Sarili

144 1 2
                                    


Pagod na ko.

Siyam na letra, tatlong salita.

Tinitigan ko ang mga salita na sinulat mo sa dingding, na mula ngayon, takpan man o linisin ay mananatili pa rin.

Tumulo ang aking luha kasabay ang alaala mo habang ikaw ngayon ay nakahimlay na sa iyong huling himlayan.

Kung paano ka tumahimik sa isang gilid at naghintay ng pag asa... pag asa na balang araw may darating upang ika'y hilahin mula sa kalungkutan ng mundong iyong binuo.

Ngunit mukhang walang dumating... dahil ngayon sa iyo'y wala ng maari pang sagipin.

Napagod. Sumuko. Lumisan.

Naisip ko, kung binigyan kong pansin ang iyong paninimdim... lilisan ka kaya sa aming piling?

Susuko ka kaya sa pag asa na balang araw na ikaw ay sasaya... na balang araw ika'y tatawa?

Ngunit wala ng magagawa, pinanood na lang na bumaba kabaong na yong hinihimlayan, habang buhay na magtatanong.... ngayon ba'y masaya ka na at lumaya?

Tula Ng Isang NawawalaWhere stories live. Discover now