"Chapter fifty eight"

Start from the beginning
                                    

Tsk!!

After 15 minutes tumayo na ako at kinuha yung susi ko

"anak san ka pupunta gabi na ahh" sabi ni mommy

"dyan lang po" sabi ko habang sinusuot yung jacket ko

"umuwi ka kaagad ingat" pahabol na sabi ni mommy

Nagdrive na ako ng mabilis.. .kilala na ako ng guard dito kaya di na ako tinanung masyado..

Pagdating ko sa tapat ng bahay ni Chloe nakita ko bukas pa yung ilaw kaya umakyat ako sa veranda ng bahay niya

"psst!" pinaswitan ko siya..tignan mo 'tong babaeng 'to bukas yung pinto dito baka mamaya niyan ee makapasok yung magnanakaw ee tss!

"anong ginagawa mo dito?" tanong niya na sobrang gulat

"hindi mo kasi sinasagot yung tawag ko" sabi ko

"hahahaha" natawa lang siya

"anong nakakatawa?" tanong ko

"haha nagpunta ka dahil lang dun?" tanong niya din

"ee akala ko galit ka ee" sabi ko

"haha kaps ka talaga" sabi niya na mejo natatawa pa

"ahh ganon" kiniliti ko siya ng kiniliti


"hahaha tama na haha baka magising si Manang!" sabi niya at pilit na pinapatigil ako kaya tumigil naman ako

"ano ba ginagawa mo at gabing gabi na gising ka pa?" tanong ko sa kanya at sinilip ko yung ginagawa niya sa laptop niya...nagbabasa ng story sa wattpad..daming naadik dito pati si Ate at Jess..si Ate Pau katanda na pero nagbabasa din siya tss!

"manuod na lang tayo!" sabi ko

"ano papanuorin natin..dapat maganda yan ahh kundi patay ka sakin" pagbabanta niya sakin

"yung kay...." lumapit ako tsaka ko binulong


"manyak!" sigaw niya sabay hampas ng unan sa akin

"haha tama na..joke lang yun!" sabi ko tsaka ako dumapa sa kama niya at nagsearch ng magandang panuorin


"yan na lang sassy girl" bigla din siyang dumapa sa tabi ko at nakielam na tsk! siya din pala masusunod.. hayaan na nga mahal ko naman ee...

"maganda ba yan?" tanong ko

"manuod ka na lang!" sabi niya at tutok na tutok sa pinanunuod niya kaya ginaya ko na lang siya

Nagulat ako ng  bigla siyang sumadal sa balikat ko...hinayaan ko na lang baka kasi nangangawit na siya ee.. ayos naman yung sassy girl na pinanuod namin.. romantic comedy may drama din.. napatingin ako sa gilid at nakita kong past 12 na pala at pagtingin ko sa katabi ko tulog na pala kaya pala hindi na naimik...

Pinatay ko na yung laptop niya tsaka ko siya dahan dahang inayos yung higa niya...

"Madaya ka tinulugan mo ako" bulong ko sa kanya

Pinagmasdan ko yung muka niya habang natutlog siya ang himbing nga ee...

ang lapad ng noo nitong babaeng 'to...

ang haba ng pilik mata

ang tangos ng ilong

at

yung lips red na red ang sarap.....

wala....wala.....

Aish! pero hindi ko talaga mapigilan...

"Sorry pero hindi ko mapigilan ee..." bulong ko after ko siyang ikiss sa lips smack lang naman ee.. ssshhh quiet lang kayo ahh.. hehe nagulat nga ako nung bigla siyang gumalaw akala ko magigising ee.. nako pag ito nagising papatayin ako nito pagnalaman niya yung ginawa ko....

"Goodnight" bulong ko ulit at hinalikan siya sa noo at lumabas na ako dun sa veranda.. buti na lang at walang guard na nagrarounds kundi baka mapagkamalan akong magmamanaw sa gingawa ko ee..

Ang lawak ng ngiti ko ng umuwi ako....

hindi ko din magawang matulog dahil kada ipipikit ko yung mata ko muka niya yung nakikita ko....

Ayos na kami friends na kami

Next step

making HER MINE

MAHAL KITA!!!! ramdam mo ba?!Where stories live. Discover now