Kembot 03

15.5K 645 28
                                    



"Class dismissed." ang pagtatapos ni Sir sa aming klase.


Whohoho. Sa wakas natapos din! ^0^

Nag unahan naman yung mga classmates kong mga gwapo at magaganda sa paglabas ng room.





Lunch na! Kainanan na! Yeeey!


"Oy Besss! Yung napag usapan, ikaw ang manlilibre wah!" Sabi ni Tory kay Nixie.

"Oo Besss! Tumutupad ako sa usapan noh...Sige tara gora na tayo sa cafeteria!" Sagot naman ni Nixie.

"Oh ano pa hinihintay natin! Yung python sa tyan ko nagwawala na! Tara na!" Sabi ko sa kanila at nagsimula na kaming maglakad palabas ng room.

"Oo nga pala mga besss, sasabay si Kuya Nixon sa atin sa pagkain. Tinext nya ko eh." Sabi ni Nixie.

"Totoo Bess?" Tanong ni Tory

"Oo, Besss! Magbubunyi na naman kayo ni July at makikita nyo na naman si Kuya Nixon." Sagot ni Nixie.

"Oy Kaloka ka Besss! Si Tory lang magbubunyi noh! Wag mo kong idamay!" Sabat ko.

"Asus! Alam ko namang crush na crush nyo si Kuya eh! Kaya nga kapag nagmomovie marathon tayo sa bahay namin nyo gustong gusto! Kasi andun si Kuya." Sagot naman ni Nixie!

"Oo na Besss! Huli mo na kami! O sya! Gora na tayo. Excited na kong makita si Fafa Nixon." Dagdag ni Tory.



Omeged! Makikita ko ulit sa Fafa Nixon.

I'm so exzoited! Whahaha. (∩_∩)


After ng ilang kembot na rampahan, eh nakarating na kami sa cafeteria...


Ang dami namang tao. -__-


Saan kami uupo neto ngayon.



"Princess!" Pagtawag ni? Sino?


Kaya hinanap ko kung sino yung sumigaw ng Princess!


At ayun nga,

si Kuya June ang sumigaw at pakaway kaway pa ito. Nakaupo sya sa pang waluhang table sa cafeteria, at may kasamang syang tatlong lalaki.


"Uy mga Besss! Ayun. May vacant chair sa table nila Kuya June dun nalang tayo." Sabi ko kila Nixie at Tory.

"Oh gora na tayo Besss! Mukhang ang daming Fafang kasama ni Fafa June! Tara na!" malanding sabi ni Tory!

"Landwe mo talaga Besss! Sasambunutan na kita eh!" Sabi ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran nito.

"Mana lang ako kay Nixie, sya talaga pinaka malandi sa atin Besss!" Sagot ni Tory.


"Oy Bruha ka Tory! Anong sakin? Baka pektusan ko yang ngala ngala mo!" Apila ni Nixie.

"Ay nakoh mga Besss, tara na baka may umupo pa dung iba." Sabi ko sa kanila.

At ayun nga, lumapit na kami sa table kung saan nakatable sila Kuya June at ang mga classmates niya.


"Princesss, dito na kayo maupo ng mga kaibigan mo sabay na kayo sa amin." Sabi ni Kuya June.

"Eto na nga Kuya uupo na." Sabi ko at nginitian ko si Kuya June.


Katabi ko sya sa silya nasa kanan ko sya at nasa kaliwa ko si Tory. Si Nixie naman nasa kabila ni Tory.

The Guy Who Never Noticed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon