Prologue

32 2 1
                                        

Seina

"Pasensya ka na iha pero ikanalulungkot ko na wala na ang Nanay at ang Kapatid mo"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig kung kaya't hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi maari! Hindi! Kung kailan na nakuha ko na ang pinakamataas na Grado ay doon naman bumagsak ang pagkatao ko.

"Nay! Hindi pwede! Hindi niyo ako pwedeng iwan! Nay tignan niyo po oh, nakakuha po ako ng Scholarship sa gusto niyong paaralan. Nay sasamahan mo pa akong magmartsa diba? Nay!"

Tuloy tuloy ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko alam kung kailan ito titigil. At hindi ko alam kung titigil pa nga ba ito. Pinuntahan ko ang kapatid kong nakahiga na wala nang buhay.

"Bunso. Gising na! Nandito na si ate oh! Binilhan pamandin kita ng laruan. Diba sabi mo tutulungan pa kitang mag drawing? Kaya sige naman na oh! Bumangon ka na diyan. Miss na miss ka na ni ate"

Niyakap ko ang kapatid ko. Wala akong pake kung patay na siya. Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay galit.

Galit, kung bakit pati pamilya ko ay nadamay sa gulong ito. Galit, sa rason na kaya nilang pumatay ng napaka inosenteng tao. Galit, kung bakit pati ang masaya kong pamilya ay winasak ng mga walang kwenta at mga hayop na kalaban ko.
««««»»»»
Author's Note: Hello po! First time ko pong masgulat ng ganitong story kaya pagpasensyahan niyo po ako kung maraming pagkakamali. Sana ituloy niyo po na basahin. Comments and votes are highly appreciated.

Tweet me: @DeinaLouvelle
#TheInjusticeofDeathWp

The Injustice of Death  Příběhy, které tě pohltí. Začni objevovat