BFR Chapter 4- I trust you

7.6K 45 1
                                    

NICHKOLAS AGUIRRE POV

“Kapal mo ! Aguirre at!” at narinig ko nalang na padabog na sinara ni denyce and pinto.

Napangiti na lamang ako dahil sa inasal ni denyce masyado pa nga siyang bata. Kung nagtataka kayo 20 years old na ako, pedophile naba para makarelasyon ang isang 17 years old? Age doesn’t matter naman diba? ^_^. Fresh graduate palang ako sa kursong business management, nagtratrabaho ako sa hotel business naming at ako nadin ang namamahala ditto since nasa ibang bansa naman ang mga magulang ko para asikasuhin ang ibang branch naming doon.

Two years relationship na kami ni denyce fourth year high school palang siya nun at third year college naman ako. Nakilala ko siya sa isang party ang mga magulang kasi naming ay magkabusiness partners at yun nadin ang dahilan kung papaano kami nagkakilala ni denyce.

I chuckled. Napakatorpe ko pa kasi ng panahon nay un ni hindi ako makalapit sa kanya mukha kasi siyang mataray, pero ang ganda padin niya kahit ganun yung una kong tingin ko sa kanya.

Isang araw na lamang nagkaroon ako ng lakas ng loob para lapitan siya, yung unang impression ko sa kanya na akala ko mataray siya nagkakamali pala  ako mabait ito at dahil doon mas lalo ko pa siyang nagustuhan.

Naging magkaibigan kami at simula nun lagi ko na siyang binibisita sa bahay nila .Hindi nagtagal nakapag desisyon ako na ligawan siya kahit tutol ang mga magulang ko. Ipinaglaban ko ang kagustuhang makasama siya , sobrang saya ko nung araw na sinagot niya ako sinabi niya din kasi sakin na matagal niya nadin akong gusto.

Sa tuwing naalala ko yung mga sandaling magkasama kami at masayang tinatahak ang bawat pagsubok na dumarating samin.

Pero…………………

“Life too short… Lahat ng love story may ending hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa inyo . Hindi kasi lahat ng love story may happy ending may ending din na masakit dahil kelangan mong mag sakripisyo para sa taong mahal mo”

I felt aliquid dripping on my cheek.

“I----m s--orry denyce. I love you so much but I need to sacrifice for your own good and for the sake of the two of us.” I said to myself emotional.

*tok tok tok*

Narinig ko nalang na may pumihit sa pinto

“babe, matagal kapaba diyan? Malalate na ako.” Denyce asked with a sweet voice. Pinahidan ko agad yung luha ko, natagalan ata ako dahil sa emosyon ko.

Bedmate For Hire [Love is Undefined]Where stories live. Discover now