Pinagtagpo Ngunit Di Itinadhana

990 5 2
                                    


Palagi kong naririnig mga kwento ng pag ibig.
Pag ibig na di itinadhana, ngunit pinagtagpo pa rin ng Dakila.
Lagi kong naiisip, bakit kaya?
Bakit kaya tayong dalawa'y nagkita kung di rin pala para sa isa't-isa?
Isa ba iyong biro?
Isang pagkakamali na dapat ay makamit upang matuto?
Mahal, masaya naman tayo.
Di man perpekto, mayroon naman tayong mga momento.
Dati di ko alam kung saan tayo nagkamali,
Kung saan tayo tumabingi,
Sinisi ka dahil ako ay di pinipili.
Naghanap ng mga pahapyaw na sagot sa mga tanong na di masagot.
Kung tayo ba'y di nagkamali, hanggang ngayon kaya'y tayo'y magkapiling hanggang sa mga sandali?

Ngunit hindi.
Hindi ang pagkakamali ang naghiwalay sa ating mga pusong lito.
Napagtanto ng utak ang di makita ng pusong nakapikit,
Nakapikit dahil sa sakit.
Napagtanto na kulang ako.
Kulang PA ako para sa iyong mundo.
Kulang na kulang.
Kaya pala.
Kaya pala tila nagdurugo tayong dalawa,
Dahil pinipilit nating magsama kahit na di tayo para sa isa't-isa.
At masakit, dahil mahal pa pala kita.

Mahal kita.
At patuloy kong dadamhin ang pag ibig na minsan ay masasabi ko rin ay pinagsaluhan nating dalawa.
Ngunit tadhana nga yata'y kay hilig mag biro at tayo'y pinagtagpo.
Pinadama damdamin na mahirap masugpo,
Para lang din piliting itapon palayo.
Siguro nga, baka hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa sa buhay na to... baka tayo sa susunod na mundo at di tulad sa oras na to... tayo'y di itinadhana ngunit pilit paring pinagtagpo.
Sana sa susunod na mundo,
Sa oras na tayo'y muling magtagpo,
Sana nanalo na ko sa laro.
Nakita na ang sarili at makaya ng mahalin ka ng buo,
Upang tuluyan ng magkasya sa mundo mong tila ba langit sa layo.

—Naka Move On Na, Pero Di Pa Nakaka Recover

Tula Ng Isang NawawalaWhere stories live. Discover now