Chapter 2

279 14 0

Changes

"Baka malusaw na ako niyan," nakangising sabi ni Xiv kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Kung makatingin ka. Namiss mo ako no?" tukso pa niya sa akin kaya naman malakas ko siyang itinulak dahilan para mahulog siya sa inuupuan niya. Tinignan naman niya ako ng masama bago tumayo.

"Oh my gad! Okay ka lang ba Xai?" tinulungan siya ni Alex na makatayo.

"Masyado ka naming defensive," nakangisi nanamang sabi niya. Si Alex naman ay natatawa nalang sa aming dalawa.

"Namiss ko yang bangayan ninyo. Yung tipong lagi kang binabara ni Xai tapos wala kang magawa kundi manahimik lang," natatawang sabi sa akin ni Alex.

"By the way, tama ka. Namiss ka nga ng kaibigan kong ito."

"ALEX!!!" sigaw ko sa kanya na nanlalaki ang mata.

"What? Totoo naman? Minsan bigla ka nalang matutulala. Kahit di mo man sabihin alam ko naman na namimiss mo si Xairill. Naku huwag kang magdeny! I can read you like an open book. Hindi lang dahil sa bestfriend kita, psych major din ako no!"

"Gusto ko kasing malaman yung dahilan niya kung bakit bigla na lamang siyang nawala na parang bula!" Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko kung ano ang sinabi ko. Para ko na ring inamin na namiss ko siya!

Nag-iwas lang ako ng tingin dahil nakatitig sa akin si Xiv. Bakit naman kasi kailangan pang sabihin ni Alex iyon? Nakakahiya. Baka kung ano na ang tumatakbo sa isip ng bwisit na lalaking ito.

Napili ko na lamang na umalis doon. Kahit na tinatawag ako ni Alexa ay hindi ko na siya pinansin. Hindi ko na kasi kaya yung mga tingin sa akin ni Xiv.

"Belle," tawag ni Xiv. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Wala na iyong mapanuksong tingin niya kanina. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon.

"Bakit? Babalik na ako sa room para makapagreview sa susunod na subject," sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin sa mata niya.

"Cut the crap, Isabella. Alam naman nating dalawa na kahit anong aral ang gawin mo ay hindi mo ako matatalo."

Doon na ako tumingin sa mga mata niya. Mga mata niya na dati ay mababakas ang saya at kalokohan. Pero ngayon, nakikita ko doon ay galit at kalungkutan.

"Natalo na kita, Xiv. Iyon yung araw na umalis ka. Iyong araw na nawala ka na parang bula. Para sa akin kasi, iyon ang araw na nagdesisyon kang tapos na ang laban natin. Na sumusuko ka na."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kung hindi pa niya iyon pinunasan.

"My Belle."

"Kaya naman bitawan mo na ako. Kailangan kong mag-aral dahil running for summa cumlaude ako. Ayoko naming mawala sa akin ang titulo na iyon."

Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at tumakbo na pabalik sa room. Ayokong nakikita ang mga mata niya. Ayoko siyang nakikita dahil nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan. Mas mabuti pa noong wala siya, masaya ako.

Masaya nga ba ako?

Napabuntong hininga nalang ako. Siguro nga hindi ako masaya pero mas mabuti naman ang nararamdaman ko noong wala siya. Nakakainis lang.

"Mae!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at napangiti.

"Andrew!" nakangiting sabi ko sa kanya.

Isa si Andrew sa mga kaibigan ni Xiv noon. Naging kaclose ko siya dahil siya noon ang napaglabasan ko ng sama ng loob ko dahil sa biglang pagkawala ni Xiv. Simula noon, parang siya na ang naging pangalawang bestfriend ko.

Loving My Enemy (Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!