"Hi, Vice. Break time n'yo?" tumango ako sa tanong ni Lily

"Ikaw ba?" tanong ko pabalik, sinundan ko ng tingin si Maxxine na tahimik na nakaupo sa isang sulok

"May kinuha lang na mga papeles, may meeting pala mamayang 6 PM." sabi ni Lily at tuluyan ng umalis dala ang mga papeles na sinasabi n'ya

Kinausap ko muna saglit ang mga SC members na nasa loob, iyong iba ay nag-rereport at inaasikaso ang mga papeles.

Kumuha ako ng monoblock at tumabi kay Maxxine

"Buti na lang pala hindi ako sumama sakanya, edi nagmukha pa akong tanga kakahintay sakanya." bahagya pa s'yang natawa

"He just made me realized that playboy will always be playboy, na hindi dapat sineseryoso ang mga sinasabi nila dahil puro kasinungalingan lang ang alam."

"It's a good thing that you didn't follow your heart, Maxxine." tumango s'ya sa sinabi ko

Bumukas ang pintuan at pumasok si Johansson, saglit s'yang natigilan nang nakita n'ya si Maxxine. Nagkatinginan muna kami bago n'ya tinignan ang kanyang relo, nilabas n'ya ang phone sakanyang bulsa at may tinawagan.

"Good afternoon, I would want to order..." hindi ko na nasundan ang sinabi n'ya dahil tinalikuran na n'ya kami. Nilingon ko si Maxxine na balisa parin sa aking tabi

"Kilala mo ba iyong kasama n'yang babae kanina?" tanong ko sakanya para kahit papaano naman ay mag-salita s'ya

"No but with those heavy makeups and kind of clothes, I'm sure she's a easy woman." tumango ako bilang sa pagsang-ayon, lahat naman ng nakakadate ni Nathan ay puro 'easy-to-get' at party girls.

"I hate him and I hate myself even more dahil nahulog ako sa bitag n'ya. I know that he's just playing and I joined him. Maybe he realized na hindi ako mahuhulog sa isang katulad n'ya and he took it as a challenge. I fell but I don't want him to know about it, ayokong isipin n'yang nanalo s'ya." Malungkot ang boses ni Maxxine at pinipigilan n'yang umiyak kaya lalo akong lumapit sakanya at niyakap s'ya

"It's okay, Maxxine. Nathan doesn't deserve your love, hindi n'ya alam ang nawala sakanya." tumango si Maxxine sa sinabi ko at tumayo bigla

"I'm fine now! Gutom na ako, kain tayo sa labas? My treat!" maligayang sinabi ni Maxxine na agad pinutol ni Johansson

"No need to go out, nagpa-deliver na ako." tumango si Maxxine at ngumisi sa akin. Umiling ako sa gusto n'yang ipahiwatig

Alam kong iba ang inaasta ni Johansson ngayon at ayokong tanungin s'ya tungkol doon. Ayokong mag-assume dahil maaring ginagawa n'ya lang iyon dahil magkaibigan kami. It's just a friendly gesture for an old  friend.

Maagang natapos ang klase kaya bumili na muna ako ng makakain sa labas, 5:30 PM pa lang at mamayang 6  PM ay may meeting ang mga Student Council.

"Isa pong order ng siomai." sabi ko sa nagtitinda at nag-bayad, tumango s'ya sa akin at binigay ang order ko.

Nilagyan ko iyon ng kaunting toyo at calamansi. Pumasok ulit ako sa SCSU dala-dala iyon.

Nauna nang umuwi si Maxxine dahil may gagawin pa daw s'ya kaya hinayaan ko na lang. Sumakay ako sa elevator at sinara iyon.

Hindi pa tuluyang nagsasara ang pintuan at may kamay na humarang, umatras ako para bigyan s'ya ng espasyo kahit kami lang dalawa ang nasa loob ng elevator.

Umubo s'ya ng makita ako sa loob, nagtinginan kami saglit bago tumalikod sa akin. Habang papaakyat ay pinagmasdan ko ang likod n'ya. His broad shoulder was shouting because of his black polo shirt, hindi ko alam kung nag-wo-workout ba s'ya pero nasubaybayan ko ang paglaki ng katawan n'ya these years.

He used to be just tall and have an average body and with that, he can make every girl to stare at him at ngayong lalo s'yang tumangkad at nag-form ang muscles sa biceps, triceps and I'm sure he have those abs with him. He can simple make girls drool with just his presence.

Kumakain ako habang pinapakinggan sina Nick sa kanilang mga report, nilabas ko ang laptop ko at nag-type ng mga solusyon sa mga problemang sinasabi nila at suggestions na rin.

"Gusto mo?" tanong ko kay Johansson nang nahuli ko s'yang nakatingin sa akin. I want him to know na hindi ako na-a-awkward sa mga titig n'ya.

Tumango s'ya at binuka ang bibig. What? Gusto n'yang subuan ko s'ya?

Umupo ako ng maayos at kinuha ang toothpick at tinusok ang isang siomai. Dahil malayo s'ya at kailangan n'ya pang ilapit ang upuan n'ya para masubuan ko s'ya, nagkatinginan kami habang sinusubuan ko s'ya.

"Ehem." pekeng ubo ni Nick sa aming harap. Agad akong lumayo kay Johansson at binalik ang tingin sa aking laptop.

Malaki ang ngiti ni Johansson hanggang sa matapos ang meeting habang ako naman ay hindi makatingin sa kahit kanino. Mabilis kong nilagay sa aking bag ang laptop at dirediretso nang lumabas ng silid.

"Ano iyong subuan kanina, huh?" malaking ngisi ang pinakita sa akin ni Nick habang naglalakad kami sa hallway

"Wala." sabi ko at inayos ang strap ng aking bag

Naunang pumasok ang mga kasama namin sa elevator at ayaw makipagsiksikan ni Nick kaya nagpaiwan kami. Tinignan ko ang relo ko, it's already 7 PM. Siguro naman ay may dumadaan pang taxi sa Gate 4.

"Oh si Zeeyan!" hindi ko alam kung bulong ba iyon ni Nick pero alam kong rinig iyon sa buong hallway.

Hindi ko na pinansin si Nick na tahimik na ngayon dahil alam kong nasa likod lang namin si Johansson.

"Bye, Tiara! Ingat kayo!" sabi ni Nick nang nasa labas na kami ng building, nagbeso kami at tumango lang s'ya sa taong nasa likod ko

Unfortunately, sa Gate 1 naka-park ang sasakyan ni Nick kaya maghihiwalay talaga kami at iniwan n'ya pa ako kasama si Johansson.

Tinahak ko na ang daan papuntang Gate 4 nang hinawakan ni Johansson ang kamay ko.

"Sumabay kana sa akin, hatid na kita sa pupuntahan nyo ng Ate mo." sabi n'ya habang nakatingin sa aking mata habang ako naman ay todo iwas

"Hindi na, mag-tataxi na lang ako."

"Sigurado ka bang may taxi pa? It's 7 PM for Pete's sake, it's safer kung sa akin kana sasakay and besides, kahit mag-taxi ka susundan parin kita." sabi n'ya at unti-uting binitawan ang kamay ko. Tinignan ko iyon.

"Fine." mahinang sagot ko at hinawakan n'ya muli ang kamay ko at pumunta na sa Parking Lot malapit sa Gate 4.

Miss Always Rank #2जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें