Don't Say It's Too Late

417 16 11
                                    

CHAPTER 1

Nagising mula pagkakahimbing si Sujean sa malakas na tunog ng kanyang cellphone.

"Si Ivan siguro." wika niya habang papungas-pungas na bumangon sa kanyang kama.

Madaling-araw noon sa London kaya wala siyang naisip na taong tatawag sa kanya ng gano'ng oras kundi ang kanyang nakababatang kapatid na si Rean Ivan na nasa Pilipinas.

"Hello Van, napatawag ka?" bungad niya sa kabilang linya pagkatapos niyang pindutin ang accept call button sa screen ng kanyang telepono. Nakapikit pa ang kanyang mata habang nakadikit ang telepono sa kanyang tenga.

"Hey!It's me! guess what?" wika ng boses sa kabilang linya.

Bigla siyang napamulagat ng marinig ang boses ng kanyang pinsan na si Jobelle. Bahagya niyang nilayo ang kanyang telepono at pinagmasdan ang pangalan ng caller sa screen. "Si Jovel nga" wika niya sa sarili.

"What do you want Belle? Have you forgot that it's 2 a.m. in this country? At bakit hindi ka umuwi?" Sunud-sunod niyang tanong sa pinsang si Jobelle na ka-share din niya sa flat na inuupuhan nila sa Dunbridge House.

"Oi!Oi! Enough of those question. May good news ako sayo. yihhhhh!!!!"

Bigla niyang nailayo ang telepono sa kanyang tenga ng tumili ito ng pagkalakas-lakas. "Gusto mo bang basagin ang eardrums ko ah?" naiinis niyang wika sa pinsan. "At ano bang good news yan? Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang yan?" mataray niyang dugtong.

"Your so sungit talaga, kaya NBSB ka eh."

Kahit hindi niya nakikita ang pinsan ay alam niyang nanunulis ang nguso nito. "Tss.. Oh ano ngang good news yan?"

"Shane and I are engaged just now! And we are planning to get married next year after the Greatest Hits Tour!" wika nito na halatang masayang-masaya sa tono ng boses nito.

"Wow!For real? That's good to hear, I'm so happy for both of you."gulat ngunit masaya niyang tugon. "May five years na din naman kayo ni Shane, so it's about time."

Hindi niya mapigilang maiinggit sa pinsan dahil nahanap nito ang true love sa katauhan ni Shane Filan. Hindi lang ito ubod ng gwapo, sikat na sikat pa ang kinabibilangan nitong boyband sa buong mundo lalo na sa Europe--- ang Westlife.

"Thank you!" masayang wika nito na humahagikgik pa. "Anyways, our engagement party will be tomorrow here at Shane's home in Sligo. Pack your clothes now and be ready by 11am tomorrow. Nicky will fetch you at eleven, nasa kanya na din yung plane ticket m---"

"W-what? s-si Nicky?" she stammered.

"You heard me right couzini kaya tigilan mo ko sa what-what mo."

"Bakit siya? I mean, alam mo namang hindi ko gusto ung lalaking 'yun at saka kaya ko naman mag--"

Hindi siya nito pinatapos magsalita. "hep! hep! Hindi magkasundo? If I know, may pagsintang pururot ka sa lalaking yun." anito.

Napasimangot siya sa tinuran ni Jobelle. Totoo naman kasi na may hidden crush siya kay Nicholas, magmula pa noong sumikat ang Westlife 4 years ago. Isa ito sa mga bandmate ni Shane. He's handsome, yeah no doubt. Pero kung ano ang kingwapo nito, siya naman ang kinasama ng ugali nito--- sa kanya. Ang masama pa eh kahit anong gawin nitong masama sa kanya, di pa rin niya mapigilan ang puso niyang tumibok para sa lalaki. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ganun na lang kung pakitunguhan siya nito, samantalang mabait naman ito sa mga kaibigan niya.

Maayos naman siya nitong pinakitunguhan pagkatapos siyang ipakilala ni Jobelle rito at sa Westlife lads dalawang buwan mula noong dumating siya sa London. Ngunit pagkalipas ng gabing iyon ay hindi na naging maganda ang pakikitungo nito sa kanya.

Don't Say It's Too LateWhere stories live. Discover now