Eight: Bundok Maria

75 1 0
                                    

Sandy P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sandy P.O.V.

Bike ni Inday ang sinakyan namin, ang sabi niya kasi ay may posibilidad na tumirik ang sasakyan, pero ang bike daw ay hindi masisira. Pumayag ako sa kagustuhan niya, dahil may point siya. Minsan nasusurpresa ako sa katalinuhan nito ni Inday. Naisip ko na hindi ko pala talaga siya lubos na kilala. Madalas ko siyang pagselosan nung buhay pa si Lola, aliw na aliw kasi si Lola sa kanya habang ako naman nang mga panahon na iyon ay patapon ang buhay. Bata pa lang ako ay gusto ko na maging manunulat, pero nang pinasok ko na ang mismong larangang ito, pakiramdam ko araw araw akong nade-depress. 

Siguro dahil ang ideya ng pakikipagsapalaran ay napagtagumpayan lamang ng aking mga karakter at hindi ako mismo. Nanatili ako si Villa Maria habang ang mga karakter sa aking libro ay nakakapaglakbay sa kung saang lupalop ng mundo. Hindi ko natagpuan ang tapang na umalis sa lugar na ito, hinayaan kong lamunin ako ng takot hanggang sa nabulok ang kagustuhan kong umalis at maglayag sa malayo. Ilang beses ko bang hiniling na sana magtapos na ang mundo? Ilang beses ko bang hiniling na sana mamatay na ako?

Nung namatay si Lola ay ilang linggo akong umiyak at nagkulong sa kwarto hanggang sa magmanhid na ang damdamin ko. Si Inday ang nag-alaga sa akin nang mga panahong iyon. 

"Ma'am, ihanda ni'yo ang itak dahil may mga aswang sa kanto." Binilisan niya ang pag-pedal at naputol ang pagmumuni-muni ko. Inilabas ko ang itak at tinantiya ang distansya ng mga aswang sa amin. Lima ang nakakalipad, habang may apat na tumatakbo papalapit sa amin. Agad kong nahiwa ang ulo ng mga nakalapit sa amin, dumanak ang dugo sa kalsada (pati na rin sa aking puting baro, puñeta! Maling outfit pala ang napili ko!)

Nakangisi ang mga lumilipad habang pinapaypayan kami gamit ang kanilang pakpak. Nagpagewang gewang ang bike na sinasakyan namin ni Inday. "Ma'am, ilabas ni'yo ang medalyon. 'Wag ni'yo itago sa dede ni'yo!"

Saka ko naalala ang medalyon, tama si Inday! Hindi ko namalayan na nakatago na pala ito sa kalagitnaan ng aking bra. Inilabas ko ito ay hinarap sa kanila.

Napatigil sila sa pagpaypay at tila nasilaw sa pinakita ko. Nagsimulang umusok ang kanilang pakpak hanggang sa tuluyan nanghina at lumagapak sa kalsada. Nag-transform ang mga pagmumukha nito, nawala ang kunot ng noo at ang kulubot ng mukha. Unti unti silang nagmukhang tao. Pinanood pa namin itong nawalan ng malay. Ganito pala ang epekto ng medalyon ni Lola! "Tara na, Ma'am!" 

Nagpatuloy kami sa aming patutunguhan. "Grabe, napaka-makapangyarihan ng medalyon ni Lola!"

"Iyan po ang dahilan kaya kahit kailan ay hindi kayo pinakialaman ng mga aswang, kahit kailan ay hindi sila lumapag sa bahay ni'yo."

Ang ibig sabihin ay hanggang nasa akin ang medalyong ito ay mananatili akong ligtas mula sa pagsakop na ito ng mga aswang. May posibilidad na makaalis ako sa lugar na ito nang buhay. Puwede akong maging bayani. At kapag natapos na ang trahedyang ito ay puwede akong maging dakila. OMG, ano ba itong pinagii-isip ko? 

Nakarating na kami sa wakas sa paanan ng bundok Maria. Natanaw namin sa bandang kanan ang kubo na tinutuluyan ni Inday. Bumaba kami sa bike at nagsimulang maglakad. "Saan nga ba nakatira si Ricardo?" Akala ko ay sa bayan lang siya nakatira. 

The Aswang Virus - A Philippine Apocalyptic StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon