Prologue

25 6 7
                                        

Prologo

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Prologo

Wala na.. Namatay na ang aking asawa.. Pinatay siya ng halimaw na nasa aking harapan ngayon! Kanina'y kasama ko pa siyang naglalakad sa kakahuyan.. Pero ngayon! Ako na lamang ang magisa!

Eduardo..Mahal ko..

Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Kulay dugo ito't puno ng galit. Napakabalahibo ng kaniyang katawan. Hindi ko na nga siya maturingan na tao sapagkat muka na siyang aso!

Ayan na siya.. Papalapit siya ng papalapit sa akin.. Dasal ako ng dasal sa aking isipan upang makaligtas lamang dito..

Wala akong nagawa kundi magsalita. Dahil pagumatras pa ako lalo ay malalaglag ako sa bangin na nasa aking likuran.. Ayaw ko pang mamatay!

"Ano ba kailangan mo!? Maawa ka naman sa akin.. Sa ama ko." naiiyak na sigaw ko sa halimaw na ito.

Tumawa siya na parang demonyo.

"Pumayag kang maging akin ng dalawang gabi at maaari ka nang umalis sa kakahuyan." aniya at waring lalapit muli sa akin..

"Paano kapag ayaw ko?!" kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"Hindi ka mamamatay NGUNIT! Mamamatay ang ama mo pati na rin ang iyong kapatid.. Lalong lalo na ang ina mong dala dala ang sanggol na magiging asawa ng aking kakambal." wika niya at tumawa ng malakas..

_______________________________________
Author's Note:

Dedicated to Shai_raaa.
First story ko ito. I hope magustuhan niyo. Vote and comment if you like this! Thank you.

Into The WoodsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang