Chapter twenty three.

Start from the beginning
                                    

"Yes sir, nasa unit niyo na po yun..pinadala ko kay Cecile." Sagot naman niya. 

"Mabuti naman kung ganun. Thank you Mr. Mercado." Sabi ko ng tuyang magpalaam. Nagmadali akong pumunta sa unit ko.

Buhat buhat ko si Kielle na papasok ng unit ko. Iniupo ko siya sa sofa ko at pumasok sa loob ng kwarto ko para kuhanin yung ibang laruan na binili ko para sakanya. Pagkalapag ko naman ng mga iyon sa harapan niya halatang tuwang tuwa siya. 

"Car.." Napangiti naman ako ng magsalita siya. 

"Yes car..eto baby ano 'to?" Tanong ko pa sakanya at pinakita ang laruan na tauhan ni batman..tinignan niya naman ako. Natutuwa talaga ako kapag natitigan ko ang mga mata ng anak ko..pakiramdam ko kasi nabubuhayan ako ng loob..nagkakaron ako ng pag-asa na magiging buo din ang pamilya namin. 

"Wow Betmen.." Napatawa naman ako ng malakas sa naging sagot ng anak ko..nakita ko din na humagikhik siya. Ganito pala ang pakiramdam ng maging ama...pakiramdamam mo, kahit wala kang kwenta, nagkakaroon ng halaga ang buhay mo. 

"Itaw.." Sabi pa niya sabay turo sakin..naguluhan naman ako sa gusto niyang iparating sakin. Saka ko lang na-realize..na baka tinatanong niya ako kung sino ako...napangiti naman ako sakanya bago ko siya sagutin. 

"Ako si Daddy." Sabi ko ng malapad ang ngiti sakanya...yung ngiting totoo. Anga sarap sabihin..ako yung tatay niya. Nakakataba ng puso.

"Didy...itaw Didy." Natawa naman ako sa sagot niya sakin. Kinarga ko siya at nilagay sa lap ko. 

"Opo..ako po si Didy." Sakay ko naman sa trip ng anak ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang maglambitin sa leeg ko. 

"Didy..milk." Sabi niya ng nakayakap sakin. Natuwa naman ako sa paghahanap niya ng gatas..kaso hindi ko alam kung paano gumawa nun kaya kinarga ko nalang siya papunta ng kusina at pinakitaan ng madaming pagkain..buti nalang hindi tinopak at kinain nalang yung mga bibnigay ko. Ang sarap sa pakiramdam ng may anak..alam ko na yung parating sinasabi ni Seb na..makita palang niya yung anak niya nakakalimutan na niya yung mga problema niya, tama siya. Kasi ngayon pakiramdam ko ako ang pinaka masayang tao dahil kasama ko ang anak ko. 

Binuhat ko naman pabalik ang anak ko sa sala ko at doon pinaglaro..binuksan ko din yung TV ko at pinanuod siya ng cartoons. The whole time nakatingin lang ako sakanya ng nakangiti. 

Nagulat ako ng sumampa siya sa sofa kung saan ako nakaupo at biglang yumakap sakin at siniksik ang ulo niya sa leeg ko Nagtaka naman ako sa ginawa niya. 

"Anong gusto ng baby ko?" Tanong ko naman sakanya. 

"Sleep yeye..sleep." Sabi niya sakin. Naguluhan naman ako, sinong yeye?

"Sinong yeye baby?" Tanong ko sakanya. Sinong yeye ang mautulog? 

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now