya nacurious po ako, girlfriend po ba niya kayo?" Nahihiyang tanong nito kay Kahlan. Napangiti naman si Kahlan sa tanong nito sa kanya.

"Ganun ba. Umm....hindi niya ako girlfriend pero kaibigan kasi niya ang boss ko at ang first cousin ko kaya siguro ganun lang siya sa'kin." Saad niya dito. Napatango naman ang kausap niya sabay nag-isip.

"Ah! siguro nga po kung ganun, pasensya na po sa pagiging chismuso ko." Ang nahihiyang aniya nito kay Kahlan.

"Nhaaaa...wala yun, don't worry secret lang natin ang lahat ng napag-usapan natin dito." Anitong napapangiti.

Maging ang kausap niya ay napangiti na rin. "Sige po, balik na ako sa trabaho ko Ma'am. Thank you po sa time." Saad nito kay Kahlan bago niya iniwan ang dalaga. Kaya pagkaalis nito ay agad binalingan ni Kahlan ang pinto kung saan ang tinuro sa kanya ng waiter ni Mark ng pumasok sila sa opisina ng binata.

"Hmmmp....nice place." Naisatinig ni Kahlan bago siya pumasok sa loob ng CR sa opisina ni Mark.

SAMATALA pagkatalikod ni Kahlan ay agad nag-order ng makakain nila si Mark. At habang hinihintay niya si Kahlan at ang pinahanda niyang pagkain para sa kanila ng dalaga ay bigla siyang natawa sa isip ng maalalang wala siyang pinapasok sa opisina niya na babae. Pero si Kahlan na kakakita pa lang niya dito kanina ay ito at pinapasok niya doon agad-agad.

At makalipas ang ilang minuto ay may biglang umagaw ng atensyon ng binata.

"Hi, honey....."

Boses babae na biglang pumulupot kay Mark. Napakunot naman ang noo ni Mark kung sino ang babae.

"May I know you, Miss?" Takang tanong niya dito. Bigla naman napanguso ang babae dahil sa tanong ni Mark.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now