Chapter 57 - HE LIKES ME?

Start from the beginning
                                    

"Anong nangyayari dito??!" napatingin ako sa kararating lang at sumigaw at pakiramdam ko ay parang mas gugulo ngayon. Naku naman Marj, imbis na makatulong, lalo ka lang nakakagulo!

"J-john..." pabulong kong sabi at ngayon eh nanlalambot ang tuhod ko dahil hindi pa din tumitigil sa pagsusuntukan sila Raffy at Tristan, tapos nandito na si John. AISH!

Bigla syang lumapit kay Raffy at Tristan at itinulak nya si Raffy na dahilan para malayo at matigil ito sa pagsuntok kay Tristan.

"Anong meron dito??" tanong ni John na nakapagitna na ngayon sa nakatayo ng Raffy at naka-upo ng Tristan.

"Tsk, tsk. May isa pang pakialamerong dumating." sagot ni Tristan na hindi pa din sya tumatayo habang nagpupunas lang sya ng dugo sa labi nya.

"A-ah, w-wala naman. Hindi lang nagkaintindi---"

"Anong wala? Kitang-kita ko Joreng, hawak-hawak ka nya habang nakasandal ka sa pader at narinig kong sinigawan ka nya at sinigawan mo din sya!" sabi ni Raffy.

Pero totoo naman ang sinabi ko eh, nagkamali lang ng intindi si Raffy kaya nagkagulo.

"Anong hawak-hawak?? Nakasandal? Sinigawan??" naguguluhang tanong ni John.

"Iyang lalaking yan! Itanong mo sa kanya! Naabutan ko na lang kaninang hawak-hawak nya si Marj habang nakasandal sa pader!" sigaw ni Raffy.

"Wag ka ngang tanga! Nag-uusap lang kami pero bigla ka na lang nakisali sa eksena!" sigaw naman ni Tristan.

"Haha, nag-uusap ha? Ganun ka ba makipag-usap?? Anong klaseng ugali ng lalaki yun?? "

"Raffy tama na nga!! Umuwi na lang tayo!" sigaw ko kay Raffy at hinawakan ko na sya sa braso. Lumakad na kami palayo sa kanila pero ilang hakbang palang ay napahinto ako.

"Raffy, dyan ka lang! Wag kang gagalaw! May sasabihin lang ako sa kanila. Wag kang aalis dyan sa kinatatayuan mo, kukutusan kita!" banta ko sa kanya at bumalik ako kung nasan sila John. Hindi ko pinasama si Raffy dahil baka magtanong sya ng magtanong at malaman nya ang tungkol kay John at Tristan. At isa pa, baka magkagulo na naman.

Ganun pa din ang pwesto nila John at parehas na lang silang napatingin sakin nang lapitan ko sila.

"John. sorry kung nangialam ako. Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari pero---"

"Okay lang, Marj. Hindi mo kailangang magsorry." mahinahong sagot ni John.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Where stories live. Discover now