"Hah?!"

"Sabi ko ang cute ng casing mo. Spongebob."       Saka niya ibinalik sa akin ang phone ko.

"Thanks."      Pilit akong ngumiti.

"Ngayon ang dryrun niyo right?"     Mataman niya akong tinitigan at bahadyang ngumiti. 

Nakadama ako ng kilabot sa aking bumbunan. Pinilit ko lang na huwag iyong ipahalata.       "Ahm... Oo."

"I see. Good luck ah. Saka.... Salamat."     Aniya saka nagtaas ng isang kamay para bang isang wave gesture. Tumagilid siya ng hakbang at umiwas sa akin para makaalis na.

Nilingon ko siya at sinundan ng tingin habang papalayo.

For the first time, kinausap niya ako. At kilala niya ako.

Pero...... Si Emy ang hanap niya?

Bumuntung hininga ako ng malalim. Guess hanggang dun na lang ang lahat. Alam ko na kung saan ang place ko.

I feel..... Sad. Pero hindi ko alam kung bakit. Basta nalungkot ako.

Naupo ako sa kasama ng mga kagrupo ko sa club. Nakatulala lang ako ng tingin sa may stage at sumusunod lamang ako sa mga kasama ko. Alam ko na ipinapaliwanag ng club president namin ang mga magaganap sa music concourse pero hindi ko naman masyadong naintindihan. Para akong nanlalata.

"Milca?"

Mabagal akong lumingon at nakita si Emy na nakaupo na sa tabi ko.

"Okay ka lang?"     Napawi ang ngiti niya at agad niyang sinalat ang noo at leeg ko.      "May sakit ka ba? Bakit ganyan ang itsura mo?"

Napapilig ako ng mukha.       "Ano bang itsura ko?"

Kumunot noo siya.      "Ang....gloomy mo?"

Sandali ko siyang tinitigan. Sana nakuha man lang ang pagiging masayahin niya para maiba naman ako. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin.     "Kinakabahan ako."

"Sus!"     aniya na mukhang naniwala naman sa akin.   "Syangapala. Yung pangako mo sa akin hah."

"Ano yun?"     Walang gana kong tanong.  

"Yung magpuputa tayo sa Orpheus. Pinangako mo na after ng exam week yun ah. Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng exams."

Mukhang kailangan ko yan. Nilingon ko siya.        "Ngayon ba?"

"Kung pwede ka."      Saka siya ngumiti.

"Sige." 

"Yes!"     Masigla niyang sabi. Naputol ang pag uusap namin nang tawagin na siya ng club president namin. Agad siyang tumayo at ng umakyat siya ng stage ay nakasunod na sa kanya si Henry. Hindi ko napansin na naroon na rin si Henry, masyado yata akong pre-occupied.

Minasdan ko silang dalawa habang kausap ng club pres namin then naupo si Emy sa may harap ng nakaset na grand piano sa gitna ng stage. Yumukod sandali si Henry para kunin ang kanyang violin then pumuwesto na sa medyo malapit sa unahan ng stage. Nagpalitan sila ng tingin ni Emy at sa cue ng club president namin ay tumipa na sa piano si Emy. Siya ang intro.

Playing:     A song from the Secret Garden

Umupo ako ng deretso at nakinig ng maige. Una. Nasa kay Emy ang tingin ko. Kabisadong kabisado na niya ang piesa kaya hindi na siya masyadong tumitingin sa piesang nakalahad sa harap niya. Lumingon ako sa mga kasama ko at napansin ang kakaibang pakiramdam sa paligid. Nakita ko ang iba na tila tulala. Nagtaka ako at tumingin uli sa may stage. Lumipat ang aking tingin kay Henry.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon