Fifteen: Lason

42 1 1
                                    

JULIO RAMIREZ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JULIO RAMIREZ.

Iyan ang pangalan ng bagong waiter ng palasyo. Kakapasok pa lang niya nung isang linggo at hindi pa raw tapos ang briefing ng head chef dito. Kaka-graduate lang sa kursong HRM at kamag-anak niya ang isa sa mga hardinero kaya naman  madaling nakapasok sa Malacañang. Kawawang bata, marami pa sanang puwedeng mangyari sa buhay niya. 

Kanina pa na-adjourn ang miting at ihinatid na rin ang mga sekretarya sa kanya-kanyang mga lungga. Tanging ang Heneral na lamang ang kasama niya sa kanyang opisina. Tanghaling tapat na pero makulimlim pa rin ang paligid. Mula sa kanyang bintana ay tanaw niya ang ilang aswang na nagpupumilit na pumasok sa palasyo. Matatapang ang nakuhang mga sundalo na siyang pinagbabaril ang sumusubok na makapasok. Ang mga lumilipad ay agad na pinapaputukan at agad na bumabagsak sa hardin. Merong nakatalagang maglinis ng mga lamang loob na kumalat sa hardin. 

Isang nakakarinding sigaw ang narinig niya mula sa kwarto ng mga kapatid niya. Agad niya itong tinakbo kasunod ng heneral. "Kuyaaaaa!" Boses iyon ni Carmen, ang bunso sa kanilang magkakapatid na tumandang dalaga na rin. Nang makapasok sila sa kwarto nito ay nakita niya na nakahandusay ang isa pa niyang kapatid na babae. Pang-gitna sa kanilang magkakapatid si Patricia na hiwalay sa asawa. Kasalukuyang bumubula ang bibig nito habang ang mga mata nito ay nakapako sa kisame. Agad niya itong niyugyog para gisingin. 

"Anong nangyari sa kanya Carmen? Patricia, gumising ka!" 

"K-kuya, okay naman siya kanina. Lumabas lang ako sandali pero pagpasok ko ng kwarto ay bigla na lang siyang nagka-ganyan," nangangatog na tugon ni Carmen. 

"Ito malamang ang lumason sa kanya." Kinuha ng Heneral ang nahulog na tasa sa sahig. Inamoy niya ito at pinagmasdan. "Sino ang nagdala ng tsaang ito sa kanya?" 

"Dala iyan kanina ng bagong waiter ng palasyo, s-si Hulyo! Bago siya namatay! Bakit hindi tayo tumawag ng ambulansya? Maliligtas pa natin siya, hindi ba? Katarina!!!"

Napailing si Henson. Wala ng pulso ang kapatid niyang si Patricia. Nahuli sila ng dating. 

"I believe we are under attack. Kailangan mai-screen ang mga staff dito sa palasyo. Iche-check ko sila ngayon na." Agad na umalis ang heneral. Tinawag ni Henson ang mayordoma ng palasyo. "Katarina, nandito pa ba ang doktor na tumingin kay Hulyo?"

"Nandito pa po." Kinuha niya ang kanyang walky talky at tinawag ang guwardiyang naga-assist sa doktor. Agad naman ito dumating dahil hindi pa nakakalayo. Katulad ng konklusyon ng heneral ay ganoon din ang tugon ng doktor. Nalason nga ang kanyang kapatid dala ng tsaang ininom nito. Mabuti na lamang at hindi pa ito nainom ng kapatid niyang si Carmen. Yumakap ito sa kanya nang umiiyak. 

"Kuya, wala na si ate!" Humagulhol na ito nang tuluyan. "We need to do act fast. Tutulong ako kahit na ano, please, let's do whatever it takes para matapos na 'to." 

"Sinasamantala ng mga kalaban natin sa pulitika ang sitwasyon ng virus."

"Sa tingin mo ba ay may kinalaman dito ang mga Hernandez?"

The Aswang Virus - A Philippine Apocalyptic StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon