Beautiful Kembot 48

7K 306 11
                                    

KINABUKASAN...


*Sa Marvard University*


Buong araw nang hindi nagparamdam sa akin si Harry. Monday ngayon kaya nag-alala tuloy ako sa kanya, baka na-realize nya na sumuko nalang. :(


"Bessss, parang ang lalim ng iniisip mo ah." Usisa sa akin ni Tory habang naglalakad kami palabas ng Marvard.

"Nag-aalala lang ako kay Harry." Sagot ko.

"Bakit Bessss? Anong nagyari kay Harry?" Tanong naman ni Nixie.

"Kasi, Ano- nalaman nya na mahal ko si Fafa Dheo. Kaya nag-aalala ako sa kanya. Buong araw na kasi syang hindi nagparamdam sa akin eh." Sagot ko in sad tone.

"What? Pano nya nalaman na mahal mo si Fafa Dheo?" Gulat na tanong ni Tory.




At ayun nga, kinwento ko sa kanila ang nangyari kahapon.



"Yun naman pala Bessss! Hindi naman pala susuko si Harry eh. Baka busy lang yun kaya hindi nagparamdam sayo." Saad ni Nixie.

"Pero in fairness dyan kay Harry wah, kahit nalaman nyang mahal mo si Fafa Dheo eh ang lakas pa din ng fighting spirit." Dagdag pa ni Tory

"Oo nga eh. May gusto ako kay Harry mga Bessss pero mahal ko si Fafa Dheo. Kaya nga nahihirapan ako kung sino sa kanila ang pipiliin ko kasi alam kong may isang masasaktan." Say ko naman sa kanila.
"Sana kasi dalawa nalang ang puso ko." Dagdag ko pa na ikinatawa naman nila.

"Diba kanta yun? Sana na... Dalawa ang puso ko... Lalala." Natatawang sabi ni Nixie kaya hinampas ko nga sa braso.

"Ikaw na Bessss! Ang lakas kasi ng alindog mo eh." Natatawang sabi ni Tory. Tapos bigla syang naging seryoso. " Pero at the end Bessss, you need to choose, kailangan mong pumili sa kanila and you need to accept the fact that one of them will be hurt." Dagdag nya pa.

Gasshhh! Nubeyen! Parang ayukong dumating yung time na mamimili ako sa kanila.

Parang hindi ko kaya! Mygaadd!


Habang nagku-kwentuhan kami nila Tory at Nixie ay biglang...


"Jul" pagtawag sa akin ni.

"Harry" gulat na sabi ko.

"Pauwi kana ba?" Tanong ni Harry.

"Ah, O-Oo." Sagot ko.

"O'sya Bessss, mauna na kami ni Bess Tory." Paalam sa akin ni Nixie sabay hila kay Tory palayo.

"Babuu Bessss!" Paalam ni Tory habang pakaway kaway pa ito. Kaya kumaway na din ako sa kanila.

"Bye, ingat kayo hah!" Pahabol ko pa.


Binaling ko ang paningin ko kay Harry nang makalayo na ang dalawa kong bestfriend.

"Ha-harry." Pagtawag ko sa kanya.

"Bakit Jul?" Tanong nya.

"Ahm. Ano ka-kasi, kuwan. Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan? Busy kaba?" Tanong ko sa kanya.

"Hehe. Bakit namiss mo ba ako?" Nakangisi nyang tanong.

"Huh? Hindi noh. Akala ko kasi--"

"Na sususko na ko sayo?" Pagputol nya sa sasabihin ko. "Hindi ako susuko Jul, hindi yun mangyayari kahit kailan." Dagdag nya pa.

"Eh bakit ngayon ka lang nagparamdam sa akin?"

"Naging busy lang ako. Kinausap kasi kami ni Coach Leo na next week na daw ang final game namin sa football at kapag nanalo kami sa final game na to, makakapasok na kami sa championship."

The Guy Who Never Noticed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon