Nakakainis naman yang Weaky na yan.. Tss.

[Andrew's POV]

"O! Ayan na yung flowers mo Lover Boy!" binato ko kay Nigo yung flowers na pinapabigay nya kay tommy. Yung pinakamamahal nya daw na girlfriend.

"Diba pinapabigay ko to Kapitan sa kanya? Bat na sayo pa to?" tsh. pinapabigay nya kasi kay Tommy yung flowers na dala nya eh pano natalo ako sa bato bato pik namin kanina kaya ako taya. Wala kasi kaming magawa dito sa court kanina kasi kaming dalawa pa lang ang tao dito.

"Di pa sya dumadating" sabi ko sa kanya habang nagshoshoot ng bola habang sya naman ay kumakain ng paborito nyang saging na galing pa sa probinsya nila.

"Ayts. Kainis naman. Ako na lang ang magbibigay mamaya. Hehe. Saging? You want?"

"Wag na, alam kong kulang pa sayo yan"

Kahit kailan talaga to si Inigo, adik talaga yan sa saging. Ewan ko kung bakit. Basta ang sabi nya sakin tama lang daw ang lasa at basta paborito nya daw.

Teka, maiba muna tayo ah.

Ano bang nakita nya dun sa Tommy na yun? Psh. Di naman maganda yun eh. Ni magsuklay nga nang buhok di marunong.

"Ano bang nakita mo sa babaeng yun?" tanong ko kay inigo habang inaayos ang suot nya, katatapos nya lang kainin ang saging nya. Lumapit sya sakin.

"May kakaiba kasi sa kanya kapitan" inagaw nya sa akin ang bola at nagshoot sya.

"Kakaiba? Dahil ba sa mga mata nya?" sya lang kasi ang panget dito kaya siguro kakaiba sya. Bulag lang talaga si Inigo. Tsk. tsk, di marunong maghanap ng babae.

"Di lang dahil sa mga mapang akit nyang mga mata. Kundi dahil sa kanyang mga ngiti." sabi sakin ni Inigo habang nakangiti. Binatukan ko naman sya kasi nagmumukha na syang tanga.

"Ano ba naman yan Kapitan. Makabatok naman to." sabay himas ng ulo nya, napailing na lang ako at shinoot yung bola sa ring.

"Basta. Yung mga ngiti nya kasi kapitan nakakaiba, yung tipong makakaginhawa ka ng maluwag pag nakita mo syang nakangiti? Yung parang makakaramdam ka ng safe ka. At nung nakita ko syang ngumiti, ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo." tss, this guy's crazy, eh ano ngayon kung ngumiti sya? big deal na ba yun? para sa isang ngiti lang eh.

"Ang OA mo." shinoot ko ulit yung bola.

"Di ako OA no, nagsasabi lang ako ng totoo. Eh kasi naman kapitan ang sabi sakin ni Andrea hindi daw palangiti sa mga lalaki yang si Alexis kaya masaya ako nung nakita ko syang ngumiti kasi mukhang sakin nya lang kayang ibahagi ang happiness nya." kinuha nya ang bola sa kamay ko at nagdribble.

Bigla akong napaisip.

Di sya palangiti sa mga lalaki? Seriously? Anong meron sa kanya at ayaw nyang ngumiti samin?

HaaAaaay! >.<

Bat ko ba iniisip yun? tss.

Wala akong pakialam sa kanya.

Shoot lang kami ng shoot ng bola ni Inigo hanggang sa dumating na ang mga team mates namin pati na rin si Coach at nagsimula na kaming magpraktis.

Naglalakad na kami ngayon papuntang canteen kasama ang mga iba kong team mates.

"Oi si Papa Andrew"

"Ang pogi talaga nila"

"Haaay, ang pogi ni Andrew tapos ang cute naman ni Inigo"

"Reserved na si Andrew saken"

"O sige si Paul at Mark naman saken"

Murmurs, it really sucks.

Ms. Varsity Player ^^Where stories live. Discover now