Sana sa pagkakataon na ito magbagong simula na tayo. Iwanan natin ang mga sakit at hinanakit ng kahapon. Pinapatawad kita sa lahat, Clark. Wala na akong natitirang sama ng loob sa paghihiwalay natin noon, puro pagmamahal lang sa Clark ko noon at mas lalo na sa Clark na nakilala ko ngayon. Mahal na mahal kita at sobrang saya ko kapag naiisip ko na magkakasama tayo habang buhay, hanggang sa pagtanda natin. I can't wait for the rest of my life with you, Clark. Kaya ko binibigay sa 'yo ang mga sulat na ito, para malaman mo na sa bagong simula natin wala akong tinatago sa iyo. At sana mapatawad mo rin ako sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo noon. Alam ko marami, nakikita ko na ngayon ang mga naging pagkukulang ko bilang girlfriend at lalong lalo na bilang asawa. Hindi ko maipapangako na hindi na ako magkakamali, at magkakaroon ng mga pagkakataon na hindi tayo magkakaintindihan, pero pangako ko sa 'yo, Clark, na unang prioridad kita. Ikaw ang asawa ko, ang magiging ama ng mga anak ko...ang pamilya ko.

I love you, Clark, and I miss you. Come home safe. Naghihintay ako.

Your Wifey, Your Leah

Clark took out the pile of letters and laid it out in front of him on the bed. The letters were written on various pieces of paper, some of them were in envelopes and some were loose-leaf sheets of paper, folded with his name written on them. Some of them were written on nice stationary and some were paper torn out of notebooks. He spotted a postcard in the pile and even a table napkin. It would take Clark all night to read them all but he didn't plan on doing anything else. He settled back on the bed and picked one up.

Dear Clark,

It's been 7 months, 2 weeks, and 5 days since we last spoke. Oo, bilang ko pa rin ang araw. Sabi nila habang tumatagal ang panahon, nababawasan ang sakit. Pero bakit ganoon? Walang araw na dumadaan na hindi ko nararamdaman ang sakit ng pagkawala mo sa buhay ko.

Maraming maganda na nangyayari dito. I had another successful campaign. It was with a popular car brand here in Dubai at alam mo, ang gusto ng marketing head nila, ako na hahawak ng mga future ad campaigns nila. Hindi lang Art Mart pero ako mismo ang gusto nila. Ang saya...at ang bonus na ibinigay nila sa akin, syempre ilalaan ko para pambayad sa utang sa operasyon ni Tatang. Malaking tulong 'yon para mabayaran ko ng buo ang medical bill...para makauwi na ako ng Pilipinas. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Si Gabby ang bilis lumaki, si Manang Tiffany excited na para sa kasal niya. Hindi ako makakapunta sa kasal, Clark. Triny ko mag-leave pero imposible dahil may conferences kami sa week na 'yon at kailangan nandoon ako. Buong gabi ako umiyak noong nalaman ko na hindi ako makakapunta. Ikakasal si Manang Tiffany at wala ako doon. Ako pa dapat ang Maid of Honor niya. Ang hirap, Clark. Feeling ko wala akong kwentang kapatid. Pero wala akong magagawa. At naisip ko rin...kung sakali makapunta ako, paano kita haharapin? Kaya baka mas mabuti na rin na hindi ako makakapunta. Ang selfish ko diba?

Duwag pa rin ako, Clark. I'm sorry. Patawarin mo ako. At sana mapatawad rin ako ni Manang.

Yours,

Leah

Dear Clark,

            Masaya ang araw na ito. Day off ako ngayon kaya pumunta ako sa mall kasama si Cecile. Ayoko sana gumastos pero kailangan ko ng bagong damit para sa mga client meetings na pinupuntahan ko. Grabe pala kapag nasa ganitong posisyon ka sa corporate world, sobrang jinujudge nila ang physical appearance mo. Buti na lang at nandito si Cecile para i-guide ako sa wardrobe ko, sa make up, pati na rin sa mga bagong hairstyles ko.

            Masayang kasama si Cecile. Masarap siyang ka-chikahan at sobrang wise niya magbigay ng advice. Ang dami na niya kasing napagdaanan. Siya ang pinaka-close ko na kaibigan at madalas kong kasama sa labas ng trabaho. Iniisip ko minsan na sana balang araw maipakilala ko kayo sa isa't isa, pero paano mangyayari 'yon?

Begin AgainWhere stories live. Discover now