Chapter 7 - PAYONG

10.8K 189 14
                                    

Chapter 7

 

 

 

[Marjorie's POV]

 


Haaaayyy, napagod ako sa practice namin kahapon, lalo na sa lesson namin ni Bryan. Tss, tapos ngayon, pupunta ako ulit sa kanila para magpractice ulit. Eh parang hindi naman ako natututo eh -_-

Pagkatapos ng mass kanina eh kumain kami nila Mama, tapos umalis na ko. Kailangan ko kasi matuto, sana naman magwork itong pagtuturo sa akin ni Bryan.

Naglakad na ako papunta sa kanila at yung maid kahapon ay yun ulit ang nagbukas ng gate ngayon.

"Hello po. Si Bryan po?" tanong ko dun sa maid.

"Ah, nasa kwarto nya pa po eh. Pero binilin nyang pag dumating ka na eh ihatid na lang kita sa game room."

"Ah ganun ba, sige po, salamat."

Pumunta na kami sa game room at ako eh nagtingin-tingin lang dun. Hmm, teka nga, mapractice ko nga yung paddle para mamaya eh ready na ko :P

Kinuha ko yung paddle dun sa drawer at nagsimula akong mag-ilusyon na may kalaban ako at mukha akong tangang nagwawala dito =___=

 

[John's POV]

 


Hi friends ^____^

Kilala nyo na ko right? John Alec Cabrera, 4th year section A, Table Tennis Club VP, at sabi eh "campus heartthrob" daw. Hmm, ewan ko ba. Simula pa yun nung first year pa ko. =__=

Pero ayaw ko nun. Ayaw ko ng sikat, ayaw ko nung laging nasa akin ang atensyon. Tss, minsan nakakawala din ng privacy. Pati nga nung naging girlfriend ko si Lorraine eh madaming nagalit sa kanya, haaay >_<"

Kaya nagpaghinga muna ko sa mga girlfriend girlfriend na yan. Tsaka na lang kapag nakahanap ng tamang tyempo. :P

Papunta na ako ngayon sa bahay nila Bryan, pero hindi nya alam to. Eh kasi gusto ko ng rematch. Kahapon kasi nung nag-laro kami eh nanalo sya sa first game tapos ako naman sa second. Kaya parang namiss ko ang bonding namin na paglalaro ng table tennis.

O_O

Napatigil ako nung may nakita akong babae na papasok ng bahay nila. Kahit na medyo malayo pa ako eh kitang kita kong pumasok yun sa gate ng bahay nila Bry.

Si Ate Bianca kaya yun? Pero hindi eh, matangkad si Ate Bianca. Si tita? Hindi din. Sino kaya yun? Hmm, baka friend ni Ate Bianca.

Tumuloy na lang ako sa paglalakad at hindi ko na lang inisip yun. Ang daming babae naman ang pwede pumasok da bahay nila, namomroblema pa ko -_-

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon