Chapter 57 - HE LIKES ME?

5.8K 121 19
                                    

Chapter 57

[Marjorie's POV]

"Marj! Ayos ka lang??" tanong nya.

Pero hindi ako nakasagot at tinignan ko lang sya tapos si Tristan tapos sya ulit. Pabalik-balik lang sa kanilang dalawa ang tingin ko.

"Joreng, magsalita ka, ayos ka lang?" tanong nya ulit. Kaya tumango na lang ako.

Nabigla kasi ako sa ginawang pagsuntok ni Raffy kay Tristan. Tinignan ko ulit si Tristan at dahan-dahan syang bumangon mula sa pagkakasalampak nya sa sahig.

"Isa ka pang malakas ang loob para gawin sakin to!" lumapit sya kay Raffy at nang nakita kong bumwelo na sya para suntukin to ay agad akong humarang sa harap nya.

"WAG!!" sigaw ko at napatigil naman si Tristan.

"Please lang, Tristan. Wag." ibinaba nya ang kamay nyang ipangsusuntok nya kay Raffy at tinignan lang ako.

"Ikaw, ano ka ba talaga?" tanong nya na naman sakin. Pero hindi ko sya sinagot at tinignan ko lang sya. Lumipat naman ang tingin nya kay Raffy.

"Ikaw, sino ka naman?! Sino ba kayong mga nanghihimasok sa buhay ko?!" sigaw nya dito.

"Sinabi ko ng hindi na importante kung sino ako. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin sayo. Kaya aalis na kami, bago pa mas lumaki ang gulo." mahinahong sabi ko at hinarap ko na si Raffy.

"Tara na." aya ko at hinila ko na sya. Pero natigil ako sa paglalakad nang may humila sa isa kong braso. Napalingon ako at si Tristan pala iyon.

"Ano ba talagang pa---"

"Wag mo syang hawakan!" sigaw ni Raffy at bigla nya na namang sinuntok si Tristan. Sinamaan lang sya nito ng tingin at pinunasan ang dugo sa labi nya.

"Sino ka ba?? Anong gusto mo sa kanya??" tanong ni Raffy at bigla namang ngumiti ng kakaiba si Tristan.

"Ano namang pakiaalam mo? Tinatanong ko lang itong pakialamerang to kung ano pangalan nya tapos may eeksena namang isa pang pakialamero?"

"Sumosobra ka na ah!" at sinuntok na naman sya ni Raffy. Pero ngayon, gumanti na si Tristan pero nakaganti din si Raffy at nagsimula na silang magpalitan ng suntok.

"HOY! A-ANO BA?! TUMIGIL KAYO!!" sigaw ko pero walang nakikinig sa kanila. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero napaibabaw na si Raffy at mukhang napupuruhan nya na ng suntok si Tristan.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Where stories live. Discover now