❤ FREE HÜGS

26 2 14
                                    

Written by DooNathhhs 🍩

Stealing is a crime. 👅

©2016

Dedicated to my bestfriend Clement, sorry eto lang ang nakayanan ng powers ko at hindi ko medyo na subaybayan yung flow ng story na naikwento mo. Sana magustuhan mo mehehehehehe :3

Some scenes happened in real life, names are changed for privacy purposes.

Have fun reading guys 😘❤

~*~

Free HÜGS

"Free Hugs! Free Hugs na kayo dyan!" Sigaw ng nerd kong kaklase, wala kasing naghuhug sa kanya baka kasi mandiri yung mga tao ng dahil sa suot niyang panahon pa ng lolo niya. Tinignan ko naman si Ms. Sungit na binabantayan kami, bwisit na project na ito no choice kundi sundin namin siya ayaw kasi naming bumagsak sa History, may kinalaman ba sa History yung ginagawa namin?

Tungunu ululs! Ha! Jej moment, asar kase.

Papagawan niya kami ng project habang nakababad kami sa tirik na araw, ano ang ginagawa namin? Photosynthesis? Tsk.

"Kuya pwede pa hug!!" Sabi ng babae na chubby, na nakapolka dots. Bagong taon na ba? Kumpulan silang mga babae, lalapit na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Bawal eh hindi ako available, and alam mo bang nananapak ako ng walang dahilan?" Sabi ko para umalis na sila masama na kung masama, yung mga babae kasi na yayakap sa akin pawisan lalo na yung make up sa muhka na natunaw dahil sa init ng araw anak ng! nandiri ako.

"Girls gusto ko talaga ng bad boyssss oh my goshhh dream come truelalu na toh!!" Sabi ni Chubby Girl dun sa mga kaibigan niya, langya!

"Pero kuya, sabi doon sa t shirt mo free hugs?" Sabi nito sabay pout, hilahin ko yung nguso niya eh!

"Yung t shit ay este shirt ang nagsabi nun hin-" natigilan ako dahil palapit sa direksyon ko si Ms. Sungit.

Mapapamura ka na lang talaga!

"Si-sige na nga." Ang sabi ko na lang, luh na talo na ako.

Tumili pa yung babae tapos niyakap ako.

At nang niyakap niya ako, hinigpitan ko ang yakap sa kanya, at ng higpitan ko di na siya makahinga lumabas ang dugo sa ilong at bibig niya na sanhi ng pagkamatay niya.

Syempre joke lang yun, asa namang hihigpitan ko ang yakap, pero. . .

Ahhhh! Gusto ko ng kumawala agad, tinagalan pa nga nito ang pagkakayakap sa akin at hinigpitan niya pa, parang ako yung mamamatay eh. Napatingin ako sa mga kaibigan niya naman na pinipicturan pa kami. Wag na wag niyo yan ipopost sa social media! Masisira ang image ko at baka sabihin nilang wala akong taste sa mga babae!

Hay sa wakas kumawala na rin yung babae

"OMG Nayakap ko siya!!"

"Ang swerte mo girl!"

Paguntugin ko silang dalawa eh!

"Kuya! Pwede pa picture pleaseeee!!" Sabi ng babae na payatot habang nagfflying kiss sa akin, syempre umilag ako. Wala namang kissable lips parang lips lang ng kabayo tsk.

At ano?! Picture?! Diba nga free hugs, mga babaeng talaga tong hindi ginagamit ang utak.

"Sorry free hugs lang eh." Sabi ko, at bigla na lang niyakap ako. Bastos talaga walang paalam!

"Thank you Kuya na enjoy ko yung abs mo hihihihihi." Anong abs ko! Bastos talaga ! Ang landi pa ng tawa ikiss kita sa labi ng kabayo eh!

At buti na lang umalis na sila kaso ang lagkit lagkit na talaga ng katawan ko ng dahil sa yakap nila! Kadiri.

Free HugsМесто, где живут истории. Откройте их для себя