“Yeah... I guess you're right. Go to sleep now.” sakto namang muli'y bumukas ang pinto at iniluwa noon si Third na may dala nang isang baso ng gatas. Hinayaan na lang niya ang dalawa at bumaba na siya. Nadatnan niyang nasa patio si Dylan at Karla. Hindi niya na kailangan pang hulaan na siya ang pinag-uusapan ng dalawa. Naging malapit na rin naman na kaibigan ni Karla si Dylan dahil sa dalas nilang magkakasamang lumalabas.

Kanina ay saglit niyang kinausap si Karla na hintayin na lang muna nila na matapos ang birthday party ni Carl bago sila mag-usap. Nang makalapit na siya sa mga ito ay niyakap siya ni Karla.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.

“I'm fine I guess.” sagot niya rito. Umupo silang tatlo sa sala set na nasa patio. Inabutan naman siya ni Dylan ng isang glass ng wine.

“I spoke to Tita Leonora kanina. She told me everything kung bakit kilala na ni Carl si Third kahit hindi niya pa ito nakikita ng personal. I know this day would come. Kahit walang magsalita sayo, alam kong nahahalata rin nila kung sino ang ama ni Carl.” si Karla ang nagsalita. Hindi pa rin nagsasalita si Carmela, tahimik lang siya sumisimsim ng wine. Hindi pa rin totally nag-sisink in sa kanya ang lahat ng nangyayari mula ng magbalik si Third sa buhay niya. Sa buhay nilang mag-ina. “You know, he said something that really bothers me though.”

“What is it?” tanong ni Dylan. Pareho silang nagtatakang naghintay sa kung anong sunod na sasabihin ni Karla.

“He said, that if you know how to be content, he wouldn't have left you.” lalo lamang sila naguluhan sa sinabi nitong iyon. Anong ibig sabihin dun ni Third? Na kasalanan niya kung bakit siya nito iniwan? Ano bang ginawa niya? Everything was okay between the two of them, right after the party. He said something similar to what Karla says now the night na may nangyari sa kanila.

“What? Did he really think na pera lang niya ang habol mo all along?” sabi ni Dylan. Bigla naman ang pagbaling ng tingin nilang dalawa ni Karla dito. May point si Dylan. Could it be? Na buong akala ni Third ay pera lang nito ang habol niya kaya walang pasubaling binigay niya rito ang sarili?

Ipinilig ni Carmela ang ulo. It's too late now to even think about the what if's. Nangyari na ang nangyari at tapos na ang lahat sa kanila ni Third.

“So, what now?” pukaw sa kanya niya Karla. “ngayon na alam niya na may anak siya sayo, ano ngayon ang mangyayari?”

“We haven't talk about it.” mahinang sabi niya rito, “One thing is certain, igigiit niya lahat ng karapatan niya kay Carl from now on.”

“True. The last thing you needed now ay ang dalhin ni Third sa korte ang mga karapatan niya kay Carl.”

Bumalong ang kaba sa dibdib ni Carmela. Hinding-hindi niya hahayaan na umabot pa sila sa korte. “He wouldn't” sabi ni Carmela. “Malaki na ang kasalanan ko sa anak ko sa pagtatago sa kanya palayo sa ama niya. Hindi ko na ipagkakait ang pagkakataon na magkasama sila ni Third.”

“So, it means na parati mo na rin makikita at makakasama si Third,” muli'y hirit ni Karla.

Bumuntong hininga si Carmela. “Guess I have to deal with him.”

“Or fall in love with him... again.” biro ni Dylan sa kanya. Imbes na matawa ay tinignan niya lang ito ng masama.

“Not gonna happen!” mariing niyang sabi.

“Sabi mo eh,” malawak ang pagkakangiti nito ng muli niya itong tignan.

“Shut up!” kanina pa siya naiinis kay Dylan dahil muhkang aliw na aliw ito sa mga kaganapan sa kanyang buhay.

Kahit nag-uwian na ang lahat ng mga bisita ganun din si Karla at Dylan ay nagpaiwan pa rin si Third. Bagay na inaasahan na rin ni Carmela. Alam niyang naghihintay lang ito ng pagkakataon para makapag-usap silang dalawa.

Love Misunderstood (Completed)Where stories live. Discover now