[FEU] GROUPCHAT

1K 16 1
                                    

GROUPCHAT

Nakitext ako sa bestfriend ko. Wala kasi akong load that time para replyan si Papa. Nung una ang hesitant niya pang ipahiram yung phone niya. Nag delete pa yata ng kung anu-ano kaya ang tagal ipahiram. Biniro ko pa siya ng, "Siguro may scandal ka dyan" tapos natawa kami.

Hindi lang siya ang bestfriend ko, actually apat kaming mag bebestfriends. Halos two years ko na rin silang kaibigan. Open ako sa lahat ng sikreto ko kasi ganun din naman sila sakin. So yun, back to the story, hiniram ko yung phone. Nung una tinitignan niya pa ako kung anong ginagawa ko sa phone niya. Sobrang paranoid niya na ewan. Hanggang sa tinawag yung grupo nila nung prof namin for topic consultation.

Habang nag te-text ako, biglang may nag pop-up na message from Messenger. Lumabas yung bilog. Nung viniew ko, isa palang groupchat na may groupname na *my name* the Bitch. Nag chat yung isa pa naming bestfriend, tinatanong kung may prof na.

Hindi ako kasali sa groupchat na yun dahil ako pala ang topic ng usapan. Nag backread ako sa mga messages. Puro panlalait nila sakin ang mga nabasa ko. Pinaguusapan nila yung mga sikreto ko, yung mga selfies ko nilalait nila. At hindi lang ako kundi pati itsura ng parents at mga kapatid ko pinaglalait nila. Tatay ko raw mukhang jeepney driver. Nanay ko raw mukhang balyena sa sobrang taba. Mga kapatid ko raw mukhang autistic. Ako raw feeling maganda eh yung katawan ko naman daw katawang baboy. etc etc. In short: Ang GC na yun ay ginawa para lait laitin ang pagkatao ko at buong pamilya ko.

At alam niyo kung sinu-sino ang members? Yung tatlong bestfriends ko at iba pang akala ko mga kaibigan ko. Kaya rin pala kapag magkakasama kami, lahat sila busy sa kanya-kanya nilang phone yun pala, pinaguusapan na nila ako kahit pa kasama ako. Bigla nalang silang matatawa nang sabay-sabay tapos kapag tatanungin ko sasabihin nila, "Ah wala yun".

Nung bumalik yung bestfriend ko kinuha agad niya yung phone at kinausap ako na parang wala lang.

Bago maguwian, nagkasama-sama kaming apat sa teashop.

Habang nagkukwento sila, bigla ko nalang sinabing, "Join niyo naman ako sa GC niyo."

Sila: Anong GC?
Ako: Maglolokohan pa ba tayo dito?
(natahimik sila)

Ako: Yung *my name* The Bitch na GC. Mukhang maganda mga topic at chismisan dun eh.
(hindi sila kumikibo)

Ako: Okay lang sana kung laitin niyo ko eh. Pero yung pamilya ko, idadamay niyo? Mga P*t@ng ina niyo ibang usapan na yun!

Pinagkukuha ko yung mga milktea nila at pinagbubuhos ko isa-isa sa mga pagmumukha nila habang sinasabing "MALIGO KAYO NG MILKTEA MGA PUTANG MADE IN CHINA!!!"

sabay walk-out.

Hi Ynna, Kaye at Darlene ng ITHM! Ang Orocan niyo po!

DIANNE
2013
ITHM
FEU Manila

University Confessions 1Onde histórias criam vida. Descubra agora