More Moments

228 5 0
                                    

Ang daldal ni fleen pag marami sila. Ngunit ng sila nalang ni emman tila isang pipi, nakiramdam lang sya. "Sa tingin mo kaya diritso silang uuwi. Di na kaya sila dadaan kung saan-saan." Basag ni emman sa katahimikan. Nakangiti ito at tumitig sa kanya.

Napangiti si Fleen sa sinabi nito. Kaswal syang nakipagtitigan at sumibol sa puso nito ang di mapigilan emosyon. 'Mapagbiro pala ito at medyo madaldal kung wala yong mga kasama nya.' naisip nito. Baligtad naman kasi parang nakasarado bibig nya pagwala yong mga kaibigan nya. Lalo nya itong pinagnasaan na mahalikan at mayakap. At ang puso nya lalong yumabong sa tuwing matitigan nya ito. Ngunit patuloy nyang nilabanan iyon, pigil hinga sya at kaswal na nakipag-usap.

"Kaw naman, kung ano nalang dumapo sa isip mo. It's their business dude." Sagot ni fleen ng makabawi. "Tsaka di na sila mga bata." Dagdag pa nito. "Biro lang!" Bawi ni emman at napangiti na lalong lumabas ang tunay na pagiging adorable nito.

"O sya tama na, naniwala na ako." Ani fleen na nakangiti rin. "Paano, ihatid mo ba ako dyan sa motorsiklo mo o mag taxi nalang ako." Dagdag sabi nito. "Kay Andrew iyan, hindi sa akin." Paalala ni emman. "Eh, ikaw naman ang gumamit kaya sa iyo, wag kana umangal." Biro nito sa kausap. Nagtawanan sila.

"Nagmamadali kaba...kasi Kung hindi baka pwede samahan mo muna ako, ayuko ko pang umuwi." Pakiusap ni emman. 'wow I like!' Tuwa ng isip ni fleen. "Hindi naman, sure basta ikaw." Sagot ni fleen. 'Sana mag I-Love-You kana...' wish ng isip nito. Medyo humuhupa na ang kumakabog nyang dibdib dala ng pag-uusap nila, kaya kampanti na syang pakisamahan ito.

"Samahan mo muna ako." Pakiusap uli ni emman habang pinaandar ang makina ng motor. "Saan?" Tanong ni fleen habang umangkas. "Magpalamig lang tayo saglit, pampapagod lang para pag uwi tulog agad." Sagot ni emman habang pinaharorot ang sasakyan nila.

Kinabahan si Fleen ng marinig ang salitang magpalamig. Nairita din dahil bastos ang kausap nya. Di pa nga naging sila tapos dadalhin na sya sa malamig na lugar at magpapagod lang. Kung di pa lang tumatakbo ang sinakyan nila iwan sana nya ito, baka kasi pag sumama sya magpalamig baka isipin nito na easy girl sya at gusto nya yong bagay na iyon.

Sa kabila ng mga negatibong naiisip ni fleen, wala na syang magawa dahil sumama na sya dito. Huminahon nalang sya at naisip na di na sya bata. May gusto sya dito at Kay tagal na nyang pinagpapantasyahan ito. At ngayon mangyari na kaya di na nya ito tatanggihan. Kung lukuhin man sya kaya na nya ang sarili nya. Kahit anong mangyari, handa na sya at na-excite pa sya dito.

Gayon nalang ang pagkadismaya ni fleen ng tumuloy ang sasakyan nila sa isang magarang gusali, may nakasulat na  Club House Inn. Hindi sa Hotel Inn. Napahiya sya sa mga iniisip nya at inaasam. Wala silang imikan mula ng tumakbo ang motorsiklo hanggang sa parking lot.

"Ok ka lang ba...di kaba nangawit." Nag-alalang tanong ni emman. Medyo may kalayuan kasi ang Kalayaan street makati city. "Ok lang naman. Lage kaba dito?" Ani fleen. "Once...sana magustuhan mo." seryusong sabi sa kausap. "Pag gusto mo, eh gusto ko narin." Ani fleen na nilakasan pa upang malinaw na marinig. Tumitig dito si emman at ngumiti ng matamis, humawak sa kamay ni fleen. "Tayo na sa loob." Anyaya nito.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now