Chapter 2: Sir Shawn.

76.5K 1.3K 21
                                    

MY PROFESSOR, MY FIANCE

C H A P T E R 2 : SIR SHAWN.

6:00 am.

*tok tok tok*

“Ma’am Inori gising na po, male-late na po kayo sa klase niyo.” rinig kong sabi ni manang sa labas ng kwarto ko.

Gumalaw lang ako pero hindi ako bumangon. Inaantok pa ko!

“Ma’am?” rinig ko ulit na sabi ni manang.

“5 minutes na lang po manang.” sabi ko habang nakapikit pa.

“Sige po.” narinig ko ang mga yabag ng paa ni manang pababa kaya natulog na lang ulit ako.

“INORI! HOW LONG IS 5 MINUTES FOR YOU?!” napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni mommy. Nakakatakot talaga si mommy kapag sumisigaw.

“Ito na po ma, maliligo na po ako wait lang po!” dire-diretsong sagot ko habang naglalakad na papuntang pintuan ng banyo.

“THEN MAKE IT FASTER!” sigaw ulit ni mommy. Ugh! Ayoko talaga na nandito si mommy eh.

10 minutes lang akong naligo. Takot ko lang kay mommy diba? Pag nagalit pa naman yun nawawala yung maamo niyang mukha. Parang tigre.

Bumaba na ako para kumain. Binati ko muna si Daddy bago umupo sa upuan.

Nakaalis na pala si Mommy.

“Good morning dad.”

“Magandang umaga din anak.”

Tinapos ko lang ang pagkain ko. Tinignan ko ang relos ko. Nanlaki ang mata ko dahil 6:45 na pala, eh 7:00 ang pasok ko. Gosh! Male-late na ko!

“Ah, dad una na po ko ha? Male-late na po kasi ako eh.” kiniss ko lang si daddy at lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang pahabol niya.

“Take care anak.”

*********

“Bakit po kuya George?” tanong ko sa driver namin. Bigla kasi siyang huminto. .

“Naku ma’am Nori, nasiraan po ata tayo, ayaw pong mag start ng kotse.”

“Huh?! Hala kuya! Paano po yan, male-late na po ako.” mangiyak ngiyak kong sabi kay kuya George. Huhu. First subject ko pa naman si Sir Shawn. Sabi nila strikto daw yun eh. Ayoko mapagalitan.

“Sige po ma’am try ko pong ayusin.” bumaba na si kuya George pagkasabi niya nun at sinimulan ng ayusin yung makina nitong kotse kaya bumaba na din ako.

After 15 minutes....

Waaaaaah! 7:00 na! Huhu, late talaga ako!

“Ano kuya? Maaayos na po ba yan?” tanong ko kay kuya George.

“Kulang lang po sa langis yung makina ma’am. Kaso po wala po tayong langis, malayo pa din po yung bilihan dito.”

“Hanggang anong oras po kaya aabutin?” tanong ko kay kuya. Ghad! Super late na ako!

“Mga kalahating oras pa po ma’am kung bibili po ako ng langis.” kalahating oras? Edi hindi ko na naabutan si Sir nun!

“Ah, sige po kuya, mauna na po ako sa inyo. Call daddy na lang po kung hindi niyo po talaga maaayos, male-late na po kasi ako eh. Ba-bye po!” sabi ko kay kuya George at tumakbo na.

“Sandali lang po ma’am! Saan po kayo sasakay?” pasigaw na yung pagsasalita ni kuya dahil medyo malayo na ko sa kanya.

“Maglalakad na lang po ako! Malapit lapit na rin naman po yun dito!” sigaw ko pabalik.

My Professor, My Fiancé! (Book 1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon