CMB 5

13.8K 344 12
                                    

"Hi." Bati ko nang lumabas siya ng kanyang kotse. Natuto na ako kahapon kaya medyo malayo ako ngayon sa kanyang sasakyan.

Lumapit ako sa kanya kaso naglakad na siya papasok ng school kaya naman nakasunod lang ako sa likod niya. Nahirapan pa akong maghabol ang bilis kasi niyang maglakad.

"May dala pala akong coffee." Nilahad ko ang kapeng binili ko sa labas ng school. Simula ngayon magtitipid na ako ang mamahal pa naman ng mga pagkaing paborito ni Steven.

Hindi parin niya ako pinansin kaya naman minadali ko ang paglakad at hinarangan siya. Tapangan mo ang sarili ngayon, Jade. 

"A-ang sabi ni Newt paborito mo raw to kaya binilhan kita." Nakapoker face lang siya habang nakahawak sa strap ng bag niya.

Agad naman siyang napa-iling nang makitang nakatayo parin ako sa harap niya at nilampasan ulit ako. Ang ibang tao nakatingin na sa akin. Alam ko na nagmumukhang tanga na ako nagyon pero chance na to! Meron na akong rason para makalapit sa kanya kaya susulitin ko na to.

Sina Leah, Kisses at Joana ay mag de-date na sa sa sabado eh ako, nga-nga parin!

"Te-teka, kahit ang kape na lang ang tanggapin mo muna." Nilahad ko sa kanya ang kape at nakita ko kung paano siya huminga nang malalim. Alam ko naman na naiinis na siya sa presensya ko.

Napangiti naman ako nang kunin niya ang kape. Sayang hindi na mainit kanina ko pa kasi binili yun. 

Nanlaki ang mata ko nang mabilis niyang ininom ang kape. Nang maubos niya ito ay mabilis niyang nilagay sa kamay ko ang lalagyan ng kape at nilampasan na naman. Hindi agad ako naka kilos sa ginawa niyang pag-inom.

Grabe! Parang tubig lang sa kanya ang kape pero okay na yun kesa masayang ang effort at pera ko. Bilhan ko kaya siya ng blueberry cheesecake mamaya? Ang sabi ni Brent paborito niya raw yun kaso mauubos na ang allowance ko. Sa kape pa nga lang parang nanghihinayang na ako. 

Nagpaload ulit ako kagabi para ma add sa facebook ang mga kaibigan niya at mabuti na lang ay agad naman nilang inaccept ang friend request ko at sa kanila na ako nagtanong tungkol sa mga gusto ni Steven. Sobrang effort ko na ha! Nang mahimasmasan ako ay dali-dali ko siyang sinundan dahil malapit na siya sa kanilang building. Bilis ah.

"Wahh! Grabe, nilagok mo talaga yung kape. " Na-maze talaga ako dun.

"Aren't you tired of chasing me? Tsk." Inirapan niya ako bago pumasok ng building nila pero ako nakangisi pa rin. Yay, ininom niya ang kape'ng binili ko!



Maghapon akong nakangiti kaya naman inis na inis sina Joana dahil sa ngisi ko. Naiirita daw sila sa mukha ko na  nakangiti lang kahit pinagalitan na ng Prof.

Pagkatapos ng klase ay naunan akong lumabas sa kanila dahil aabangan ko pasi Steven sa tindahan. Baka doon sila ulit tumambay para magyosi. 

"Manang, pabili po ng candy." Wala pa sila pagdating ko kaya bumili muna ako at naupo sa gilid.

Tiyak na papagalitan na naman ako ni Mama mag gagabi na kasi hindi pa ako naka-uwi. Ang tagal naman kasi ni Steven pag ganitong araw kasi seven pm ang uwian nila. Bakit ko alam? Kasi nag send ng schedule nila si Brent sa akin kagabi. Hihihi. 

Nagbasa na lang ako ng notes habang naghihintay para naman may isagot ako bukas sa quiz.

"Manang, the usual." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Newt. Tinignan ko silang tatlo at nakitang nagsisindi ng yosi si Steven samantalang nagbabayad naman si Brent.

"Hello." Maligaya kong bati sa kanila at kumaway pa.

Biglang naubo si Newt nang makita ako. Siguro hindi nila ako napansin kanina at nabigla sila sa biglaang pagsulpot sa harap nila.

Chasing Mr. Badboy |COMPLETED|Where stories live. Discover now