Chapter 9:Matinding Laban

11 1 1
                                    

Lumipas ang ilang linggo,nararamdaman pa rin namin nila Eliyah,Zero at ni Mama ang malakas na pwersa.

Eliyah:Hindi ko talaga malaman kung saan nanggagaling ang malakas na pwersa.
Myca:Oo nga. Para na kong magkakasakit. Halos araw-araw kong nararamdaman ang napakalakas na pwersang yun! Mama may idea ka ba kung san nanggagaling ang pwersang yun?
Mari:Wala. Simula nung binukasan ko ulit ang kapangyarihan ko nagtaka din ako sa malakas na pwersang yun?
Zero:Wala pa rin akong makita kung saan nagmumula ang pwersang yun. Ilang araw na kong lumilibot pero wala talaga.

Para kaming sinakluban ng langit at lupa dahil wala kaming idea kung san nagmumula ang pwersang yun.

Myca:Papasok na po ako ma.
Mari:Sige anak,mag-iingat ka.

Habang naglalakad ako papuntang school may naramdaman akong ibang pwersa bukod sa nararamdaman namin nila Eliyah at biglang.

Pssswwww!

May isang palaso na muntikan nang tumama sa ulo ko!

Myca:Sino nandyan?

Bigla kong nilabas ang hair pin na binigay ni Mama at sinuksok ko ito sa buhok ko.

Jin:Kamusta myca?
Myca:Sino ka? mag pakita!
Jin:Hahahaha. parehong pareho kayo ng iyong ama,matapang at palaban.
Myca:Ano ang alam mo kay Papa?

Biglang may lumitaw na lalaki sa harapan ko. Natatakpan ang kalahating mukha niya dahil sa scarf na suot sa kanya. Mag ka-iba ang kulay ng kanyang mata. Sa left side kulay aqua blue at sa right side naman kulay emerald green. at yung suot niya,parang leather jacket na white at yung pang ibaba niya pants na white na may blue line at white shoes,ayaw niya siguro sa white at yung buhok niya kulay dark brown na medyo mahaba pero gwapo siya sa ayos niya. naka amba na ang espada ko sa kanya na aatakihin ko siya.

Jin:Myca,mag-iingat kayo ng mama at ng kapatid mo!
Myca:Huh?
Jin:Nag bukas na portal patungo dito.

Bigla na siyang umalis nang pagkabilis-bilis,para siyang si Zero sa bilis ng galaw niya.

Myca:Ibig sabihin? Tama ang Hinala ni Zero at Eliyah.

Habang napapa-isip ako sa sinabi sakin nang lalaki kanina may biglang pagkalakas lakas na pag sabog.

BOOOOOMMMMMM!

Myca:Ano yun? parang sa siyudad nanggaling ang pagsabog na yun ah?

Pag punta ko sa pinanggalingan ng pag sabog laking gulat ko sa nakita ng dalawa kong mata. nagkalat ang mga bangkay ng tao, mala batis na dugo ang umaagos sa mga paa ko dahil sa mga patay. sirang sira ang mga building at halos maging dilim ang paligid dahil sa usok ng pagsabog.

Myca:A-ano a-ang nangyari dito?

Habang nagtatakbuhan ang mga tao biglang dumating si Eliyah at si Zero kasama din nila si Mama.

Mari:Anak!
Myca:Mama!

Tumakbo ko kay Mama habang umiiyak dahil sa nakita ko.

Eliyah:Grabe ang pinsala ng lugar na ito!
Zero:Sino naman ang gumawa nito?

Tumambad sa amin ang isang babae na may puting buhok at may hawak siyang tungkod na may bungo sa tuktok neto.

Carmela:Ahahahaha (Evil Laugh)
Mari:Carmela! Ano ang pakay mo dito sa mundo ng mga tao?
Carmela:Owww! Mari,matagal din tayong hindi nagkita. pero sa pagkakataon na to sisiguraduhin ko na mamatay ka! Ahahahaha (Evil Laugh)
Eliyah:Mama sino siya?
Mari:Eliyah mag iingat ka sa babaeng yan. hindi siya basta bastang kalaban,
Eliyah:Ano yung tungkod niyang hawak? nakakatakot ang hitsura.
Mari:Yan ang "STAFF OF DEATH" sa ilang kumpas lang ng tungkod niyang yan kaya ka na niyang patayin!
Eliyah:Nakakatakot nga.
Zero:Anong klase ang kapangyarihan niya?
Mari:Matindi ang kapangyarihan niya, isa siyang Dark Wizard!
Zero:Dark Wizard? Ang pagkaka alam ko wala namang kahit anong klaseng Wizard sa Aeros ahh?
Mari:Wala nga. Pero si Gaia kaya niyang bigyan ng kahit anong klaseng kapangyarihan ang isang Vania kung aanib ito sa kanya.
Carmela:Oh ano? Puro daldalan na lang ba ang gagawin niyo? Humanda kayo! Needle Of Death!

The GoddessWhere stories live. Discover now