Painful Kembot 51

6.9K 329 23
                                    

-----
Heto na po ang bagong update! Salamat sa mga readers na patuloy na sumusubay-bay sa buhay ng ating bida na si July!

Special thanks kay Bessss @SherymieBlanca for supporting me sa kwento kong ito. Hahahaha! Thanks Bessss!!! ^__^

Okay! Enjoy Reading guys! Muaah! :* :* :*




~~~~~~









July's Point-of-View 💔





Yakap yakap pa din ako ni Mommy habang patuloy nila akong tinatanong kung bakit ako umiiyak.

Hindi ko magawang sumagot sa mga tanong nila. Ayukong sabihin sa kanila na nakita kong may kahalikang babae si Fafa Dheo na syang dahilan kung bakit ako ngayon umiiyak.





Napatingin kami ni Mommy at nila Kuya sa pinto nang bumukas ito.


At nawindamg ako ng makita kong naglalakad papasok ng bahay si Fafa Dheo!

Letchugas! Anong ginagawa nya dito!


"Jul!" Pagtawag nya sa akin. Habang naglalakad sya papalapit sa amin.
"Jul, I'm sorry." Saad nya. Bigla syang lumuhod sa harap ko, at kitang kita kong namumugto ang kaniyang mga mata na para bang ilang saglit lang ay maiiyak na sya.

Napakunot ang noo ni Mommy at nila Kuya sa ginawang iyon ni Fafa Dheo.


"Princess! Si Dheo ba ang nagpaiyak sayo?!" Galit na tanong ni Kuya March habang masama syang nakatingin kay Fafa Dheo.

"Bro, I'm sorry. I'm sorry po Tita. Hindi ko po sinasadya." Ani Fafa Dheo at kitang kita ko kung paano tumulo ang luha nya sa kanyang mga mata.

"Anong ginawa mo kay Princess Dheo?!" Pasigaw na tanong ni Kuya June kay Fafa Dheo.


Kitang kita ko ang galit sa mga mata nila Kuya, si Mommy na natiling kalmado lang habang yakap yakap ako.

"Dheo sumagot ka!" Bulyaw ulit ni Kuya March sa kanya.

"Tama na yan June, March. Paano makakasagot si Dheo kung tinatakot nyo sya!" Ani ni Mommy kila Kuya.
"Princess, ano ba kasing nangyari?" Pagbaling sa akin ni Mommy.


Napatingin sa akin sina Kuya at parang hinihintay nila akong sumagot.


"Si--- si---- si Dhe--- Dheo. Nakita ko syang may kahalikang babae" humihikbing tugon ko kay Mommy.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nasabi ko na sa kanila ang nangyari. Gusto ko na kasing matapos ito!!! Jusko!

"What?!" Gulat na saad ni Mommy at nila Kuya.

"Fvck! Nanliligaw ka kay Princess tapos may babae ka pala!" Galaiti ni Kuya June at bigla nyang sinuntok ng malakas si Fafa Dheo na dahilan para matumba ito.

"Shit ka Dheo!Gusto mo pang paglaruan si Princess hah!" Dagdag pa ni Kuya March at binigyan nya din ng malakas na suntok ito.

Awang awa na ako kay Fafa Dheo, dumudugo na ang labi nya sa pagsuntok nila Kuya.

Kaya pumagitna na ako sa kanila,

"Kuya tama na." Pagpigil ko sa kanila.

"Anong tama na! Dapat sa manlolokong yan, tinuturuan ng leksyon!" Singhal ni Kuya March habang dinuduro nya si Fafa Dheo!

"He makes you cry Princess! At hindi namin papalampasin ang pagpapaiyak nya sayo! He needs to get what he deserve!" Dagdag pa ni Kuya June habang nag-aapoy ang kanyang mata na nakatingin kay Fafa Dheo.

The Guy Who Never Noticed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon