Operasyon #10

17.1K 83 13
                                    


2 chapters left...

=

"Di ka ba nag-iisip Richard? Napakagago mo!" rinig kong bulyaw ni Bryan kay Richard. Nasa loob sila ng stock rooom ng school. Dahil interesado ako sa pinag-uusapan nila, idinikit ko ang tenga ko sa pinto upang marinig ng malinaw ang usapan nila.

"S-sorry, Di ko alam-Di ko sinasadya!" sabi ni Richard. Hmmm ano kayang pinag-uusapan nila at mukhang nagkakainitan na sila sa loob.

"Shit! Ang laking gulong pinasok mo! Magagalit yun sayo! Di mo ba alam?!" Sagot ni Bryan. May narinig akong may parang nahulog sa loob. Pumasok na ako baka nagsuntukan na yng mga yun.

"Anong meron? Bakit kayo nagkakasagutan?" tanong ko. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla at pagkagulat. Hmmm.. pangit ba ako ngayon? Tss.

"Kanina ka pa ba nandyan?" tanong ni Bryan

"Hindi, kakarating ko lang" sagot ko. Baka pagsinabi ko na kanina pa ako nandito akalain pa nilang chismoso ako. Curious lang ako mga brad.

=

Kanina pa akong hindi pinapansin ni Loraine. Pag nilalapitan ko siya o kaya kakausapin ay gagawaa siya ng iba't ibang rason para makaiwas. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Hindi kaya't boyfriend niya na si Kuya kaya siya na samin kahapon tapos iniiwasan niya ako para hindi ako masaktan. Kung ganun paano niya nalaman na mahal ko siya? Naramdaman niya lang? Kapal ng mukha niya kung ganon. Biro Lang.

Ang kasama ni Loraine sa buong araw ay si Rhodely. Yung kachurchmate niya ata. Uwian na at hindi pa rin kami nagkakausap. Nakakaramdam rin pala ako ng masamang kutob ngayong araw. may mangyayari bang masama ngayong araw?

Dahil nga di ako kinakausap ni Loraine, plinano ko na pumunta sa bahay nila. Psh. Baka makita ko pa yung anghel-anghelan niyang tatay. Baka di ko mapagilan ang kamao ko at masuntok ko siya. Ayoko kasi sa lahat yung manloloko. Katulad ng ginawa ng tatay kong hudas sa nanay ko. Dahil hindi matanggap ni mama na may kabit si papa, nagpakamatay siya. Kaya ayun, natitira na lamang sa pamilya ko ay ako, si kuya erwin at yung demonyo kong tatay. 

Nandito na ako sa tapat ng bahay ni Loraine. Iniintay ko siya umuwi. Alam ko kasing may meeting siya sa Math Club kaya malalate siya ng uwi. Di nagtagal ay nakita ko na si Loraine na palalapit sa kinaroroonan ko.  Kailangan niyang malaman ang lahat. Lahat-lahat...

{AN : Iplay niyo yung song sa gilid para damang dama niyo hahaha k}

"Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Loraine. Di ko siya sinagot at hinila ko siya palayo sa lugar kung saan kami naroroon. Dinala ko siya sa tagong lugar.

"Anong gagawin mo? Bakit mo ko dinala dito?!" halatang iritable na si Loraine.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?!" bulyaw ko sakanya. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa lalo na't alam kong gusto niya nang umalis dito.

"A-akala ko kasi tunay kang k-kaibigan!" Pinilit niyang isigaw yun sakin ngunit di niya nagawa dahil bigla siyang umiyak. A-alam niya na kaya? P-paano? Kung kailan sasabihin ko na sakanya. Posible kayang narinig niya yung pag-uusap namin nila Richard kahapon. 

"H-ha? anong sinasabi mo? Di kita maintindihan.." Tama yan, Osh. Magmaanng-maangan ka. 

"Kinaibigan mo lang ako dahil sa pustahan niyo nila Richard! Virginity ko lang pala ang habol mo! Wala naman akong ginawa sa inyo ah. Bakit ako?" *sobs* "A-akala ko nagbago ka na Osh.. Hindi pala.. Pinagkatiwalaan kita lalo na't mahal kita..." patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. Miski ako, di ko na mapigilan na maluha. Imbis na matuwa ako dahil sa sinabi niya mahal niya rin ako, mas lalo pang sumakit tong punyetang nararamdaman ko. Napakalinis niyang babae. Hindi siya nararapat sa katulad ko.

"Oo! Inaamin ko. Yung ang habol ko nung una p-pero diba naramdaman mo naman na masaya ako tuwing nakakasama kita diba?" Inilagay ko ang dalawang palad ko sa basa niyang pisngi. "Mahal din kita, Loraine. Di ko alam kung kelan nagsimula pero alam kong mahal kita.. mahal na mahal.. " pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mapupulang pisngi. "Pangako, hindi ko na kukunin yang virginity mo.. Patawarin mo lang ako..." pamamakaawa ko sakanya.

"Talagang hindi mo na makukuha" seryoso niyang tugon.

3 R D   P E R S O N' S    P O I N  T   O F   V I E W

"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?" tanong ni Erwin sabay hinalikan ito sa mapula nitong labi

"Oo, sinabi ko na kabit ako ng tatay ni Loraine." Sagot ni Rose. Magkatabi sila ngayon sa iisang kama.

"Magaling... Dapat masira rin ang buhay niya kagawa ng ginawa niya sakin" 

Para kasi kay Erwin sinira ng kanyang kapatid sa labas ang kanyang buhay. Si Osh ay anak ng kabit ng tatay niya. Nung nalaman ng kanyang ina na nabuntis ng ibang babae ang kanyang asawa ay nagpakamatay ito. Mula noon, sinisi na ni Erwin ang lahat kay Osh. 

Isa pa, ang pag-agaw ni Osh sa kasintahan niya na si Rose. Mahal na mahal ni Erwin si Osh at di niya inakala na may lihim palang pagtingin si Osh kay Rose. Nagkaaway sila lalo na't nahuli niya ang dalawa na naghahalikan. Sa panahong yun, sinira nanaman ng kanyang kapatid ang kanyang buhay

Di niya alam na si Rose ang may gusto makipagtalik at hindi si Osh. Nabulag lang talaga siya sa pag-ibig. Katulad ngayon, kahit nakakahalata na siya na pineperahan lang siya ni Rose ay hindi niya ito iniwan at sinusunod pa rin nito ang kanyang luho dahil mahal niya parin ito at natrauma na siya.. ayaw na niyang muling gumuho ang mundo niya.

Ang naisip niyang paraan ay paghiwalayin sila ni Loraine. Ang totoo nung nakita ni Osh si Rose at ang tatay ni Loraine na magkasama ay nagkunwaring nadulas si Rose para tulungan siya ng tatay ni Loraine. Tinulungan nga siya at nagkunwari siyang di makalad kaya hinayaan nalang ng tatay ni Loraine na kumapit si Rose sa kanyang braso. Mas naging matagumpay ang plano lalo na't nakita ito ni Osh.

Inisip ni Erwin na sasabihin ni Osh kay Loraine ang kanyang mga hinala sa kanyang ama. Hindi maniniwala si Loraine at iisipin ni Loraine na nag-iimbento siya ng mga walang kwentang kwento para siraan ang kanyang ama. Syempre, magagalit si Loraine sa pagbibintang niya sa kanyang ama lalo na't kilalang kilala niya ito at alam niyang hindi kaya ng kanyang ama na gawin ang ganoong mga bagay. 

O S H  'S   P  O I N T   O F  V I E W

"Talagang hindi mo na makukuha..." seryoso niyang tugon

"Hindi ko mu-na makukuha dahil magpapaksal pa tayo" Inilabas ko ang aking palabirong ngiti.

"Hindi mo naiintindihan... " 

"Ang alin?" nagtatakang sagot ko.

Bumuntong hininga siya "H-hindi mo na makukuha dahil may nakakuha na.." 

=

CUUUTT! Hahaha! Sorry kung naguluhan kayo o kaya nahilo sa 3rd's person point of view. Try ko nalang i-edit hohoho. Big revelations in this chap! PLEASE LEAVE A COMMENT AT VOTE NARIN PARA MAY UPDATE MAMAYANG 5:30 PM ;)

Operasyon : Laspagin si LoraineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon