Sa likod ng maamo at malaanghel na mukha ng isang babaeng minahal ko ng lubos ay may demonyo pa lang nakatago. Hindi ko inakalang ganoon siya kasama sa mga tao.Hindi ko inakalang mahuhulog ako sa isang katulad niya. Mapanlinlang siya ngunit hindi iyon halata dahil sa mga kinikilos niya hindi siya mukhang masama. Ngunit huli ko na nalaman ang tunay na pagkatao niya tuluyan na nga akong nahulog sa kaniyang patibong. Hindi ko inakalang magiging tanga ako pagdating sa kaniya.
Ako si Alexeir Montesque ang taong nabihag ng demonyo na nagtatago sa isang anghel. Wala na siya ngayon kaya ako na lang ang magkukwento ng kwento ng buhay niya. Ito ang huling hiling niya ang isulat ko ang lahat ng nangyari sa kaniya simula noong bata siya.
- - - - - - - - - - - - - -
AKSIDENTE.....
Diyan nagsimula ang lahat. Patungong Vigan, Ilocos Sur si Chloe kasama ang kaniyang magulang at kapatid.Sampung taong gulang si Chloe noon. Masaya silang umaawit habang bumabiyahe nang biglang makaramdam ng kaba ang kapatid ni Chloe na si Ryan.
"Mommy parang may mangyayaring masama kinakabahan ako sa kotseng sumusunod sa atin kanina pa yan simula pag alis ntin sa bahay" wika ni Ryan
"Malay mo naman paehas lang tayong ruta kaya nakasunod iyan sa atin matulog ka na muna diyan mahaba pa ang biyahe" kalmadong sabi ng Mommy ni Ryan at Chloe
Natulog si Ryan at Chloe habang bumabiyahe at bigla namang bumilis ang takbo ng kotseng nasa likod ng kanilang sinasakyang kotse sa hindi inaasahang pagkakataon sila ay naaksidente. May mga nakakita namang mga tao sa nangyari kaya nadala sila kaagad sa ospital. Pero tanging si Chloe na lamang ang nabuhay sa kanila. Nang magising si Chloe ay nagtaka siya kung bakit puro puti ang kaniyang nakikita sa paligid hinanap niya rin ang kaniyang kuya Ryan at ang mga magulang ngunit wala siyang makita kahit anino nila. Nang mga oras naman iyon ay dumating si Kristofer ang kapatid ng kaniyang daddy.
"Chloe ayos ka na ba? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Kristofer
"Tito nasan po si kuya pati sila mommy at daddy? Ano pong nangyari bakit nandito ako sa ospital?" naiiyak na tanong ni Chloe
"Chloe wala na sila. Naaksidente kayo nung tulog kayo ng kuya mo ikaw lang ang nabuhay."
"Chloe wala na sila. Naaksidente kayo nung tulog kayo ng kuya mo ikaw lang ang nabuhay."
"Chloe wala na sila. Naaksidente kayo nung tulog kayo ng kuya mo ikaw lang ang nabuhay."
"Chloe wala na sila. Naaksidente kayo nung tulog kayo ng kuya mo ikaw lang ang nabuhay."
Paulit ulit iyon sa isip ni Chloe. Umiyak siya ng umiyak. Hindi niya ito matanggap. Sobra siyang nasasaktan at nanghihina siya nang lubusan parang gumuho ang mundo niya nang marinig niya ang mga salitang iyon. Niyakap siya ng kaniyang Tito Kristofer para patigilin siya sa pag iyak.
"Chloe tahan na andito naman si Tito eh hindi kita papabayaan."
Umiyak na lang si Chloe at maya maya ay tumigil na rin siya. Iniisip niya kung bakit iyon nangyari .'Bakit ako pa po ang nawalan? Bakit ako pa ang kailangan makaranas nito?' tanong niya sa kaniyang isipan. Ilang oras ang lumipas nakatulog na si Chloe habang siya ay tinititigan ng kaniyang Tito Kristofer.
"Kawawa naman ang prinsesa ko nawalan ng kinikilalang ama . Ako naman ang daddy mo talaga hindi si Kristian" malungkot na sabi ni Kristofer habang tinititigan si Chloe na natutulog.
Nakatulog si Kristofer sa gilid ng kama ni Chloe ngunit nagising din siya kaagad dahil may matanggap siyang text mula sa hindi kilalang tao.
"Papatayin ko ang anak mo!" Nagulat si Kristofer sa kaniyang nabasa at kinabahan ng sobra.
"Sino iyon? May kinalaman ba siya sa pagkamatay ng kapatid ko at kaniyang mag ina?" tanong ni Kristofer sa kaniyang isipan.
Hating gabi na ngunit hindi na makatulog si Kristofer dahil natatkot siya na baka pag gising niya wala na rin ang anak niya. Hindi alam iyon ni Chloe dahil nilihim iyon ng kapatid niyang si Kristian. Walang mgawa si Kristofer sa kwartong kinalalagyan nila ng anak niya kaya kuanta na lamang siya ng mga kantang nagpapagaan ng kaniyang loob kaya naman nabawasan ang kabang kaniyang nararamdaman. Makalipas lang ang ilang sandali ay nakatulog siy aulit na hindi niya alam.
Umaga na at gising na si Chloe nang mapansin niyang katabi niya ang kaniyang kinikilalang tito kaya naman tinapik tapik niya ang pisngi nito . Nagising naman agad si Kriatofer at ngumiti sa kaniyang anak.
"Gising ka na pala Chloe may gusto ka bang kainin?" tanong niya sa kniyang anak
"Tito may tanong lang po ako napanaginipan ko po kasi kagabi si daddy at mommy" malungkot na sabi ni Chloe
"Ano iyon Chloe?"
"Kayo po ba ang tunay kong ama ?" nagulat si Kristofer sa tanong ni Chloe at kinabahan
"Oo. Chloe ako ang tunay mong ama" diretsong sagot ni Kristofer
"Hindi niyo n po kailangan mag paliwanag sinabi na po sa akin ni daddy at mommy ang lahat sa panaginip ko. Masaya po ako ngayon dahil may daddy pa pala ako" nakangiting sabi ni Chloe
Walang ibang nagawa si Kristofer kundi yakapin si Chloe. Naiyak na siya dahilsa huling pagkakataon ay may ginawang mabuti ang kaniyng kapatid sa kaniya.
"Daddy wag ka na po umiyak nababasa damit ko uhugin ka pa naman" sabi naman ni Chloe na siyang ikinatawa ni Kristofer
"Ikaw talaga mana ka kay Kristian lagi niyo akong inaapi" tila nagtatampong pagkasabi ni Kristofer
"Totoo naman po kasi eh tingnan niyo po suot ko puro sipon na oh" tiningnan ni Kritofer ang damit at totoo nga ang sinasabi ng kanyang anak .
Lumipas na ang ilang taon at nabuhay silang masaya hindi na rin nagparamdam pa ang nagtext kay Kristofer na papatayin ang kaniyang anak. Nasa ikatlong taon na ng sekundarya si Chloe at kapansin pansin ang pagbabago sa kaniya lalo na sa kaniyang ugali.
Papasok ngayon ng paaralan si Chloe kasama si Alexeir ang bestfriend niya. Tangin si Alexeir lang ang nakakaintindi kay Chloe. May lihim na pagtingin si Alexeir kay Chloe at hindi iyo alam ni Chloe dahil hindi pa ito umaamin.
"Bes may sasabihin ako sayo mamaya pag uwian" sabi ni Alexeir
"Sige bes kita na lang tayo mamaya after class" sagot ni Chloe
Magkaiba ng section si Chloe at Alexeir kaya tuwing recess at uwian lang sila nagkikita. Naging maayos naman ang takbo ng araw ngunit kinakabahan si Alexeir sa kaniyang pag amin sa kaniyang nararamdaman hindi niya alm kung anong magiging sagot ni Chloe. Sa kabilang pnig naman ay kinakabahan din si Chloe sa sasabihin ni Alexeir sa kaniya. Lumipas ang oras at dumating na ang hinihintay ni Alexeir ang malaman niya ang sagot sa kaniyang katanungan.
"Bes musta naman araw mo ngayon?" panimula ni Alexeir
"Okay naman. Oo nga pala ano yung sasabihin mo sakin?" kinabahan na ng todo si Alexeir
"Uhmmm... Kasi ano... Bes ano kasi ....Ano uhmmm..." *torpe alert*
"Ano na puro ka ano diyan eh hahaha" natatawang sabi ni Chloe dahil natotorpe nanaman si Alexeir
"Basahin mo na lang pala ito andiyan naman ang mga sasabhinin ko eh" sabay abot kay Chloe ang isang sulat
Binasa iyon ni Chloe at natawa siya dahil test paper ang inabot ni Alexeir.
"Hahahaha patawa ka bes? test paper yan eh hahaha itlog ang score oh hahaha" humahagalpak na tawa ni Chloe
"Aish mali eto pala hindi iyan nakita mo pa tuloy score ko sa Math" nahihiyang sabi ni Alexeir
Binasa iyon ni Chloe at nagulat sa nabasa niya parehas lang pala sila ni Alexeir ng narramdamn ngunit hindi pwede ang gusto ni Alexeir dahil maaari lang itong madamay sa mga gagawin niya sa mga susunod na araw ngunit hindi niya kaya pigilan ang puso niyang magdesisyon dahil mahal niya ang bestfriend niya .
"Ano sagot mo Chloe?" kinakabahang tanong ni Alexeir
Tanging tango lang ang naisagot ni Chloe. Hindi niya alam kung bakit siya tumango pero wala na siyang magagawa hindi na niya pwedeng bawiiin ang desisyon ng puso niya. At dahil naman sa sagot na iyon ni Chloe ay tumalon naman sa tuwa si Alexeir dahil nakuha na niya ang puso ng bestfriend niya.
Isang taon ang lumipas at sila pa rin mas lalong nakilala ni Alexeir si Chloe at dun niya nalaman ang buong kwento ni Chloe. Marami nang dumating na problema sa kanila pero inaayos iyon ni Alexeir dahil hindi niya kayang mawala si Chloe sa kaniya. Magkaklase na silang dalawa ngayon kaya palgi na silang magkasabay pumasok sa eskwelahan. Araw araw naman iniisip ni Chloe kung itutuloy niya pa ang paghahanap sa taong may kasalanan kung bakit nawala ang mommy,kuya at daddy Kristian niya. Ilang taon na ang lumpias pero hindi pa rin tanggap ni Chloe ang nangyari.
Tumawag ang daddy Kristofer niya at sinagot ito ngunit nagtaka naman siya at iba ang nagsalita.
"Sino po kayo? Bakit nasa inyo ang cellphone ng daddy ko ?"tanong niya
"Uhmm.. Kasi nandito po sa ospital ang daddy niyo sa Padilla Hospital po room 26"
Kinabahan naman si Chloe kaya dalidali siyang tumakbo papunta sa ospital na iyon. Hinabol siya ni Alexeir at hinawakan sa braso ng maabutan siya nito.
"Saan ka ba pupunta at tumatakbo ka na lang bigla?"
"Si daddy nasa ospital!'
Tumakbo ulit si Chloe at hinabol siya ni Alexeir hanggang makarating sila sa ospital na kinaroroonan ni Kristofer. Bakas sa mukha ni Chloe ang pag aalala sa kaniyang daddy maisip niya pa lang na nasa masamang kalagayan ito ay naaalala niya ang kaniyang daddy Kristian na siyang dahilan kung bakit bumabalik ang lahat ng sakit at galit sa puso ni Chloe sa taong naging dahilan ng pagkawala ng pamilya niya.
"Daddy please wag mo akong iwan ayokong mawalan ulit ng daddy hindi ko na kakayanin pag nawala ka pa"
"Hinding hindi ko iyon gagawin Chloe hindi ko kayang iwan ang prinsesa ko ."
Niyakap ni Chloe ang kaniyang daddy habang si Alexeir naman ay palihim na lumabas ng kwarto at umupo sa upuan na nasa may pinto ng kwarto. Sa kaloob-looban ni Chloe ay nakaramdam siya ng panganib sa ospital na iyon kaya minabuti niyang libutin ang kwarto at may nakita siyang lalaki sa may bintana at may hawak na baril na nakatutok sa kaniyang daddy.
"Daddy gusto mo lumabas? Pahangin tayo" pasimpleng sabi ni Chloe na gusting ilayo sa panganib ang kaniyang daddy.
Tinext ni Chloe si Alexeir na kailangan nilang umalis sa ospital na iyon at pumunta sa malayong lugar dahil may panganib na nakaabang sa buhay ng daddy niya. Naguguluhan naman si Kristofer sa kinikilos ng anak magtatanong sana siya ngunit naramdaman niyang nasa panganib sila kaya nanahimik na lang siya. Pumunta sila sa Naga kung saan naroon ang tagong ancestral house ng mga Madrigal na sila lang ang nakakaalam ng lugar na iyon.
Lumipas ang ilang buwan at nanahimik na muli ang kanilang buhay ngunit habang tumatagal kapansin pansin ang nag babagong Chloe na dati ay palangiti,masayahin at mabait na ngayon ay naging seryoso,walang emosyon at parang gangster kung kumilos. Ngunit hindi pa rin siya binibitawan ni Alexeir. May pupuntahan ngayon si Chloe at si Alexeir naiwan naman sa bahay si Kristofer kasama ang mga bantay nito . Pumunta ang dalawa sa isang kainan at may hinhintay na imbestigador na kakilala ni Kristian at Karistofer.
"Bakit ba tayo nandito ? Sino hinihintay ntin?" tanong ni Alexeir
"Yung private investigator na kakilala nila daddy baka makatulong siya sa paghahanap nung nagtatangka sa buhay naming" sagot ni Chloe ngunit hindi ito naintindihan ni Alexeir magtatanong sanang muli ngunit dumating na ang kanilang hinihintay.
"Hello Ms. Chloe" bati ng imbestigador
"Hello din po uhmm ano pong balita ? May nakuha po ba kayong impormasyon?"
"Meron at kilala ko na kung sino siya"
"Sino po?"
"Ang kuya Ryan mo"
"Ang kuya Ryan mo"
"Ang kuya Ryan mo"
Naguguluhan si Chloe sa kaniyang narinig dahil hindi iyon pwedeng mangyari.
"Ano po? Hindi po yan pwede wala na po si kuya paanong siya ang may kagagawan?"
"Mahabang kwento pero andito lahat ng detalye hindi pwedeng ikuwento ko dahil alam kong may nagmamasid sa akin. Sige mauna na ako"
May inabot na envelope ang imbestigador bago umalis at naiwan si Chloe na gulong-gulo at si Alexeir naman na nagtataka dahil wala siyang kaalam alam sa nangyayari. Umalis sila nang malalim ang iniisip habang naglalakad ay may nakita si Chloe at Alexeir na pamilyar na tao sa kanila at sabay nagsalita ang dalawa.
"Kuya Ryan?" sabi ni Chloe
"Kuya Xander?" sabi naman ni Alexeir
Nagkatinginan ang dalawa at nanlaki ang mata sa sinabi nila. Sa isip ni Chloe ay nagtataka siya kung bakit kilala ni Alexeir ang kuya Ryan niya habang sa isip naman ni Alexeir ay naguguluhan kung bakit Ryan ang pangalan na binanggit ni Chloe samantalang Xander naman ang pangalan ng taong kanilang nakita.
"Bakit kilala mo si kuya Ryan?" tanong ni Chloe
"Ryan? Xander ang pangalan niya hindi Ryan" sabi ni Alexeir
"Ryan Xander Madrigal ang buong pangalan niya so now sagutin mo ang tanong ko ?" sabi ni Chloe
"Siya ang tumayong magulang at kapatid ko noong naglayas ako sa amin tumira ako sa bahay nila ng ilang taon at naiwan ako doon nung umalis sila ng pamilya niya papuntang Vigan lagi akong nasa kwarto niya hindi niya ako dun pinapalabas tangin kapatid niya lang ang nakakakita sa akin at siya." paliwanag ni Alexeir
"OMG ! Lec Lec?! Ikaw pala yan?! Bakit ngayon ko lang kita nakita ulit ang tagal kitang hinanap isa ka sa pinapahanap ko yun pala nasa tabi lang kita all the time!" natutuwa at gulat na pagkasabi ni Chloe at maging si Alexeir ay nagulat din.
"Kaya pala pamilyar ka sa akin at gusto kitang alagaan ikaw pala ang batang iyon hindi ko nalaman ang pangalan mo noon hindi ka naman kasi nagpakilala" nakangiting sabi ni Alexeir at bumalik na ulit sa pagiging seryoso ang mukha ni Chloe
"Tara na mag madali na tayo nararamdaman kong nasa panganib tayo" bulong ni Chloe
Nagmadali silang umuwi at nang makauwi na sila ay sinalubong agad sila ni Kristofer na may importanteng sasabihin.
"Chloe ang kuya mo buhay siya"
"Alam ko daddy nakita namin siya kanina"
"Mag ingat ka sa kaniya hindi na siya ang kuya Ryan na kilala mo na kilala natin"
Tumango na lang si Chloe at pumunta sa kwarto niya habang si Alexeir naman ay nauna ng natulog dahil sa sobrang pagod. Binuksan ni Chloe ang envelope at binasa ang mga detalyeng nandoon at sa hindi inaasahan natuklasan niya ang katotohanan. Nabuo muli ang galit sa puso niya at parang sinaniban ng kung anong espirito at pumunta sa kusina. Kinuha niya ang kutsilyo at pumunta sa kwarto ni Kristofer. Nagulat si Kristofer dahil nanlilisik ang mga mata ni Chloe mababakas sa kaniyang mukha ang sobrang galit.
"NILOLOKO MO AKO !!!! HINDI DAPAT AKO MAG INGAT KAY KUYA !!!IKAW ANG MAY KAGAGAWAN NG LAHAT !!!!" galit nag alit na sabi ni Chloe habang nakaturo ang hawak niyang kutsilyo kay Kristofer
"Chloe hindi ako ang may kagagawan ng lahat ang kuya mo ang may kasalanan hindi Ryan Xander ang pangalan niya kundi Kristofer magkapangalan kami Ryan Xander lang ang tinatawag sa kaniya ni Kristian dahil galit siya sakin nung iniwan kita sa kaniya dahil hindi kita kayang buhayin noon" paliwanag ni Kristofer
Hindi nakinig si Chloe at hindi na niya nakontrol ang kaniyang mga kamay at ibinaon sa dibdib ng kaniyang ama ang kutsilyong hawak niya. Hindi na niya alam ang ginagawa niya na parang may kumokontrol sa kaniyang katawan na gawin iyon . Ngunit huli na ang lahat nang matauhan si Chloe sa kaniyang nagawa. Hindi niya alam kung anong gagawin umiiyak siya at pinag sisipa ang mga gamit sa loob ng kwarto.
Nagising naman si Alexeir dahil sa ingay na kaniyang narinig mabilis siyang napabangon at sinundan ang ingay na narinig. Napunta siya sa kwarto ni Kristofer at doon iya nagulat sa kaniyang nakita namuo ang takot at kaba sa kaniyang dibdib nang makita ang duguang katawan ni Kristofer at ang nagwawalang si Chloe.
"Ch-Chlo-Chloe a-an-nong na-nangya-yari?" nanginginig na sabi ni Alexeir
"Alexeir hindi ko alam ! Nakita ko na lang ang sarili ko na hawak ang kutsilyong yan hindi ko alam ang ginawa ko Alexeir!"lalapit sana si Chloe ngunit lumayo si Alexeir dahil sa takot.
"HUWAGKANG LALAPIT SA AKIN!!!" sigaw ni Alexeir
"Alexeir please maniwala ka sa akin ! Hindi ko alam ang ginawa ko !"
"ANONG HINDI MO ALAM??!! PINATAY MO ANG DADDY MO !!!" sigaw ulit ni Alexeir
"Alexeir akala ko ba mahal mo ako ?Bakit hindi moako paniwalaan?"
"Oo mahal kita Chloe mahal na mahal kita pero bakit kailangan humatong ka saganito ? Alam kong may galit pa rin sa puso mo at alam ko din na nabasa mo naang mga detalyeng ibinigay sayo ng imbestigador"
"Alexeir.... Mahal na mahal kita huwag mo kong iiwan ikaw na lang ang meron ako"
Walang masabi si Alexeir kaya umiyak na rin siya. Parehas na silang umiiyak nadalawa ngayon. Sa kalagitnaan pag iyak nila ay may dumating na hindi ninaasahanang kuya ni Chloe si Ryan Xander o Kristofer.
"Kamusta? Mahal kong mga kapatid ?" Ngiting asong pagbati ni Ryan
"Kuya?" wika ng dalawa
"Oo ako nga. Buhay ako nakakagulat hindi ba ? Sa totoo lang hindi ko inaasahangmabubuhay ako eh alam mo bang hinanap kita Chloe? Pero nakita kita kasama ka nglalaking sumira sa pamilya natin at pinalit mo pa taalaga siya kay daddy tskwalang utang na loob ! At ikaw Alexeir binalikan kita pero wala kana doon atmakikita na lang kitang kasama niyang lalaking yan ! Hahaha good for youkatukayo ! Go to Hell !!!!" malademonyong pagkakasabi niya
"Kuya siya ang tunay kong ama ! At hindi si daddy Kristian !" sigaw ni Chloe
"Hangal ! Naniwala ka naman sa kaniya !"
Nilapitanni Ryan ang dalawa at pinaglayo sila. Hinila ni Ryan si Chloe sa isang tabi atitinali ito ganoon rin ang ginawa niya kay Alexeir. Magkatapat ang dalawa kayakitang kita nila ang isa't isa. Lumapit si Ryan kay Chloe at hinalikan ito ngmariin sa labi.Pumipiglas si Chloe kaya pinupok siya sa ulo ng matigas na bagayni Ryan at si Alexeir naman ay nagagalit na sa ginagawa ni Ryan.
"XANDER ITIGL MO NA YAN !!!" sigaw ni Alexeir
"Bakit naiinggit ka ba?!" mapang asar na tanong ni Ryan ngunit tumigil din siyasa ginagawa niya
"Mahal mo tong babaeng hindi ba? Sige pagnakawala ka diyan sa pagkakatali mo atnasaksak mo ako agad ititigil ko pero pag hindi sorry bro hindi ako titigil"ngiting asong sabi niya
Sahindi inaasahan ay nakawala agad si Alexeir at sinugod si Ryan nang bigla nalamang natumba si Ryan at humandusay sa sahig nagtaka naman si Alexeir kungbakit at nakita niya si Chloe na nanghihinang nakatayo sa gilid kung saanbumagsak si Ryan.Pumunta si Alexer sa pwesto ni Chloe.
"Chloe ayos ka lang ?!" pag aalalang tanong ni Alexeir
"Alexeir mahal na mahal kita patawad pero kailangan kong gawin to"
Lumayosi Chloe kay Alexeir at kinuha ang baril sa bulsa ni Ryan at tinutok sakaniyang dibdib.
"Alexeir isulat mo ang kwento ng buhay ko iyan lang ang mahihiling ko sa'yopaalam mahal ko patawad sa lahat. Kailangan ko ng mamatay dahil ako ang dahilankung bakit ka naghirap noong bata ka ako din ang dahilan kung bakit lagi kangnaaapi sa school paalam na"
*BANG!*
Hindinagalit si Alexeir dahil sa mga nalaman niya kundi nagalit siya dahil sapagpakamatay ng babaeng mahal niya.
"Alam ko kung bakit ganoon ang ginawa mo sakin alam ko ang dahilan pero bakitakailangan mong magpakamatay? Tanggap ko naman ang pagkatao mo kahit ano pa manang ugali mo tanggap ko yun pero iniwan mo ako"
Nanggabing iyon walang ginawa si Alexir kundi ang umiyak ng umiyak at magwala.Halos mabaliw siya sa nangyari sa babaeng mahal niya hindi man lang niya itonapigilan.
Iyanang kwento ng babaeng mahal ko si Chloe Madrigal ang may malaanghel na mukha namay itinatagong demonyo sa likod nito. Hindi ko inaasahang magagawa niyangpatayin ang kaniyang ama at kuya . Nagpadala siya sa galit at hindi niya itonaknotrol pero kahit ganoon pa man ang nangyari masaya pa rin ako na nakilalako ang katulad niya.
Nanditoako ngayon sa puntod niya dinalaw ko siya ngayon dahil nagawa ko na ang hulinghiling niya sa akin ang isulat ang kaniyang kuwento.
"Mahal ko nagawa ko na ang gusto mo naisulat ko na ang kuwento ng buhay mo.Sana ayos ka na ngayon at masaya ka na.Mahal na mahal kita Chloe mananatili kadito sa puso ko kahit anong mangyari. Paalam na mahal ko kailangan ko ng umalismay lalakadin pa ako.Hanggang sa muli."
A/N: Ditona nagtatapos ang lahat. Salamat sa pagbasa nito pinaghirapan ko tong isulat.
YOU ARE READING
Sa Likod ng Isang Anghel (One Shot)
Short StoryThe story of Chloe Madrigal's personality.
