Emery.....Eme...… Emy?

Nagtaka naman ako agad.

"Bakit?"

"Ahm... May hiniram kasi ako sa kanya na isasaoli ko lang. Hindi ba kayo magkasama?"    

Obvious ba?

"Hindi. Baka papunta na yun."     Parang nanlata ang katawan ko sa pagkakataong iyon.      "Kung gusto mo ako na lang ang magbibigay?"

"Ah, hindi na. Ako na lang."     Ngumiti siya.

Lihim akong napasinghap. Sa tagal ko ng kasama si Emy sanay na rin ako sa mga taong nakapaligid sa kanya. Yung mga kilos na alam mo agad ang mga tunay nilang pakay.

Pilit akong ngumiti sa kanya.      "Kung ganun. Iwan na kita rito, pasok na ko sa loob."

"Wait lang."    Pigil niya sa akin. Hindi ko maiwasan na titigan siya.       "Pwede ko bang malaman ang contact number ni Emery. Ahm... Hindi ko kasi alam ang kanya."

Hindi ako agad nakasagot. I'm not sure kung okay lang ba na ibigay ko sa kanya iyon. Hindi ko iyon nakasanayan gawin saka ayaw ni Emy ng ganun. One time na may pingbigyan ako na senior ng number niya at nagtampo siya sa akin. Isang araw niya akong hindi kinausap.

"Hindi ko alam kung pwede ko ba yang gawin."     Deretso ko siyang tinignan.

"Ahh... Okay."     Parang nadismaya siya sa sinabi ko pero wala na akong maisip na maidadahilan.

"Pwede naman na yung number mo ang ibigay ko sa kanya?"    Pero I doubt na papayag siya sa ideya.

"Ahm.... Okay lang ba?"   Bahadyang umaliwalas ang mukha niya.

Nabigla pa ako.    "Hah?!"

"Okay lang ba na irelay mo sa kanya? Siya na lang ang kokontak sa akin?"

"Ah, oo naman."     Mabilis akong napasagot sa tanong niya.     "I mean... Okay lang yun sa kanya."

"Salamat."    

Inilabas ko ang dala kong cellphone. Medyo nahiya naman ako dahil sa lumang modelo na iyon at may casing na paborito kong si Spongebob.

"Cute."     Narinig kong aniya habang tinitipa sa cellphone ko yung number  niya.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon