"Well, kung hindi naman ako si Tiara Tyson at hindi s'ya si Zeeyan Johansson ay hindi pwede. We are talking about Nathan Romualdez! Nathaniel Romualdez!"

"As if mafa-fall ako sa mga tricks n'ya? No way! No fucking way!" at iyon naubos ang natitirang oras sa mga lait ni Maxxine para kay Nathan

Alas-otso nang pumasok kami sa classroom. Luminga-linga si Maxxine na para bang may hinahap sa mga kaklase namin. Nang nakita n'ya akong nakatingin sakanya ay agad s'yang nag-iwas ng tingin at mabilis na umupo sa upuan n'ya.

She's looking for Nathan, halata naman. Pero etong si Nathan ay mukhang mala-late.

Panay ang sulyap ni Maxxine sa pintuan kada isang minuto, tatlumpung minuto na ang nakalipas ay wala paring Nathan Romualdez ang pumapasok.

Natapos na ang klase pero wala paring nagpapakitang Nathan Romualdez.

Nilalagay ko ang mga gamit ko sa aking bag ng bigla akong lapitan ni Maxxine

"Do you think he really wait for me?" tanong n'ya

"I think so, kaya hindi s'ya nakapasok." sabi ko at umalis na sa classroom para sa susunod na klase

"Dapat ba ay sumama ako sakanya kanina? I chickened out this morning."

Sising-sisi si Maxxine sa hindi n'ya pagsipot kay Nathan. Nag hintay si Nathan sakanila at tingin namin ay iyon ang dahilan kung bakit hindi nakapasok si Nathan ng first period. Kung ganoon nga, maaaring seryoso si Nathan sakanya.

"I'm really guilty, mag-sosorry ako mamaya at tatanungin kung pwedeng-" natigilan s'ya at nakatunganga sa harap.

There! We saw Nathan with a girl! Nakapalibot ang kanyang braso sa balikat ng babae habang iyong babae naman ay nakahawak sa kanyang hita.

Halos lahat ng kaklase namin ay palipat lipat ng tingin kay Maxxine na bagong pasok na natunganga at kina Nathan at sa babae na mukhang walang pakielam sa mga tao sa paligid nila.

Pabagsak na umupo si Maxxine sa upuan n'ya habang ako ay tumabi sakanya. Hinawakan ko ang likod, tulala parin s'ya.

"I thought..." sabi n'ya at umiling-iling, alam kong iniisip n'ya ang naiisip ko ngayon

Nilingon ko si Nathan na nakatingin na ngayon kay Maxxine, nag-iwas s'ya ng tingin ng nakita akong tumingin sakanya. Talaga bang sinundo n'ya si Maxxine kaya s'ya wala kanina o dahil sa babaeng kasama n'ya? He's pure jerk and nothing good.

Napatingin ako sa bagong pasok na si Johansson, he's two minutes late pero dahil wala pa ang prof. ay hindi counted 'yun.

Seriously, Tiara? In times like this, ito pa talaga ang iniisip mo?

Umigting ang panga n'ya nang makita si Nathan, sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa napunta s'ya sa harap nina Nathan at iyong babae.

Binaba ni Nathan ang kanyang kamay galing sa pagkakaakbay sa babae at tinignan si Johansson.

"Miss, I assume you're not in this class." iyon lang ang sinabi n'ya at lumapit sa amin.

Umayos ako ng upo at nagkatinginan kami.

"Is she okay?" tanong n'ya sa akin, nagkibit balikat ako

"I'm okay." sabi ni Maxxine at nilabas ang kanyang iPad. Nag-earphones s'ya at nagpatugtog hanggang sa dumating ang prof.

"Ayos ka lang?" ilang oras ng hindi kumikibo si Maxxine. Break time na at gusto n'yang sa Student Council room na lang kami dahil tahimik doon

Nang pumasok na kami ay nagkatinginan ang mga members sa amin

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now