Habang nag-uusap si pandak at yung lalaki may dumating din na isang babae at lumapit ito sa kanila. Ang liit talaga ng mundo no? Bakit magkakilala sila?

Yung babaeng nang gasgas lang naman ng sasakyan ko ang kausap nila. At mukhang close pa sila ah. Well except ni pandak. Tinitingnan nya lang ito. Naka all black silang lahat. Uso ba talaga black sa kanila? Or emo lang talaga sila? -_-

Pumasok na sila sa loob ng building kaya pinark ko din ang sasakyan ko sa katapat ng building na pinasukan nila para di mahalata. Lumabas ako ng kotse at agad pumunta sa kinaroroonan nila.

Waethford's

Hindi pa ako nakapasok tanaw na tanaw ko na yan sa may entrance. Kaya pala sobrang pamilyar sakin tong building nato. Small world nga. Why? Simple lang. Ang Waethford ay isa sa mga kaaway ng Will. Kakampi ng Will sila dati pero tinraydor nila ito. Marami silang ginawang di maganda at isa lang ang ginawa nila na hinding-hindi ko nalilimutan at malilimutan. Yung ginawa ng mga Waethford sa mga Vernon. Nakita ko na ang building na to sa litrato na nasa office room nila Mommy at Daddy.

Di ko na tinuloy ang balak kong pasukin ito. Mahirap na makita ako ni Sie.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kotse ko.

What happening right now is making such a chaos. Ano kayang connection ni pandak sa mga Waethford? Waethford's are dangerous. They can always turn their backs at you at baliktarin ka nito. You can't trust those good for nothing assholes. Tss

Vanellope's POV

"Ba't andito ka pa sa labas, Uee?" napatingin ako sa nagsalita. Boses pa lang alam kong si Ten to

"Nagha-hunting ng elepante, gusto mong samahan ako?" sarcastic kong sabi pero tumawa parin sya ng mahina

"Maldita. Let's go" sabi nya

Sinundan ko naman sya pero sumaglit ako ng tingin sa labas. Andito na naman kasi yung lalaking menopause! At may balak pa syang pumasok dito. Mabuti naman at di nya tinuloy ng makita nya yung pangalan ng building nato. Umalis na sya ng nakakunot ang noo.

That's right! Walk away! Wag ka ng bumalik dito lintek na Sebastian ka kung ayaw mong may mangyaring masama sayo. Baka masira mo pa mga plano ko! Bwisit!

Sebastian's POV

Nagtatrabaho si pandak dun? Sila? Ehh ang bata bata pa nila. Maliban dun sa bwiset na babae na yun. Hindi si pandak ah! Well, bwiset naman din yun pero mas bwiset yung isa! Ah no. Parang pareha lang sila. Mga may saltik +_+

Calling Nathan ...

Sinaksak ko sa tenga yung bluetooth headset ko.

"Oh?"

(Bastos mo talaga kahit kailan asungot ka -_-)

"May ginawa ba akong kabastos bastos?"

(Wala man lang bang 'Oy, Nathan? Napatawag ka?' o di kaya'y 'Napatawag ka? May problema ba?' Malala na talaga yang ugali mo)

"Ahh yun ba. Oh sige uulitin ko." inend ko yung tawag. Mga ilang segundo pa tumawag sya ulit kaya sinagot ko. Ang yaman ng loko. Ang mahal kaya ng roaming eh pwede namang sa Skype nalang kami mag usap

(Ba't mo ko p-)

"Oh Nathan? Napatawag ka? May problema ba?"

(Papatayin na talaga kitang asungot ka! Bwiseet! Malala ka nang kupal ka) sigaw nya. Pffftt

"Ah ugali ko ba pinoproblema mo? Tsk tsk. Di nga ako namomroblema dito. Di rin namomroblema parents at ate ko. Lalo na sina Khabie, Nathan, Theo, Maez at Lyle pero ikaw bakit? May gusto ka sakin no?"

Bad Girl MEETS Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon