Operasyon #7

20.7K 123 3
                                    

=

Pumasok ako sa school na walang gana. Di parin kasi matanggal sa isip ko yung sinabi ni Rose kagabi. Pinilit ko matulog kaso di ko magawa kaya lumabas muna ako ng bahay at uminom sa pinakamalapit na bar. Tumikim na rin ako ng mga babae. Nang malasing na ako ng tuluyan, saka lang ako umuwi at natulog na. 

Kaya ngayon, para akong zombie na naglalakad sa hallway ng school. Pakiramdam ko ang pangit ko ngayon. Paano na lang ang mga chicks? Umiling-iling ako, dapat hindi ko na iniisip ang mga babae sa palagid dahil may Rose na ako, may Rose na ulit ako.

Pagkapasok ko ng classroom ay tumambad sakin si Loraine. Nagkatinginan kami sa mata na para bang gusto namin tunawin ang isa't isa. Natigil lang ito ng may pumasok uli sa loob ng classroom. Iniwas niya ang kanyang tingin at tuluyang lumabas ng classroom.

Ngayon ko lang naisip uli yung pustahan naming magbabarkada. Ang hirap naman kasi! Mabuti sana kapag niyaya ko makipagsex sa kanya, papayag agad siya. Dagdag pa 'to sa problema ko. Umupo na lang ako sa upuan ko at isinubsob ang aking mukha sa desk at natulog.

=

Nagising ako ng recess na. Hindi ako ginising ng teachers kanina dahil takot sila sakin. Ako ata ang batas. Joke lang, may pang block mail kasi ako sa kanila. Yung unang nagturo samin kanina, yung math teacher, nahuli ko na nakikipagtalik sa kapwa niyang lalaki. Hindi ko pinalagpas ang pangyayaring iyon at vinideohan ko sila. Kinabukasan nung araw na yun, pinanood ko sa kanya yung video at binantaan na ikakalat yung videong yun kapag hindi niya ginawa yung mga gusto ko.

Yung pangalawang nagturo samin, nalaman ko na may karelasyon na estudyante. Kaklase ko nga yung karelasyon niya eh. Kaya yun rin binantaan ko na isususmbong ko sila sa principal. 

Lalabas na sana ako ng classroom ng may humawak ng braso ko para pigilan ako. Pagtingin ko, si Loraine pala. Nakakapagtaka. Bakit kaya?

"Okay ka lang ba, Osh? Para ka kasing may problema saka ano uhmm ano" 

"Ano?"

"Parang iniiwasan mo ko.." mahina niyang sabi. Mabuti nalang at narinig ko.

"Hindi naman kita iniiwasan. Nasanay ka lang na ako ang unang kumakausap sayo, Kung kinausap mo naman ako nung mga nakaraang araw, kakausapin rin naman kita"  pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at naglakad palayo. Hinabol niya ako at hinawakan uli ang braso ko.

"Sorry, nahihiya kasi ako..." sabi niya

"Naiintindihan ko naman" tumalikod na uli ako. Wala talaga ako sa mood makipagusap. 

"Teka lang" napahinto muli ako sa paglalakad at lumingon sa kanya  "Parang problemado ka kasi.. Ano bang gutso mong gawin ko para mapasaya kita? Promise kahit ano gagawin ko!"" sabi niya habang nakayuko. Nakokonsensya siguro siya sa sinabi ko kaya ngayon ay bumabawi siya

Ano bang gusto kong gawin niya para mapasaya ako? Wala akong maisip pero yung 'pagkalalaki' ko parang may gustong sabihin.

"Halikan mo ako" Utos ko. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Hindi ko sinasadya naman talaga sinasadya na sabihin yan, Wala kasi ako sa sarili. Pero dahil gusto ko naman na halikan niya ako, Hindi ko na binawi.

"Ha?"  

"Sabi ko, Halikan mo ako. Ayoko sa lahat yung nagp-promise tapos hindi nila paninindigan. Nakakai-"  Hindi ko na naituloy yung sinasabi ko dahil bigla niya akong hinalikan. Lumaki yung mata dahil sa gulat. Hindi naman ako seryoso, pero sineryoso niya!

Inaamin ko, namiss ko ang halik niya kaya sinumulan kong pagalawin ang aking labi. Nararamdaman ko na humahalik na siya pabalik. Paano kaya siya naging ganito kagaling humalik eh, ako palang yung nahahalikan niya? Dahil siguro sa mga romance movies. May kwenta pala yung mga movies na ganun!

Mabuti nalang at wala ng tao sa loob ng classroom dahil nandun na sila lahat sa canteen at kung may makakita man, hindi ko papansin. Dapat makita lang nila na nakikipaghalikan ako dito kay Ms. Religious ng campus. 

Nakakainis lang dahil nilayo na ni Loraine yung mukha niya sakin. Tang ina nabitin ako.

"Sabi mo halik, hindi laplapan" sabi niya pagkatapos ay ngumiti. Pagkatapos ay lumabas na siya ng classroom.

Wala akong masabi.. Si Loraine ba talaga yun? Saan niya natutunan  yung word na yun?

=

Uwian na ako di parin maalis ang nangyari samin ni Loraine. Mabuti dahil sa kanya, nawala sa isipan ko yung tungkol kay Rose. Ano ba yan! May dalawang babae na nagpapagulo ng buhay ko! Magpakamatay nalang kaya ako? Joke lang, hindi pa ako nasisisraan ng bait para gawin ko yun. Saka maraming babaeng magluluksa.

Naglalakad na ako pauwi ng sabayan ako ni Loraine. Tinanong niya ako kung pwede daw bang sumabay syempre pumayag ako. Nakarating na kami sa tapat ng bahay niya. Nagpaalam na siya sakin at ganun rin ang ginawa ko. Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob bago ako umalis.

Tumalikod na ako at naglakad nang makasigurado na nakapasok na si Loraine sa loob ng bahay nila. Maglalakad na sana ako pero dahil nakita ko yung matandang kasama ni Rose napatigil ako. Lumingon ako kung saan siya papunta..

Nagulat ako nang pumasok siya sa loob ng bahay ni Loraine....

=

Sabi ko may revelation this chapter.. Yung revelation na yun ay .... 8 chapters nalang ay tapos na to! Wag na kayong magulat dahil sinabi ko na to sa mga past updates. Hindi ko lang talaga kayang habaan pa kasi baka saan pa mapunta yung story basta mapahaba lang saka tinatamad ako hehehe. Salamat sa mga bumasa at sa babasa pa! Dahil 8 chapters nalang, i need 8 VOTES to post the next chapter!

Operasyon : Laspagin si LoraineWhere stories live. Discover now