Chapter 10:Paalam

11 1 0
                                    

Mari:ZERO!
Eliyah:ZERO!
Myca:ZERO!

Tumama kay Zero ang apoy na lumabas mula sa lupa.

Jin:Wag kayong mag-alala ligtas siya.
Eliyah:Myca!Siya yun! Yan ang Guro mo sa eskwelahan niyo!
Myca:Sir.Anthonio?
Jin:Ako nga.

Ngumiti siya sa akin habang bitbit niya si Zero ng walang malay.

Myca:Paano niyo po siya na iligtas?
Jin:Bago siya tamaan ng Fire of Inferno Mabilis ko siyang kinuha.
Carmela:Sa ngalan ng aking kapangyarihan,hiling ko'y iyong bigyang katuparan!

Pa ulit-ulit na sinasabi ni Carmela ang kanyang binabanggit na salita.

Carmela:Summon Dark Dragon!

Mat lumitaw na napakalaking itim na portal mula sa langit at may pulang mata na dumungaw dito,maya-maya pa ay may lumabas na napakalaking itim na dragon sa portal na ginawa ni Carmela.

ROOOOOOAAAAAAARRRRRR!

Sabay buga ng purple na apoy? meron ba nun? ahhh basta ganun yung kulay niya.

Mari:Myca! Akin na ang hair pin mo!
Myca:Opo!

Tinanggal ko ang pagkakasuksuk ng aking HairPin at binigay ko ito kay Mama. Pagka bigay ko neto sa kanya parang dinasalan niya eto at sabay hagis sa lupa at biglang umangat ang HairPin ko at nasira. Ang tanging natira sa HairPin ay ang ORB. Nang medyo mataas-taas na ang narating neto,bigla itong nagliwanag at may lumitaw na napakalaking pulang portal. At may nagpakitang asul na mata. At biglang may lumabas na Napakalaking Pulang Phoenix!

Eeeeehhhhhhkkkkkkk!

Wooossssshhhhhh Wooooooossssshhhh!

Halos tangayin kami ng napakalakas na hangin dahil sa pag pagaspas ng pakpak ng phoenix.

Myca:Wow!
Mari:Siya si Kagatsuchi,isang Fire Phoenix siya ang iyong tagapag-bantay.
Myca:Kagatsuchi.

Tumabingi ang ulo nito na para bang naiintindihan niya ko.

Myca:Ikaw na ang bahala sa Dark Dragon. Inaasahan kita.

EEEEEEEHHHHHKKKKK!

Makabinging ungol ni Kagatsuchi ang sinagot niya sa akin,at lumipad si Kagatsuchi patungo sa Dark Dragon. Sinubukan muli namin atakihin si Carmela

Eliyah:Dark Tornado!

Kinumpas muli ni Eliyah ang kanyang Pamaypay at naglabas ng napakalaking itim na buhawi ang lahat ng madaanan nito ay parang dinidikdik,napipino ang mga bato na madadaanan neto.

Carmela:Counter Barrier!

May lumabas na puting liwanag sa harapan ni Carmela at ng tumama ang buhawi sa liwanag mabilis na bumalik ang atake ni Eliyah sa amin.

Eliyah:Huh?! Pero paano? Imposible niyang magawa yun?
Mari:Mamaya mo na isipin yan! Lumayo muna tayo papunta na dito ang Dark Tornado.
Jin:Explosive Wind!

May tinirang palaso si Sir.Anthonio sa dark tornado at pumasok sa loob ang palaso at maya maya pa ay nawala ang dark tornado.

Mari:Maraming salamat Jin.
Jin:Walang anuman.

Ang dalawang Element Creature ay patuloy pa din na naglalaban at nag papalitan sila ng atake.

Eeeehhhhhhkkk!

Sabay buga ni Kagatsuchi ng Giant Fire Ball. Pero na ilagan to ng Dark Dragon.

KAAABBBBBOOOOOOOMMMM!

Bumuga naman ng Dark Flame ang Dark Dragon pero na iwasan to ni Kagatsuchi Patuloy na bumubuga ng dark flame ang dark dragon at si Kagatsuchi naman ay umiiwas paikot para mailagan ang Dark Flame.

Jin:Tanggapin mo to Carmela! Fire Arrows!

Pinaulanan ni Jin ng mga nagbabagang palaso si Carmela.

Carmela:Soul Barrier!

Nawalan ng kwenta ang mga atakeng ginawa ni Sir.Anthonio.

Carmela:Wahahahahahaha! (Evil Laugh) Ano na? nawawalan na ba kayo ng pag-asang matalo ko? Wahahahahahaha.
Mari:Hindi pa!

Nagulat si Carmela dahil biglang napunta si Mama sa likuran niya.

Mari:Focus Slash!

Splaaaaatttt!

Carmela:Waaaaaaahhhhhhh!

Malaking sugat sa likuran ang natamo ni Carmela mula sa atakeng ginawa ni Mama!

Carmela:Ikaw! Magbabayad ka! Death Schyte!

Naging Death Schyte ang tungkod ni Carmela.

Carmela:Pagbabayaran mo to Mari! Wala pang kahit sino ang nakakapanakit sa akin!

Mari:Pwes ngayon meron na!
Carmela:Waaaaaaahhhhhh!

Cling!

Clang!

Galit na galit si Carmela kay mama dahil sa ginawa sa kanya!

Carmela:Waaah! Haaaah! Haaayaaahh!

Mabilis na naiiwasan ni mama ang mga atake ni Carmela.

Mari:Ano Carmela? Pagod ka na ba?
Carmela:Yun ang akala mo! Dark Spear!

Splaaaaaaatttttt!

Nasaksak si Mama ng dark spear ni Carmela sa dibdib.

Mari:I-i-imposible.

Sabay bitaw sa kanyang sandata.

Carmela:Yan ang nararapat sayo. Ang mamatay Wahahahahahaha! (Evil Laugh)
Myca:Mama!

Tumakbo ako patungo kay Mama.

Myca:Mama!
Mari:A-anak.
Myca:Mama,wag na po kayong mag-salita dadalhin ko po kayo sa ligtas na lugar.
Mari:Wag na anak,hindi na din naman ako magtatagal. Uuhhuuu! Uuhhhuuu!
Myca:Wag po kayong magsalita nang ganyan Mama.
Mari:Alagaan mo ang kapatid mo,wag mong pababayaan ang sarili mo.
Myca:Hindi Mama! Aalagaan mo pa kami ni Eliyah.
Mari:Paalam anak. Yung binilin ko sayo wag mong kakalimutan.
Myca:Mama.
Mari:Paalam.

Unti-unting nagiging parang asul na alikabok na umiilaw ang katawan ni Mama. At bigla na siyang nawala.

Myca:Ikkkaaaawwww!Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Mama!

Umiiyak at galit na galit kong pag sabi kay Carmela.

Carmela:Nako. Nakakatakot, Bakit ano ang gagawin mo papatayin mo ko?
Myca:Higit pa sa sinabi mo!
Eliyah:Myca! Nasan si mama?
Myca:Wala na si Mama! Pinatay ng Demonyong yan!
Eliyah:Ano!? si Mama? Wa-wala na?

Umiyak ng umiyak si Eliyah.

Myca:Pagbabayaran mo to!

May naramdaman akong sobrang lakas na kapangyarihan sa loob ng katawan ko mas malakas pa sa naramdaman namin nila eliyah sa portal at biglang nag black-out ang paningin ko!

***To be continue***

Ano kaya ang malakas na kapangyarihan na naramdaman ni Myca? Condolence Myca at Eliyah. Unti-unti nang lumalabas ang totoong lakas ng kapangyarihan ni Myca!
Want to know kung ano ang kapangyarihan ang naramdaman ni Myca sa loob ng katawan niya? Wait for the next chapter of The Goddess. But don't forget the Vote and Comments 😊 Thank you.

The GoddessWhere stories live. Discover now