Patagong Pag-ibig

2.6K 25 0
                                    

"Patagong Pag-ibig"

~
Ang hirap palang umibig sa isang katulad mo,
ang lapit lapit mo sa akin ngunit pakiramdam ko'y napakalayo.
Magkatabi nga tayo ngunit mata mo'y sa iba nakatuon.
Hanggang tingin nalang ba ako sa lilipas na panahon?

Kapag ngumingiti ka, puso ay kumakaba.
Sumisikip aking dibdib 'pagkat ang dahilan ay siya.
Hanggang kailan magtitiis ang puso kong nasasabik?
Sa bawat araw ay nangangarap mabigyan mo ako ng isang halik.

Umiiyak aking puso kapag siya'y kasama mo.
Hinihiling na sana ako na lamang iyon.
Pumipikit ako upang hindi ko masaksihan,
ang galak mo't saya tuwing kasama siya.

Ako'y naduduwag para umamin sa iyo.
At sabihin lahat lahat ng nararamdaman ko.
Ayokong dumating sa punto na ako ay iiwasan mo.
Pagkat alam kong pag-ibig ko'y hindi mo naman gusto.

Araw-araw nalang magdarasal sa Poong MayKapal,
nasa balang araw tayo ay maikasal.
Hindi titigil umasa kahit alam kong walang aasahan.
Mahal kasi kita kaya ayos lang sakin ang lahat.

TGWC: Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon