"Chapter seven"

132 3 1
                                    

<Chloe's POV>

Uwian na namin at eto kami naglalakad na palabas ng gate nila Ash at Elle ng may biglang humintong sasakyan sa harapan namin. hindi ko na kailangan pang itanong kung sino kasi kilala ko itong kotse at yung nakasakay sa kotse na yan. binaba niya yung side window at nakakita ako ng anghel na pasaway ..hehehe jowk

"Tara sabay na kayo sakin" aya niya samin

hindi pa ko nakakapagsalita nakita ko pasakay na yung dalawa kong berat na kaibigan sumakay na din ako kasama sila Ash sa likod..una naming hinatid si Ash. Habang nasa biyahe tahimik lang ako sila lang yung nagchichikahan.. nakikita ko salamin tumitingin-tingin siya sakin kaya iniiwas ko agad yung tingin ko sa kanya.

"babye.. salamat sa paghatid Christ ingatan mo yang dalawa kong magagandang bff ahh..." nagwave na siya at sunod naman na ihahatid ay si Elle sabi ko nga unahin nako para di kami yung maiwan na dalawa tutal naman magpinsan silang dalawa pero nakulit yung driver inuna talaga si Elle. HMMP! >_<

"bye ingat kayo... hoi Christ iuwi mo yan sa bahay nila hindi sa bahay niyo ah" tawa ng tawa si Elle habang papasok siya ng bahay nila adik na yon kung ano-ano sinasabi..

okay so kami nalang ang natira at ang masasabi  ko lang

AWKWARD!!! >_<

"Lipat ka dito sa harap hindi mo ako driver" sabi niya kaya ayon lumipat na lang ako para walang usapan...kaya ayoko yung kaming dalawa yung matira ee... sobrang tahimik nabibingi ako at bakit ganon ang bagal ng takbo nung kotse ??

"Galit ka pa din ba dahil sa nangyari nung isang araw?" napatingin tuloy ako sa kanya dahil sa tanong niya..siya ayon busy sa pagdadrive... nung napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya lumingon siya sakin kaya binawi ko yung tingin ko at tumingin nalang sa bintana....

 "Ayaw mo talaga akong kausapin no" sabi pa niya ulit

"Pagod lang ako" pagdadahilan ko at sinadal ko yung ulo ko sa upuan

Maya maya naramdaman kong huminto na yung kotse.....pagdilat  ko nasa harap na pala kami ng bahay ko nakatulog pala ako... nag thank you na ako sa kanya pero bago pa ako makalabas 

 "Sorry" ...ano daw? "sorry sa nangyari nung saturday.. hindi ko naman gustong hilahin ka at saktan ka...hinanap kasi kita bigla ka daw kasing lumabas sabi nung sales lady kaya hinanap kita tapos makita kita ko may kausap ka lang palang lalake" tama ba ako ng rinig nagsosorry siya ...OMG kinikilig ako.. kalma Chloe kunwari galit ka pa din...

"ahh yun ba wala na yun sige pasok na ko gabi na din kasi ee thank you ulit sa paghatid ...ingat ka "  sabi ko sa kanya at dirediretso akong pumasok ng bahay...

Nagmano lang ako kila mama at papa at umakyat na ko at binagsak ko ang sarili ko sa kama ko at sabay kuha ng unan at  

WWWWWWWWWWWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!

di ko na kayang pigilan yung kilig ko.....nag sorry siya sakin hihihi......

"Anak kakain na ng hapunan bumaba ka dyan"  tawag ni mama sakin.. hindi pa din ako nakakaget-over sa sinabi ni Christ .. bumaba na ako at kumain pagkatapos nun umakyat na ulit ako.. nagpalit muna ako ng damit nagtooth brush na din ako para pag nakatulog ako ee wala ng prob..un ee kung makaktulog ako..ee kasi kada ipipikit ko yung mata ko nag paflashback yung itsura nya na humihingi ng tawad sakin at nag eecho ung sinabi niya sakin

1 hour na siguro akong nakahiga at pinipilit matulog pero

"Sorry....."

"Sorry....."

"Sorry....."

aahhhhh ano ba yan  nag eecho parin yung boses niya sa utak ko.. hindi ko lang inexpect na magsosorry siya sakin.. kasi sino ba naman ako sa kanya diba isang CLASSMATE lang

(hay nako Chloe itulog mo na yan...)

MAHAL KITA!!!! ramdam mo ba?!Where stories live. Discover now