"Anyway, look what I brought you! It's my friend's new collection! Free yan ah! Freebie ni Paul! Wag ka na magalit! I just have to take a photo of you wearing it then I'll post it—"

"Paul?" Tanong ni Karylle.

"Cabral. He's gay, not my type, no need to get jealous." Sabi ni Vice sabay kindat niya kay K.

"Parang baliw." Bulong naman ng isa.

"Where was I? Ah yes, you just have to wear it tapos I'll take a snap then I have to post it."

"Where will I wear it naman? Dito lang ako sa bahay or sa shop. Pwede ba yun?"

"Eto nga, I have an upcoming event and I want you to come with me."

"Vice—"

"Anne will be there!... Please?" And he gave her his 'awa' face.

Ang bilis bilis tumanggi pero hindi niya talaga magawa kay Vice.

"Kailan yan?" Sagot lang niya, Vice's eyes grew bigger kaya napayakap siya kay Karylle!

"Next week! Thank you Kurba! And one more thing pala, he is having a fashion show—"

"No. Ayoko ng ganyan Vice."

"Bruha hindi ikaw. I recommended the three girls, he was looking for raw models then I showed him their photos, nagustuhan niya. I went sa shop to tell them sana kaso close yung shop eh." Vice saw how Karylle's eyes twinkled with what he said. Those kids really have a special spot in her heart.

"Oh my gosh Vice they will be soooo happy! Thank you! Thank you! Tatawagan ko sila, baka nasa bahay yung mga yun! It's their day off." Kung kanina'y medyo matamlay siya, you can really feel her excitement now kaya naman masaya siyang tinititigan ni Vice habang kinakalikot ang kaniyang cellphone.


The two decided to go and visit the kids nang malaman nilang nasa bahay lang ang anim na bata.


"Eh kung tinitigilan niyo kaya yang cellphone na yan at tinutulungan niyo kaming maghanda ng pagkain natin, siguro kumakain na tayo ngayon ano po?" Sigaw ni Daniel sa mga babae na naghahagikgikan sa gilid at nakatingin sa isang cellphone na siya namang bumungad kila Karylle.

"Don't you dare bring that phone down, mapupunta yan sa basurahan." Inis na sinabi ni James dahil kanina pa nila tinatanong ang mga babae at parang walang naririnig naman ang mga ito. Kilig na kilig kasi.

"Problema niyo ba? Kami naman naglinis ng buong bahay ah?" Sagot naman ni Nadine at umirap.

"Hep! Hep! Ano ba yan? Bakit may nag-aaway?" Narinig nila bigla ang isang pamilyar na boses.

"Ate K!!!!" Excited na tumayo ang tatlo, matagal tagal na rin kasi nilang hindi nakakasama ang Ate K nila sa bahay. Special pa ngayon since it's Sunday lunch.

"Bakit nakakunot nanaman ang noo nung tatlong lalake?" Tanong ni Karylle.

"Eh pano Ate K, kanina pa Team King ng Team King yang mga yan, wala ng ginawa kundi tumingin sa cellphone. Kaurat." Sagot ni Daniel matapos yumakap kay Karylle.

Piece by PieceWhere stories live. Discover now