[UST] Ang ex-bf kong freeloader

1.1K 22 2
                                    

Ang ex-bf kong freeloader

So nabasa ko yung post sa FEU secret files about dun sa babaeng materialistic na galit sa boyfriend niyang mahirap. Ang daming nangbash sakanya pero gusto ko lang din i-share kasi I have the same experience. Although hindi ako nakipagbreak dahil sa mahirap siya.

Yung ex ko kasi noon, mas gusto kong tawagin na effortless siya. Walang ka-effort effort kahit kaunti. Hindi kami nuknukan ng yaman pero siguro masasabing mas may kaya kami kesa dun sa ex ko. Pero ang dami talagang pagkakataon na sobrang nakakairita. Yung one time na nalaman ng parents ko na kami na... Eh never naman siya nanligaw actually at one day pinakilala niya kong gf sa mga friends niya. So yeah medyo napilitan dahil medyo ginusto ko rin naman. Pero kung alam ko lang kung gaano siya kawalang kwenta, ewan sana talaga hindi na lang. Anyway... Ayun nga nung malaman ng magulang ko, edi sabi ko sakanya dumalaw siya at suyuin parents ko. Magdala ng kahit something man lang.

Nagdala naman siya... ng isaw.

Ok. Isaw. Okay lang hindi naman matapobre magulang ko. Pero ang kinainit ng dugo ng very slight ay nung pauwi na siya, HININGI NIYA BAYAD NG ISAW.

Ok. Binayaran ko nalang. Para tapos na kunwari nalang nagbigla siya sa pagbili ng 50 pesos worth na isaw. Ok.

Yung isang beses naman, may annual gathering kami ng mga barkada ko. Usually potluck yun or bayad ka nalang ng money kung tinatamad ka magbuy ng food. So ayun na nga so bayad na ko. Eh usually kapag may ""plus one"" ka syempre kayo nalang mag-uusap kung paano bayaran. Tinanong ko kung gusto ba pumunta nitong ex ko tas sinabi ko about sa bayad. Sabi niya, ayaw daw niya wala daw siya money. Eh sabi ko ok lang, wala din kasi akong extra noon kaya hindi ko na pinahiram ng money. Sabi ko ako nalang muna pupunta since di rin niya gaanong vibes yung barkada ko na yun.

Nagbayad ako ng 500. All in na yun ng alak, food at venue. Pagsapit ng mga 2am, nagtext siya. Sunduin daw niya ko. Sabi ko okay lang. Tapos nung nandun na siya. Inalok ko syempre kumain kahit na medyo syempre unfair sa mga nagbayad. Tinanong niya ako ""kailangan ko pa rin ba magbayad?"" Sabi ko, syempre naman with madaming tawa kasi sabi ko, syempre babayad ka kakain ka na at iinom eh. Pero hindi siya nagbayad. Wala daw siyang pera at dinahilan niyang ""tira-tira"" nalang daw yung food. Pero believe me, matino pa lahat ng food. Lahat mainit pa. Bagong luto pa yung mga bbq. At hindi naman kami yung empi lang ang iniinom? No. Pinaghahandaan talaga namin yung gathering na yun. So ayun na ako nalang ang nagbayad para hindi na maging issue or anything. Nung pauwi na kami, medyo inumaga na, since nasa village kami nung barkada ko at narinig niyang matutulog yung iba kong friends dun sa bahay ng friend ko, ABA. GUSTO NIYA DIN MAKITULOG DAW. Dito talaga ko medyo nainis. Kasi una, hindi siya pumunta dun ng maaga kesho ayaw daw niya sa friends ko. Matapos niyang uminom at kumain ng hindi niya binayaran, gusto pa niyang makitulog?? So ipinagpaalam ko naman. Kasooo, medyo naiilang yung mga friends ko dahil mga babae yun. So sabi ko, uuwi nalang kami. Nag-offer ng ride yung mga tropa ko namang lalaki pauwi. Yun nga lang nung triny namin sumakay ng car, ako nalang ang kasya. So para matapos nalang yung araw at sobrang hiyang hiya na talaga ako, sabi ko lalakad nalang kami palabas. Alam ng mga tropa ko nung time na yun na hindi ako okay talaga kasi alam nilang sanay akong hatid-sundo nila or ng daddy ko.

Naglakad kami palabas ng village. Galit na galit siya sakin nun kasi daw bakit hindi pa kami natulog dun, bakit di ko pa pinilit mga tropa ko na isakay at ihatid kami para daw di na gagastos. Eh nakainom na rin ako noon kaya sobrang naiiyak nalang ako at sinabing ""Hindi naman ako nagpasundo sayo, mas komportable buhay ko kung hindi ka pumunta dito."" Which is totoo naman talaga during that time. Pasakay na kami at gusto pa niyang magjeep. Ito na yung ilan sa mga boiling point ko noon. Pagod na ko, lasing, umaga na, ilang hiya na rin napagdaanan ko, tas puta pag lalakbayin mo ko???? Wtf lang talaga. Nagtaxi ako. Kasama siya. BAYAD KO SYEMPRE.

Itong last instance yung nagtulak sakin na tigilan na talaga. Kapag nangungutang siya. Lalo kapag ihahatid ako sa bahay ng naka-fx tapos gusto niyang umuwi ng naka-taxi. Hanep lang talaga. Ano pa mas malala dun? Nakikita ng magulang kong nagbibigay ako ng pera sakanya. At doon sila sobrang nagalit. Gets niyo naman siguro kung bakit. Tapos minsan malalaman ko, nagjeep lang siya kasi yung binigay kong pera ipangbibili pa ng yosi o kung ano mang bisyo. Pang-inom kinabukasan sa kung saan. Ganoon.

Hindi ako maarte. Pero may mga bagay lang talagang hindi ako sanay. Pero advice lang sa mga lalaking mamimilit magka-girlfriend, paki check muna yung budget sa susunod. Kasi kami nagmumukhang masama kapag hindi tayo pantay ng baon eh. When in fact, sana sa una pa lang hindi nalang talaga nanliligaw kung walang budget. Nakakahiya din kasi sa magulang namin. Kung hindi niyo kaya mag-effort, at mas may pera pa kayo sa ibang bisyo niyo.... Wag nalang talaga. Please lang."

Ella
2012
AB

University Confessions 1Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα