Chapter 7 : ACCIDENT ?!

17.4K 267 9
                                    

Miko's POV

"Track down their Airplane, now. " - sabi ko sa kausap ko na isang personal investogator ng family namin. Pinapunta ko sya dito kanina pagkatapos namin mabalitaan ang nangyari sa eroplano nila Azura

Umalis na din sya pagkatapos nya marinig ang iniuutos ko sa kanya

"Miko, asan sila Dad ? " - tanong ni Aki

"Sumugod sila sa Wellz Hospital para hanapin si Dr. Hirix. " - sabi ko

Kasama nila ang buong RS

"Dahil sa pagka-aksidente nila Azura ? " - sabi ni Aki

"Oo, " - sabi ko

"Hindi aksidente yun. Sadya yun, Miko. "- sabi ni Aki

"Paano mo naman nasabi na sadya ? " - tanong ko

"It's obvious. Meron bang binigay na exact address sila Azura ng pupuntahan nila ? " - tanong nya

Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ang binigay na address sa akin ni Azura

"Yeah. eto oh.  "- sabi ko sa kanya sabay abot nung papel

Kinuha nya ang isang gadget na magsasabi kung saan ang isang lugar. Kahit mga bagong lugar mabilis na nakikita. Trusted itong gadget na ito.

Tinype nya at pagkatapos ay may lumabas .

.

.

.

.

.

.

.

"This address cannot be found, anywhere. " - nakalagay dun sa gadget 

Isa lang ang ibig sabihin nun.

"Niloko lang tayo nila Azura. " - sabi ko

"Niloko nila Azura o naloko tayong lahat ng isang tao ? " - tanong sa akin ni Aki

"Ano ang ibig mong sabihin ? " - tanong ko sa kanya

"Ginamit ko ang isa pang gadget na nagsasabi kung saan pwedeng mahanap ang isang tao. Yung gadget na nagsasabi kung meron bang nag-eexist na ganung tao. At isa langa ng natuklasan ko."- sabi nya

"Ano yun ? " - tanong ko

"Walang Dr. Sed Ivann Hirix na nag-exist . " - sabi nya

"Malay mo iba ang pangalan. " - sabi ko

"In this case, that's impossible. Sinubukan ko na ang lahat ng pangalan na pwede pero walang lumalabas. " - sabi nya

Revenge Of The Heartless Gangster (Completed)Where stories live. Discover now