Russel POV
Hi readers! :) Before anything else magpapakilala muna ko. Ako nga pala si Rhei Russel Boschonovitch (Pronounce: Boss-Ko-No-Bitch) ang poging kaibigan ni romnick. ;) Galing ako sa mayamang pamilya sa japan. Napadpad ako dito sa bansa simula nung namatay ang mom ko. May steph-sister ako sa daddy ko at ang pangalan niya ay si Miho Sy Boschonovitch. Nakapag asawa ulit kasi si dad sa japan. Mabait naman din si tita tricia sakin. Kaya hindi din ako nagalit or nagtampo kay dad nung nag-asawa sya ulit. Ako lang din ang nandito sa pilipinas. Nasa japan kasi silang lahat. Si dad kasi inaasikaso yung business namin dun. Tapos si tita naman binabantayan si miho dun. 8years old palang kasi si miho kaya dun nag-aaral sa japan. Minsan umuuwi naman sila dito sa bansa para dalawin ako. Tsaka pag bakasyon naman nagpupunta ko sa japan para makasama ko din sila.
[Back to the Reality]
Pagkalabas na pagkalabas namin ng room biglang ng ring yung phone ni denver.
Romnick Calling...
Pagkakita namin si romnick tumatawag.
"Pre kanina pa tumatawag tong si romnick." sabi ni denver.
"Eh bakit daw ba?" tanong ko naman sakanya.
"Kanina pa kasi yung labasan nila kaya nauna na sila sa canteen.Malamang nandun na yung mga yun kaya tumatawag. Alam mo namang mainipin yun e." sagot naman sakin at sinagot na yung tawag ni romnick. Ni-loudspeaker naman ni denver yung tawag para marinig din namin.
O?
[Dito na kami. Nasan na kayo?]
Malapit na antayin niyo na lang kami jan.
[*tooot.tooot*]
Call ended
Agad namang binaba ni romnick na yung tawag niya. Tsk kahit kelan talaga yun. -_____-
"Kailangan na natin magmadaling pumunta dun baka naiinip na yung unggoy na yun e." biglang sabi ni anthony.
"Hahahaha. Gag* pre susumbong kita kay romnick unggoy pala ha. Hahahahaha!" tawang panakot naman ni denver sakanya.
"De'joke lang! To naman e." bawing sagot naman ni anthony.
Hahahaha! Takot din pala sya kay romnick e. Hahaha. Iba kasi kung magalit yan pag inaasar mo. Hindi katulad ng dati nung mga bata pa lang kami pag inaasar sya okay lang sakanya. Pero ang daming nag iba nung iniwan sya ng taong mahal niya tsk.
"Ay nako kayong dalawa bilisan na natin at baka inip na inip na yung mga yun dun." sabi ko naman.
Papunta na kami ng canteen at nakarating naman agad kami. Hindi naman kasi malayo to sa building namin.
*Canteen*
Hinanap namin yung dalawa at buti nalang nakita namin agad sila. Kaya agad naman silang pumunta sa kina-uupuan nung dalawa. Bumili pa kasi ako ng kakainin namin.
Pagkadating naman nung dalawa sa upuan nila romnick agad namang nagsalita si anthony.
"Oy pre kamusta? Balita ko kaklase niyo yung tatlong chikabebs na nakita natin sa office kanina ha." bungad nito. Naririnig ko pinag-uusapan nila. Hindi din naman kasi kalayuan ung lamesa namin dito sa pinagbibilhan ko e.
"Ang bilis naman kumalat ng balita sayo anthony. Ganun ka naba ka chismoso ngayon?" sarkastikong tanong naman ni romnick sakanya. Hahaha. PMS talaga to kahit kelan. XD
"Baliw. Nagtatanong lang e." sabi ni anthony na binatukan pa si romnick.
"Lul." sabi naman sakanya ni romnick at binawian din siya ng batok. Hahaha. Nakakatawa talaga silang mag away. :D
YOU ARE READING
Forever I'm Yours (ON-GOING)
Teen FictionMinsan nangangarap tayo na magkaroon ng tunay na magmamahal saten. Ung tipong kaya tayong alagaan at protektahan habang buhay. Ang sarap kasi sa feeling pag alam mong may nag mamahal sayo ng tapat diba? Yung tipong may magsasabi sayo ng Forever I'm...
