CHAPTER THIRTY SEVEN

Beginne am Anfang
                                    

Kinuha ko yung kamay ni Rylie, "Hey, may problema ba?" I asked.

She shook her head, parang bata, at bigla siyang lumuha. Naiiyak din ako tanginaaa! "Ry, we're always here, okay?" Katy hugged her. Naiiyak na din si Katy. 

"I'm worried..." She sobbed tapos uminom ulit then nag lagay ulit siya sa shot glass. Grabe 'tong si Ry, parang walang allergy sa alak!

"Worried? Kanino?" Katy asked, halatang concerned.

"Duuh, obvious ba?" Sagot ni Ariza kay Katy. "Shhhh, tama na nga. Ry, bakit? Bakit ka nagwoworry?" 

"Kahapon, may lumapit na babae sa akin. Maganda, matangkad, at sexy. Parang model..." Sabi niya, "Sinampal niya ako."

"ANO? SINO? BAKIT DAW?!" Gulat na gulat si Katy. Sa sobrang gulat, hindi maipaliwanag expression niya. Galit? Concern? Mahal na mahal niya talaga si Rylie.

Uminom ulit si Ry, "She called me a slut. Wala lang naman sa akin yun eh... Wala lang talaga, promise!" Tinaas niya right hand niya. "Medyo nag selos lang ako ng konti kasi may past sila ni Justin... May past sila to think na ang ganda, sexy, at tangkad niya. Akala ko mataas na self-confidence ko, pero noong nakita ko siya... WOW!" Nilagay niya yung baba niya sa isang kamay niyang nakapatong sa table and pouted. Ang cute cute ni Rylie!!!

"She also told me na madaming kaaway si Justin from their old school. He was a jerk daw. Wala naman akong pake kung naging jerk siya, kasi NAGING nga eh. Ibig sabihin, PAST na! Good boy na ulit siya! Pero yung madaming kaaway? No. I care. I care about him..."

Hindi ko alam sasabihin ko...

"Tapos kanina, I went to their house and Alexa was there..."

"WHAT?" Nagulat si Ariza. "Wala ako kanina! Sayang, sinabunutan ko sana!"

"I slapped her twice. Sasampalin ko na sana siya for the third time pero pinigilan ako ni Justin. Pinigilan niya ako! Sayanggg, kasi yung pangatlong sampal na yun, para sana sa sarili ko yun eh. Para sana sa mga ginawa niya sa akin..." Tuluy tuloy lang yung luha niya at pag inom niya.

Hinayaan na lang namin kasi alam kong pag hindi siya nakainom, hindi niya 'to malalabas.

"Pero wala eh! Hindi ko natuloy. Noong dumating kasi si Justin, my hands got weak. Ganun ko ba siya kamahal? Kahit araw araw ko siya nakikita, nanghihina pa din ako pag hinahawakan niya ako? Mas mahal ko nga ata siya ngayon eh kasi dati, parang masyado kaming bata. Malalandi lang talaga kami. Sobrang immature eh, lalong lalo na ako," She chuckled pero umiiyak pa din. Katy wiped her tears habang ako, hawak hawak ko pa din kamay niya. Si Ariza, hindi na nagsasalita.

"Sobrang nagulat nga lang ako... Kasi noong nakita ko siya... Ughhh, nevermind. Ang tanga tanga ko. I don't deserve him. Naging gago siya dahil sa akin pero ako, tumino ng dahil sa kanya? Ang unfair naman. Ang unfair unfair nun for him... Diba?"

Anong ibig sabihin ni Rylie? "Ry, bakit ka nagulat kanina?"

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt