"I'm sure you know that students won't graduate if they didn't submit their thesis."

Pagkatapos ipaliwanag ang lahat ay binigyan n'ya kami ng tatlumpung minuto para isipin ang magiging title/problema namin sa thesis.

Umupo ako sa tabi ni Maxxine para idiscuss ang magiging title namin at kung paano namin gagawin ang thesis.

Pagkatapos mag-isip ng title ay pinasa namin iyon kay Ma'am Magdrigal para sakanyang approval.

"So, paano natin gagawin ang thesis?" si Maxxine na nagputol sa patinding katahimikan sa aming tatlo

"Library o break time?" suggest ko at tumango naman si Maxxine

"We can go to our house if there's a lack of time." simpleng sabi ni Johansson pero hindi iyon nagpalingon ng ulo ko, si Maxxine lang ang lumingon sakanya

"Sure! You have a library, right? 'Dun na lang tayo!"sabi ni Maxxine at patago akong siniko

Nakatingin sa akin si Johansson kaya hindi ko magawang tignan ng masama kay Maxxine.

Why are you looking at me, Johansson? Dammit! It makes my knees tremble kahit na nakaupo ako

"So, it's settle then?" sabi n'ya at tumango kaming dalawa ni Maxxine.

Oras na para sa susunod na klase kaya nag-ayos na kami ng gamit.

"Ikaw ah, may napapansin ako sainyong dalawa." sabi ni Maxxine nang naglalakad kami sa hallway

"Tumigil ka nga, Maxxine."

"Asus! Denial ka pa! Kanina pa kaya tumitingin si Zeeyan sa'yo tapos ikaw naman todo iwas. Ano, naapektuhan kana ba?" tukso n'ya

"Ewan ko sa'yo." sabi ko at binilisan ang lakad para iwan s'ya

"Grabe ka naman! Joke lang 'yun!" sabi n'ya nang nasa classroom na kami. Inirapan ko na lang s'ya at hindi na nag-salita

"Sinong susundo sa'yo?" tanong ni Maxxine. Tapos na ang klase at papunta kami sa parking lot kung nasaan ang driver n'ya habang ako ay maglalakad na lang ng konti para makalabas na ng gate. Mag-tataxi ako dahil nag-day off si Kuya Carding dahil nasa hospital daw ang kanyang asawa, hindi ako masusundo ni Daddy dahil may meeting pa daw s'ya kaya no choice kundi mag-taxi.

"We can give you a ride, tutal kapag ako naman yung walang sasakyan kayo ang naghahatid sa akin." umiling agad ako sa offer n'ya. Mas hassle kapag ihahatid n'ya pa ako

"Sobrang layo ng inyo sa amin, Max. Hindi pa naman magdidilim kaya hindi delikado kung mag tataxi ako." sabi ko at mabilis na hinalikan sa pisngi

"Bye!" sabi ko at agad ng umalis sa harap n'ya dahil kapag nanatili pa ako dun ay alam kong pipilitin n'ya lang ako

Paglabas ko ng gate ay madaming estudyante na nag-hihintay ng taxi kaya pumila ako. Nilabas ko ang phone ko para hindi ma bored

Sampung minuto na akong nakapila at nakalahati na ang pila, malapit ng lumubog ang araw. Naabutan tuloy ako ng rush hour, kaya siguro kakaunti lang ang taxing dumadaan.

"Oh my God! Hindi ba sasakyan 'yun ni Zeeyan?" masyado akong busy sa Facebook para marinig yung pangalan na binanggit ng nasa likod ko

"Oh my gosh!" tili ng mga tao at nagtulakan kaya natamaan ako.

Tinignan ko sila ng masama pero hindi nila ako nakita dahil nakatingin sila sa sasakyang nasa gilid namin.

Kumunot ang noo ko habang tinitignan ang pamilyar na sasakyan, bumaba ang salamin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Miss Always Rank #2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن