Prologue

176 11 11
                                    

HINDI na bago para kay Rue ang tunog at pakiramdam sa tuwing bubukas ang human tube at ihahatid siya sa panibagong lugar.

Bagaman naroon pa rin ang takot sa loob niya'y tila naging bato na rin ang puso niya. Dahil na rin sa kanyang mga pinagdaanan sa battle field.

At muli, dinala siya nito sa panibago na namang lugar. Lugar kung saan parang nahuhulaan na niya ang mga makikita. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa may makita siyang isang pintuan sa dulo ng madilim na pasilyo.

Agad niyang tinungo iyon at pinihit ang hawakan ng pinto. Sandali siyang huminga ng malalim bago tuluyan itong binuksan.

Tumambad sa kanya ang iba't ibang mga high-tech computers sa loob ng silid na iyon. Ngunit ang bagay na mas umagaw sa kanyang atensyon ay ang napakalaking monitor na umuukupa ng halos kalahati ng silid. Naroon pa ang kanilang mga videos sa loob ng battle field.

Galit ang agad na rumihistro sa mukha ni Rue nang makita iyon. Huli na lamang niyang napagtanto ang mga taong naroon sa loob ng silid. At ang lalo pa niyang ikinagalit ay ang makita sa loob ang matandang nakamaskara. Maliban sa apat na operators na naroon sa harapan ng mga computers, may katabi rin itong isang babae.

"A-alicia..." sambit niya sa pangalan nito nang makilala ang babae.

Walang anu-ano'y kaagad niya itong sinugod. Galit na galit siya at sa mga oras na ito'y parang gusto niyang pumatay.

"Walang hiya ka! Nasa likod ka pala ng lahat ng ito!" Akmang sasaktan na sana niya ang babae ngunit napahinto siya nang bigla nitong itutok ang baril sa kanya na hawak nito.

"Sige, subukan mo 'kong saktan!" panghahamon pa ng babae.

"Ibaba mo iyang baril mo, Alicia," mahinahong utos ng matandang nakamaskara.

Kunot-noong napalingon sa gawi nito ang babae. At maging siya'y ganoon din.

"Sasaktan niya ako!" katwiran ni Alicia.

"Sinabi nang ibaba mo iyang baril mo!" mariing muling utos nito.

Nag-aalangan man ay sa huli, sinunod pa rin nito ang matanda.

"Congratulations!" Baling ng matanda sa kanya.

Ngayong nakita na niya sa personal ang matanda at harapang narinig ang boses nito, masasabi niyang mas nakapangingilabot pa ito ngayon. Baritono ang boses nito't tila may kung ano itong ginagamit na device upang itago ang totoo't natural nitong boses.

"Ngayon, ano na ang gagawin niyo sa'kin?" seryoso niyang tanong sa matanda.

"Ngayon? Hmmm, laya ka na. Maaari mo nang gawin ang lahat ng gusto mo," sagot nito.

"Iyon lang?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Ano 'to biruan na parang wala lang nangyari?!"

"Iyon lang. Paglabas mo ng pintuan na iyan," sabay turo sa isa pang pintuan sa gawing likod. "Maaari ka nang magdesisyon kung ano na ang gagawin mo sa buhay mo. Kalimutan ang lahat ng nangyari at magsimulang muli, siguro?"

"This is bulls**t!" bulalas niya.

"Pero, siguro kung si Carl ang natirang buhay, at ikaw namatay? Magiging maligaya kaming dalawa. Nakita mo naman kung gaano siya nabaliw sa pagsamba sa katawan ko. At kung paano siya umungol sa mga haplos ko," pang-iinis na saad ni Alicia.

Walang salitang binirahan niya ito ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi. Nagpagting ang kanyang tainga sa sinabi nito kaya hindi na niya napigilan pa ang sarili. At dala ng sobrang galit at panggigigil sa babae ay muli pa niya itong sinampal ng malakas sa kabilang pisngi nito.

"Walang ni katiting na parte ng katawan ni Carl ang sa 'yo, Alicia! Iyong katalik mo ng gabing iyon, hindi iyon si Carl!" mariin niyang saad. "Pero kung gusto mong magkaroon ka ng parte kay Carl, hayun, puntahan mo siya sa abandonadong factory at pulutin mo ang pira-pirasong katawan niya na puwede mo pang pakinabangan sa iyong kalibugan!"

"Aba't!" Akma na sana siyang sasabunutan ni Alicia nang muling umawat ang matanda. Iwinaksi nito ang kamay ni Alicia at pumagitna sa kanila. Kahit hirap ito na naka-upo sa wheeled chair ay nagawa pa rin nitong pahintuin sila sa pag-aaway.

"Tigilan mo na siya, Alicia! Puwede ba, lumabas ka na muna. Kailangan naming mag-usap ni Rue," mariing utos ng matanda.

Sandali pang pinakatitigan ni Alicia ng masama si Rue bago tuluyang nilisan ang silid.

Color Game II "Dead Or Alive" Where stories live. Discover now